Chapter 3 - So embarrassing!

76 3 0
                                    

Hay panibagong araw na nman! Nakakatamad ng pumasok! Gusto ko na talagang mag sembreak!

Bakit ang tagal nman ata nila? Napaaga ata ako masyado ngayon. Wala pa mga barkada ko.  May itatanong pa nman ako sa kanila.

Genphil class na, nakakatamad na nman! Mga lintek na logic ‘to. Naiintindihan ko nman kaso nakakalito. Dumating si Sir at sinabing lumipat daw kame sa Mini Audituruim, manunuod lang daw kasi kame ngayon ng Shirt Show ng ibang section!

Pagkasabi ni Sir na ganun bigla akong nabuhayan ng loob! Haha! Makakatulog ako ng bongga dun! Madilim pa nman dun stage lang may ilaw! Yahoooo! Haha. :D

Kung tinatanong nyo po kung ano yung shirt show  na yun,  yun po ay isang requirement para sa Genphil Class. Irarampa mo yung T-shirt mo na may Philiosophical Statement.  Yung klase nyo ang bahalang gumawa ng program. Dapat maganda yung kalalabasan kasi malaki hatak nun sa final grade.Tapos na kame dun last week kaya siguro pinapanuod na lang samin ni sir ang sa ibang section.

Nandito na kame sa mini audi. Yes! makakatulog na din. Dun ako umupo sa may dulo para di halatang matutulog ako.

Pansin nyo ba antukin ako masyado? Haha. Puyat lagi e, kaka stalk kay Bieber tuwing gabi. xD

ZzzzzzzZ

ZzZzzzz

Grabe nagising na nman ako sa iritan nitong mga katabi ko. Kelan kaya sila magsasawang umirit ng umirit? Lagi na lang e. -.-

Di ko na lang sila pinansin natulog na lang ule ako.

Hanggang sa nagising na nman ako sa MALAKAS na iritan at hiyawan nila! Mas malakas ngayon ang irit nila. Mga tatlong beses ang lakas compare sa kanina.

Tinunghay ko ang muka ko para Makita kung anong nangyayari, kung bakit sila naghihiyawan.

Nagulat ako nung Makita ko si..

Si.. Ay di ko alam name nya e! Pero sya yun! Yun lagi kong nakakasuno sa bus! Si cute na masama namn ugali! -.-

Ay wait! Is that means na sya yung dahilan kung bakit nag iiritan yung mga babae dito?! Aw. Kung malaman lang nila na masama ugali nyan, titigil siguro silang umirit dyan! Sayang lang boses nila e!

Tutulog na sana ule ako nang magsimula tumugtog yung gitara.

Teka… Parang pamilyar sakin yung tinutugtog nya?!

Yun yung….

Gustong gusto ko na kanta na tinanong ko kanina sa barkada ko! Syet! Bakit nya kinakanta! OMG! Inlove na inlove ako sa kantang yun lalo dun s acoustic version.

~FLASHBACK~

Pagkababa ko ng bus kagabe may  lalaki at babae na nakatambay sa labas ng subdivision na tinitirhan namin. Siguro mag jowa yun. Answeet kasi tapos hanep, may background music pa silang nalalaman. Haha! Habang naglalandian may bg music pa! Napahinto ako kasi ang ganda nung kanta. Nakakaiyak! Acoustic yung narinig ko.

Gusto ko sang itanong kung anong title kaso feeling close nman ako? Hehe.

Hanggang sa nakarating ako sa bahay namin naalala ko pa din yung kanta. Syet gustong gusto ng malaman yung title nun!

Kaya kaninang umaga tinanong ko sa barkada ko kung alam nila yun.

“Mga boy alam nyo yung kantang may lyrics na “Hawakan mo aking kamay bago tayo maghiwalay?’

Agad na sumagot si Nikki “Ah oo! Huling sayaw! Kamikazee at si Kyla kumanta”

“Ay sa wakas nalaman ko din. Salamat! Ay meron ka pala nun sa phone mo?”

THE SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon