Alexa's Point Of View
"SUNDAN NYO SYA DOON!!! (>.>/)" sigaw ng pinuno ng gang na kumidnap sa akin at itinuro ang kaliwa kung saan papunta ako.
Sunod naman ang mga alipores nya. Tss.. Mga uto-uto (-___-")
"DALIAN NYO NAMAN ANG PAGTAKBO!!!" habang hingal na hingal na sinasabi sa mga alipores nya na papunta naman sa direksyon na itinuro nya.
Mukhang hindi na nila ako makita. Pero sila, kitang-kita ko. Hmm... *smirk*
"MGA INUTIL TALAGA KAYO! ISANG BABAE LANG 'YON PERO NALAMANGAN KAYO???" galit na galit nitong sabi sa kanyang mga alipores. (">_>)
"AHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!" potek! Nagulat ako bigla doon ah. Hinayupak na lalaki 'yon, sumigaw ba naman ng makita ako. Hindi kaya bakla 'to?
Kung hindi nyo kasi ako matatanong eh nasa taas po ako ng isang puno na malaki. Acacia ata ang punong ito.
At dahil sa habulan eh parang nasa isa akong subdivision ngayon na pang-mayaman. Hindi ko na napansin na may bahay palang katabi ang puno na ito. Hello!? Wala na akong time para isipin o pansinin pa ang ibang bagay habang ako ay patakas at magtatago sa mga kumidnap sa akin.
"BOSS! AYUN PO SYA! NASA ITAAS NG PUNO!!!" sumbong ng isang uhuging alipores ng pinuno.
Malilintikan sa akin ang hinayupak na lalaking iyon. Kung hindi lang talaga ako hinahabol ng mga ito. Nakooooo!!! (>3<)
"Patay!" nasabi ko na lamang sa sarili ko. ("-____-) Ikaw na lalaki ka! Gigilitan kita ng leeg na para kang manok.
Kailangan ko ng mag-isip ng gagawin dahil kung hindi, mahuhuli na naman nila ako.
Biglang umilaw ang bumbilya sa aking ulo *Ting* (^_^7)
YOU ARE READING
My 24 hours Boyfriend (On going)
Fiksi PenggemarPwede pa kayang ituloy ang nasimulan o susundin pa din nila kung hanggang kailan lang talaga ang napag-usapan?