CHAPTER 14

2K 90 7
                                    

Habang nakatayo si Shannon ay may lumapit na lalaki sa kaniya, pamilyar ang itsura ng lalaki dahil isa ito sa tauhan ni Rare.

"Hello, Mr. Dragon."

"Oh, hello Mr. Del Rio."

Ngumiti si Berto kay Dragon. Si Berto na tauhan ng Murder Corporation ay tagapagmana ng Del Rio Empire. Ang tunay na pangalan ni Berto ay Levi K. Del Rio. Humawak si Berto sa bewang ni Shannon

"Shannon, let's go."

Kumunot ang noo ni Shannon at ramdam niya ang simpleng pagkurot nito sa kaniyang bewang. Lumapit ang mukha nito sa kaniyang tainga tiyaka bumulong.

"Tauhan ako ni boss, madam."

Nang marinig niya ang salitang boss ay doon niya napatunayan na isa si Mr. Del Rio sa tauhan ni Rare.

'Siya ang tagapagmana ng Del Rio empire, paano siya naging tauhan ni Rare?'

Lumabas si Berto kasama si Shannon sa malaking gusaling iyon.

"Umuwi ka na po madam. Hindi maganda ang sitwasyon ngayon, ako na ang magmamaneho sa kotse."

"Sige."

Agad na minaneho ni Berto ang sasakyan at agad silang umalis at kahit pa si Berto ang pinaka sentro ng piging ay wala siyang pakielam.

"'Di ba tagapagmana ka ng Del Rio Empire?"

"Ahh, parang gano'n na nga."

"Parang?"

"Wala naman silang magagawa kundi ipasa sa akin ang Del Rio Empire para magpatuloy ito pero kung sakaling may iba pa na puwedeng magmana, baka wala ako sa party."

"Ahh."

Nakaramdam si Shannon nang pagkailang kaya minabuti na niyang manahimik. Tumunog ang cellphone ni Berto at nakita niya na may voice message si Bogart. Kinuha niya ang earphone tiyaka pinakinggan ang mensahe nito.

"Tobert, bantayan mong maigi si madam, mukhang mapapahamak siya dahil sa ginawa ng organisasyon sa anak ni Dragon. Huwag mong hahayaang mapalapit si madam kay Dragon."

Nang maputol ang linya, naalala niya na nagkaroon ng oras si Dragon na makasalamuha si Shannon at tiyak na mayayari siya kung malalalaman ito ni Rare. Napailing siya at bumuntong hininga. Narinig niyang nagtanong si Shannon.

"Uhm, Berto... May problema ba?"

Napapikit siya at hindi niya alam kung papaano sasabihin na malaki ang magiging problema nila.

"Wala po madam."

Hindi na nagsalita si Shannon ngunit ramdam niya na may mabigat na dinaramdam si Berto.

"Madam"

"Bakit?"

"May tanong po ako."

"O, sige. Ano 'yon?"

"Matagal mo na bang kilala si Dragon?"

"Ah... Ngayon ko lang siya nakita, asawa siya ng mommy ko."

Halos mabilaukan si Berto sa narinig.

'Asawa ng nanay ni madam? Naku! Malaki nga ng problema, nag-uumpisa ng gumalaw si Dragon'

Fucker Series #5: RARE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon