Hi guys! Sorry kung natagalan uli akong mag update. Hehe.
Enjoy reading! ^________^
------------------------
“Oh by the way. What time next class mo?” Tanong nya.
“1:15
“Ah ganun din yung saken. Sabay na tayo balik sa school.”
“Ok sige.”
“Oh ba’t parang wala ka sa mood? Sorry ah, kung tinawanan kita kanina. Promise di na yun mauulit. Smile kna please?”
Sino ba nmang di magbabago ng mood pagkatapos nung nangyari? Grabe sobrang nahihiya na ko sa kanya. Naka strike 2 na ko. Huhu.
“Ah wala lang nman. Busog lang masyado kaya ganito. Hehe.”
“Sigurado ka ha? Hehe. Tara muna maglakad lakad maaga pa nman.”
Ocge para mahughog din yung kinain ko. Super nabusog ako. Salamat ha?”
“Ano ka ba Apple wala yun, ako nga dapat magpasalamat sayo kasi pumayag kang sabay tayong mag lunch.”
Grabe nman ‘tong lalaki na ‘to. Nakaka in love masyado. Haha.
At ayun na nga naglakad lakad muna kame kasi maaga pa nga. Madame kameng napagkwentuhan. Sabi nya saken, may banda nga daw sila. Disconnected daw name ng band nila. Ang weird nu? Haha. Ang nakaisip daw kasi nun e yung leader nung banda nila. Andame kong tawa nung sinabi nya sakin yun. Hahaha. Siguro ang weird nung leader nila. xD
Sabi nya rin saken, ipapakilala daw nya ako sa mga kabanda nya pag nagka time sila. Ayun. Exciting! Haha.
--
Nandito ako ngayon sa room namin. Kinukulit ng mga magagaling kong kaibigan kasi may nakakita daw sakin kanina sa mall na may kasama daw akong poging lalaki. Anlakas ng radar talaga ng mga ‘to. Haha.
“Ui Apple. Pogi daw yung kasama mo kanina ah? Dba pinsan mo yun? Pakilala mo nman kame oh.” Sabi ni Tricia
Ayy nga pala sabi ko kanina pinsan yung tatagpuin ko! Hahaha.
“Ocge ba. Papakilala ko kayo sa kanya sa takdang panahon.”
“Ah ah naman. Kelan pa yun? Pwede nman mamaya na o kaya bukas?” Chao
“Agad agad? Ang lalandi nyo ha! Haha”
“Please na kasi Apple?” With matching puppy eyes pa ni Nikki. Haha
“Eww! Wag ka ngang mag puppy eyes teh! Haha. Oo na sige na papakilala ko sa lalong madaling panahon. Tigilan nyo lang ako. “
At sa wakas tinigilan din nila ako. Haha.
--
Ambilis lumipas ng mga araw. Friday na agad ngayon, and yehey! Saturday na bukas. Haha.
I’m on my way na pauwi nung nagtext sakin si Justin.
From: Justin. <3
Apple, pde kba bukas? Pakilala kita sa bandmates ko. :)
Holy cow! Haha. Kinikilig na nman ako. Ba’t ba ang lalaking ‘to lagi na lang akong pinapakilig! Hihi
To: Justin. <3
Ocge. Wala nman akong gagawin bukas. Mga what time ba?
After 2 mins.nagreply na din sya.
Fom: Justin <3
After lunch. Sa mcdo na lang kita kikitain bukas. Text na lang kita bukas ha? Ingat ka. :)
