CHAPTER 10

2.3K 84 4
                                    


"Rare! Hindi puwede na dito ka titira!"

"Shannon, walang bayad ang serbisyo ko para sa inyo mag-ina. Haist... Nag-aalala lang naman ako dahil mukhang mga propesyonal ang mga kinuha ng kalaban mo."

Huminga ng malalim si Shannon tiyaka tumango.

"Sige, pumapayag na ako. Huwag mo lang hahayang may mangyari kay Troy. Kung sakaling nasa panganib kaming dalawa unahin mo—"

"Shannon, parehas ko kayong ililigtas."

Hindi lubos maisip ni Rare na may mangyari sa kaniyang mag-ina lalo na kay Shannon.

"Manang"

"Yes po ma'am?"

"Pakidala itong si Mr. Frisch sa guest room. Doon muna siya tutuloy."

"Sige po."

"Sandali"

Napatingin si Shannon at ang kasambahay kay Rare dahil bigla itong umentra.

"Hindi ba sa kuwarto mo ako? Baka mamaya pasukin ka ng mga humahabol satin kanina."

"Rare, masikip na sa kuwarto ko dahil magkatabi kami lagi ni Troy sa pagtulog."

Tumingin si Rare kay Troy tiyaka lumuhod.

"Troy, paano kung pumasok sa kuwarto niyo 'yong mga monster kanina?"

"No"

"'Di ba mas maganda kapag katabi niyo ako para hindi ko papapasukin ang mga monster sa kuwarto niyo."

"Talaga po?"

"Oo, malakas yata ako!"

"Sige po!"

Tumingin si Troy kay Shannon tiyaka nagsalita.

"Mommy, sa kuwarto na lang matulog si Ninong."

"Troy, call me daddy."

"Po?"

"I'm your dad"

Nagulat si Shannon sa sinabi ni Rare. Parang natural para sa kaniya ang lahat. Kaswal lang ang pag-amin ni Rare kay Troy.

"Ninong, this is not funny."

"I'm not joking Trixia Ysabelle P. Frisch."

Naglabas ni Rare ang isang I.D at ibinigay iyon kay Troy. Nabasa ng bata na may pagkakatulad ang buong pangalan nilang dalawa, parehas silang Frisch ang apelyido.

"Mommy! Ayoko nang kasama si ninong sa kuwarto. Paalisin niyo na siya!"

Agad na tumakbo si Troy papuntang kuwarto. Nabigla at natatakot si Troy dahil sobrang bait sa kanila ni Rare at ayaw niya itong magaya sa daddy Johan niya.

Inako ni Johan ang responsibilidad bilang ama sa kanya at pumayag ito maging daddy niya na lubos niyang ikinatuwa. Ngunit bigla na lang itong namatay at sa isip ni Troy ay siya ang dahilan kung bakit nawala ang kaniyang daddy Johan. Ito ang ayaw mangyari ni Troy kay Rare dahil siya ang pinaka importante tao sa buhay niya sumunod sa kaniyang ina.

Fucker Series #5: RARE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon