Gosh. Late na koooooooo! Hassle kasi talaga pag byahe! Kung ayos na kasi ang kotse ko di sana ako malelate kasi ihaharurot ko nman talaga e! Pag tingin ko sa relo ko 9:18 na, e 9:20 ang time namin!
Pagtingin ko sa cell phone ko may text sakin si Nikki.
From: Nikki Boi :)
Boy san kna? Ikaw na lang wala! Muka pa nman badtrip si Sir. Bilisan mo.
Yan na nga ba sinasabi ko, kinakabahan na ko.
Di ko nagawang magreply kasi saktong bumaba na ko sa sinasakyan ko at takbooooooooooooooooooo!
Wala akong pakealam sa nakakakita sakin. Bakit kasi ang layo ng building na yun. Bwisit nman! Takbo. Takbo. Tak--- *Blaaaaag*
“Aray ko sabay tayo. Bakit kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo! Bwisit!”
At nagulat ako nung makita ko ang lalaking bumangga sakin! Syet ampogi nya nga pala talaga! Lalo sa liwanag. Sya yung lalaking katabi ko sa bus kagabe! At aba! Dito pala sya pumapasok!
“Ikaw dyan ang hindi natingin sa dinadaanan e” Iyamot na sabi nya.
Kumulodugo ko sa sinabi nya! Pero hindi ko na lang sya pinansin kasi naalala kong late na nga pala ako.
Tumakbo ule ako ng mabilis hanggang sa narating ko ang labas ng room namin ngayon. Oh f*ck! Nagsisismula ng magturo si Sir. Pano ako papasok nito?! Naman e! -.-
Nakita ako ni Tricia isa sa mga kabarkada ko at sinenyasan nya kong pumasok na daw ako. Shemay nman oh! Lakas ng kabog ng dibdib ko. First time ko kasi malate. Di ko pa alam yung feeling kaya ganito ako.
At eto na nga. Pumasok ako sa pintuan sabay bati kay sir ng “Good morning Sir!”
Eto ang ayaw ko pag nalelate e! Lahat ng classmate’s mo nakatingin sayo na para bang nakapatay ka ng tao! Ayaw ko pa nman ng feeling na nasakin lahat ang atensyon! Hindi ako makahinga pag ganito sitwasyon e! Bwisit! I can’t breath! -.-
Tumigil si Sir sa pagsasalita at tumingin sakin.
“Oh! Ms.Fajardo! Why you’re late?”
“Ah sir kasi po traffic po.”
“Ah ok. At dahil late ka solve problem number 1 on the board!”
Pagkasabi nyang yun para akong mahihimatay! Gawd! Ito pa nman pinakaayaw kong subject! Statistics. Oh my! Patay na ko nito! T___T
Tumingin ako sa mga kabarkada ko para senyasan na kaylangan ko ng tulong nila,
Agad nman silang nagsagot sa kanila kanila notebook. Buti na lang may mababait akong kaibigan. I’m so glad that they are my friends. :)
Nasa unahan na ako at kunwari nagsasagot ako pero pana’y ang bura ko. Iniintay ko kasi yung sagot ng mga friends ko. Hehe. Asa ba ko? Di nman, dito lang sa subject na ‘to. Wala kasi talaga kong maintindihan dito e. Hehe.
Lumabas si sir at may kukunin daw! Yesss! Pagkakataon ko na ‘to. Agad binato sakin ni Tricia yung papel na may sagot at mabilis ko nman agad naisulat iyon sa black board.
Pagbalik ni Sir nakaupo na ko sa upuan ko. Chinek nya yung sagot ko at natuwa sya kasi tama daw ako! :D
Nagpasalamat ako sa mga kabarkada ko. Pano na kaya ako pag wala sila? Hehe. :)
--
Fast forward na po. Wala nman nangyaring maganda pagkatapos nun e.
Eto kame ngayon nakatambay sa mall.May vacant kasi kame ngayon ng 3 hrs.As usaul nagwa-wifi sila, yun lang nman dayo namin dito e. Parang mga walang internet connection sa bahay e. Haha!