CHAPTER 22

2K 82 9
                                    

Isang update muna ngayon dahil mag-a-update ako sa Johan2

Baka sapian ako at patayin ko na talaga si Johan. Hahaha char.

Enjoy!

-En

***********************

Hawak-hawak ni Shannon ang kamay ni Rare habang nakasakay sila sa loob ng ambulansya. Hindi ganoon kalaki ang Esperenza ngunit kumpleto ito. Mayroong simbahan, paaralan, pamilihan at ospital. Nang madala si Rare sa ospital ay agad siyang ipinasok sa emergency room.

"Madam."

"Mr. Del Rio"

"Berto na lang ang itawag mo sa akin madam, sila naman ay sina si Bogart at Arthur."

"Kaya niyo bang imbestigahan kung sino ang babaeng bumaril kay Rare?"

"Siya po ang step-mother ni boss."

"What? Bakit siya binaril ng step-mother niya? Ano ba ang nangyari?"

"Sa ngayon wala kaming alam, maayos naman ang pakikitungo ni boss sa kanya."

"Sino ba ang puwede nating pagkatiwalaan?"

"Ang malalapit kay boss ay ang mga kaibigan niya. Oo nga pala, alam ni Mr. Dalli ang nangyari sa inyo."

"Ipaalam niyo kay Mr. Dalli ang kalagayan ni Rare."

Ilang oras silang naghintay tiyaka lumabas ang isang doktor.

"Sino dito ang kamag-anak ng pasyente?"

"Ako po! Asawa ko po ang nasa loob."

Nagkatinginan sina Arthur, Bogart at Berto.

'Kanina lang nagpropose si boss, ngayon mag-asawa na sila agad? Speed!'

"Kailangang maoperahan agad ang pasyente sa loob, sa likod tinamaan ng bala ang pasyente at nadaplisan ang spinal cord niya. May tiyansang maparalisa ang kalahati ng kaniyang katawan."

"Ano po? Mapaparalisa ang kalahati ng katawan niya? Dok... May tiyansa pa po bang gumaling siya."

"Hanggat hindi pa namin naooperahan ang pasyente, hindi kami nakakatiyak kung gaano kalaki ang tiyansa niyang gumaling sa pagkakaparalisa."

"Dok, please... Operahan niyo po siya. Gawin niyo ang lahat."

"Sige po, may pipirmahan kayong weaver form para tuluyan na namin siyang maoperahan."

Mabilis na pumirma si Shannon upang masimulan na ang pag-oopera kay Rare.

"Ms. Sy"

Napatingin si Shannon sa isang lalaki at yumuko ito.

"I'm Deus Miller, Mr. Dela Croix's assisstant. May ipapakita po si Mr. Dela Croix sa'yo"

"Sige, Arthur sumama ka sa akin. Kayong dalawa, magbantay kayo dito at hintayin si Hier."

Fucker Series #5: RARE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon