Chapter 4 - I'm so Kinikilig!

73 2 0
                                    

“GOOD MORNING SUNSHINE!”

Ang ganda ng gising ko! Sabado kasi, walang klase! :)

Bago ako pumunta sa music room. Naisipan ko munang mag internet.

Nag log-in muna ko sa twitter tingnan ko kung may update si Bieber. Hehe. Pero bigo ako. Hindi pa din sya nagtitweet. Miss ko na sya. :(

Lipat nman ako sa Fb. Pagbukas ko aba. Dameng notification at nag add sakin.

Tiningnan ko muna noti. Bwisit karamihan puro game requests! Nakakabwisit yang game requests na yan! -___-

Sinunod kong tingnan ang friend requests. Dame nag add.. Sanay na ko. Maganda ako e! HAHA. Pero di ko sila inaaccept. Yung mga kilala ko lang. :)

Iniscroll ko pababa ang mga name ng mga nag add sakin. And one name caught my attention.

“Justin Tanap”

Ki-nlick ko yung profile nya at sabi na nga ba e! Sya yun! Sya yung lalaki kahapon sa ,library! Syet! Inadd nya ko! Haha. It means interasado sya sakin! HAHAHA! :”>

Pero nakakahiya pa din! Yung pangyayari kahapon. >.<

Inaaccept ko kagad sya at tiningnan mga photos nya.

Nakakamangha ang pagkapogi nya! Waley akong masabe! Ampogi talaga! As in. <3

Nagulat ako nang biglang may nag pm sakin. Si Nikki pala.

Sinend nya sakin yung link ng profile nung Migz.

Anon man pakealam ko dun? Tsss. Hindi ako interesado sa kanya. Ansama akaya ng ugali nun. -.-

Tiningnan ko na lang ule yung mga photos ni Justin. :) Ampogi nya talaga!

Ay may banda pala sya! At sya yung gitarista. Ang cool. \m/

Tiningnan ko yung mga photos nya na kasama ang banda nya.

Aba lagi pala silang may gig. COOL! :)

Pero ang weird! Di ko Makita yung muka nung vocalist. Puro nakatalikod ang mga stolen shots nya at ang iba nman ay nag be-blured sa kalikutan nya. Haha.

Hala tama na nga ang kalokohang ito. Punta na ko sa music room! Miss ko ng kumanta! :D

--

Nakakapagod. Feeling ko mawawalan na ko ng boses! HAHA. Biruin mo nman, maghapon na lang akong kumanta ng kumanta! Walang sumasaway sakin e. Wala si mommy. May inaasikaso sa business namin sa Manila. Ako lang tao dito tsaka si yaya.

--

Nakapaglinis na ko ng katawan. Tutulog na ko. Super nakakapagod na araw ‘to. Ansaket ng lalamunan ko. -.-

Pipikit pa lang ako ng tumunog cellphone ko.

“ Let’s go crazy crazy crazy till we see the sun

I know we only met but let’s pretend it’s love

And never never never stop for anyone

Tonight let’s get some and Live While were Young”

Ganda ng ring tone ko noh? Directioner din kasi ako! HAHA. :)

Si Tricia ang natawag, ano naman kayang kailangan ng babaeng ‘to?

“Hello Tricia? Bakit? Tutulog na ko e! Istorbo ka nman!”

“WAAAAAAh, malandi kang babae ka! Sino yung Justin ba yun? Wait teka…. Ah OO Justin nga! Nagpost sa wall mo sabe kung pwede daw mahingi number mo! Kyaaaaaaaahh! Ang pogi nya! “

Ano daw si Justin? Sino nman yun??

WAIT! JUSTIN ba daw kamo?????! KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Sya yung lalaki sa library! Waaah. Hinihingi nya number ko. Grabe ansarap sa feeling! HAHAHA.

Hindi ko na nasagot ang mga tanong ni Tricia kasi sa sobrang excited ko inend call ko na at dali daling binuhay laptop ko! HAHAHA.

At ayun nga! Hinihingi nga nya number ko! Waaaaah. Me is so kilig! xD

Kapopost lang nya nun, sana OL pa sya, para ma i-pm ko sya! xD

At pagtingin ko OL pa nga sya! Yiiiiieeeeeeeeeh,

Nagtataype pa ko ng sasabihin ko pero nauna na syang magchat saken!

Ay grabe, mamamatay ata ako nito sa kilig! HAHAHA.

“Hi Apple, remember me?”

Ay syete nman ohh. Sino ba nmang hindi makakalimot sa gwapo nyang muka at sa pangyayari kahapon?! HAHA.

“Oo nman. Ikaw yung kahapon sa library. Hehe. :)

“Oh buti nman tanda mo pa ko, ikaw din kasi tandang tanda kita, hindi nga kita maalis sa isip ko e,”

Waaaaaaaaaaah! Anu ba yun? Anlande nman nya ata? Pero ok lang!!! HAHAHAHA! Di daw ako maalis sa isip nya? --- Wait! Baka nman kaya hindi nya ko maalis sa isip nya kasi dahil nung pangyayari kahapon?! Waaaaaaaah! Kakahiya nman. -.-

“Ah ganun ba? Sino ba nmang hindi makakalimot dun sa madame kong laway kahapon. I’m sure first time mo lang maka encounter ng ganung babae. Sorry ha. Nakakahiya talaga.”

Oh em. Nakakahiya talaga! Kung kanina kinikilig ako ngayon gusto ko ng bumaon dito sa kinatatayuan ko sa sobrang kahihiyan! =.=

“Aw. Hindi nman dahil dun. Nakakatuwa ka nga e. Hehe. Ang cute cute mo kasi kaya di ka maalis sa isip ko. :)”

Nakakatuwa daw ako? At eto pa mas malupit! CUTE DAW AKO! KYAAAAAAAAAAAAH! Hahaha. I’m so kinikilig talaga! :”>

Nagpagulong gulong ako sa kama ko habang yapos yapos ang Bieber kung unan. Hahaha. Di ko napansin na ng tagal ko na palang nagpagulong gulong, di na ko nakapagreply. Pero may chat ulit sya.

“Mind if I get your number?”

THIS IS THE MOMENT! Whahahahaha! Syempre ibibigay ko na! Wala nag pakipot epek pa! HAHA.

Binigay ko na sa kanya number ko and nagpaalam na syang magla-log out na daw sya. Nagbababye na din ako sa kanya,

Haaaaaaaaaay. Ansaya saya ko! Sobra! HAHA. Hulog sya ng langit! Tapos Justin pa yung name nya! Grabe. Jesus, you’re so good po talaga! Thank you Papa Jesus! Iloveyou po! :)

After 15 mins tumunog cellphone ko. May nagtext.

From: 0927*******

Hi Apple, si Justin ‘to. :)

Kyaaaaaaahhh! Nagtext na si Justin my loves! <3

THE SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon