Cousin
● a person belonging to the same extended family
● a thing related or analogous to anotherIn short, a family member that loves you just like a sister and a best friend.
Pero paano na lang kapag mismong magpinsan ay magkaaway. Maski sa maliliit na bagay, magkaaway sila.
Si Taura Aureliz Delacroix, hindi mapagkakaila na siya ang pinakamaganda sa lahat ng magkakapatid sa kanilang pamilya. Maski sa kanilang magpipinsan. Maski sa buong angkan. De biro lang, sobra naman yun. Maganda man siya, hindi naman kasing ganda ang kaniyang ugali at hindi ganon kagaling ang kaniyang utak sa lahat ng bagay. Wais siya, magaling dumiskarte pero pagdating sa larangan ng edukasyon, waley. Kaya palagi siyang kinukumpara kay Moira.
Si Moira Kodaline Delacroix, simple ang ganda kaya palaging napapansin ng buong pamilya. Napapansin hindi dahil siya ay maganda kundi matalino siya. Marami na siyang nasalihang contest at nakarating na sa iba't ibang bansa. Hindi rin mapagkakaila na mas mayaman at maswerte siya sa buhay kaysa sa kanyang pinsan.
At dahil dito, kinaiinggitan nila ang isa't isa.