Haaaaaaaaay. Eto na nman! Uwian na nman, ibig sabihin maghihintay na nman ng bus na napakatagal! Bakit kasi ang tumal ng dumadaang bus sa byaheng papunta sa amin.. Tsssssssss. -_______- Bakit kasi nasira pa yung kotse ko! Bwisit. -.-
Inaayos ko ang gamit ko ng may tumawag sakin.
“Apple! Ano ba yan di ka parin tapos mag ayos ng gamit mo? Tamo naiwan na nman nila tayo!” Sabi ni Nikki sakin, sabay turo sa iba pa naming kabarkada.
“Sus nman. Para nmang makakalayo agad ang mga yan, saglit oh tapos na ko”
Tapos tumayo na ko at naglakad papunta sa kanya at dali daling hinabol ang iba pa naming barkada.
At yun nga magkakasama na ulit kameng naglalakad papunta sa mga kanya kanyang mga sakayan namin. Madilim na. Gabi kasi labas nman e. Bwisit kasi ang sched namin. Wew.
Nasa bus stop na ko ngayon kung saan ako mag iintay ng bus ng napakatagal. Bwisit kasi mag isa ako. Ayoko pa nman ng feeling na nag iisa. :|
Oh tutal nag iintay pa nman ako ng bus e magpapakilala na muna ko sa inyo.
Ako nga pala si Apple Fajardo.
18 years old.
3rd year College sa *toot* University
Taking up BS Accountancy. Talino ko noh? Haha.
Matangkad ako, I think mga 5’7 ata? Maputi.. Sobra! Yung tipong pag nakita mo ko, masisislaw ka sa kaputian. Haha. Sabi nga ng iba, maputi lang nman daw ako, did aw ako maganda, Mga insecure lang sila saken e! xD Maganda kaya ako… sabi ng nanay ko! Haha. Pero tunay maganda nman ako compare nman sa kanila! Mga echuserang frog sila! Inggit lang sila sa kaputian at kagandahan ko! xD
Hmmmmmm. Ako yung taong pihikan sa lalaki. Yeah. I admit. Ewan ko ba, maganda kasi ako masyado! HAHA. Maraming umaaligid ligid sa tabi tabi pero dedma lang. Oh diba? Choosy! Ang taray ni ati! Haha. Pero….
Isa lang lalaki ang nagpapatibok ng puso ko at inspirasyon ko ngayon. Sya si..
JUSTIN BIEBER!
Oh wag kang tatawa! Kasi hindi yan joke. Tunay yan. I love him so much. Hihi. Kaya siguro hindi na ko natingin sa ibang lalaki kasi okay na sya para sakin. Haha. Kahit hanggang tingin lang ako sa screen ng computer. Yes. I’m a fan girl ang I’m a Beleiber ( tawag sa fans ni Bieber :”) )! Alam ko lahat ng nangyayari sa kanya, stalker lang ang peg noh? Lahat ng albums nya meron ako, sa katunayan nga e nung last concert nya dito sa Pinas nung May 2011 ay nanuod ko. Ako na ata ang pinakamasayang babae nung gabing yun. Cloud 9 ang feeling. <3
Ay sya sya, masyado na ata kayong maraming nalalaman sakin. Tama na muna. xD
Anebeyen. Wala pa ding bus? Potek nman oh, dame ko ng nasabi dito tapos walang paring bus. Patay na ko nito e, super gagabihin na ako. -___-
As usual kinuha ko ang phone at head set ko sa bag. Makikinig muna ko ng music. Naka lima na kong kanta tsaka dumating ang bus.
At tulad na nga nang inaasahan ko paunahan na nman sa pagsakay, Syempre makikipag unahan din ako. Ayoko kaya ng standing di ko feel ang pag sasoundtrip pag nakatayo.
Nung ihahakbang ko na ang paa ko sa may bus may lalaking umuna sakin. Bwisit! Muntik na kong maout of balance dun a.
“Kuya masyado ka atang nagmamadali? May hinahabol may hinabol? Grabe kung makapanulak parang wala ng bukas!.” Sarcastic na pagkakasabi ko.