Chapter 1

252 9 2
                                    

Two and a half years na akong nanliligaw sa kanya. Since nag-ask ako sa kanya ng pabor, hindi na ako tumigil sa pag-admire sa kanya. Long time crush ko siya. At ang crush na iyon, naging infatuation. Nag-evolve, naging love. Ewan ko ba, I consider it love.  

“What is love? In a romantic way?”

Tanong ng teacher namin. Iyan kasi ang paksa sa kwento ng Literature Class namin. Well siyempre, love ba naman ang topic. Sino bang tatahimik? Maingay na. Lahat kami kanya-kanya ang sagot.

Kahit slow ako sa English, mas matino ito sa lahat ng subjects dahil ang bait ng teacher namin. Isa-isa kaming tinawag dahil oral recitation namin ito.

“Love. Love is like the wind. You can’t see it but you can feel it.” sagot iyan ni Zia, Barkaada kong mahilig sa romantic things.

“Love is like a rosary thats full of mystery.”  sagot ni Christine. Barkada kong nag-uumapaw sa talent ngunit empty naman sa pag-ibig.

“Love is like a flower, if you did not take care of it, it will die.” - Linzy, ang may pagkabitchy kong kabarkada.

“God is love. Love in a romantic way? Uhhmm, I’am very sorry maam, I think I haven’t felt it yet.” - Misty, halimaw, este suplada kong kabarkada ulit.

Oh ayan na! Tinatawag na ako.

“What is a romantic love miss Janine?”

Teka, Bakit hindi ako makasagot? May answer naman ako. Bakit nauutal akong magsalita?

“Love is like. . . .  l-like. . uhm. . a. . like an. . like the. . “

Kailangan kasi sa ingles. Diba sabi ko slow ako, kaya ayun, nahihirapan ako.

“Pwede Taglish nalang po? Eh kasi basic English lang po dala ko ngayon. hehe. “

“Okay. But you must try to speak in English dear.”

Bahala na nga.

“Love. That’s what you do everything gagawin. Not surrender. Even many epals are around. You should fight for it what happens.”

Ayan. nasabi ko na rin. Alam kong mali-mali ingles ko. Wrong grammar. Pwede na sigurong example iyon ng Parallelism o kaya’y ipa-edit sa isang copyreader sa dami ba naman ng grammatical errors ko dun.

As expected, nagtawanan ang buong klase. Pati si James humalakhak ng bogga! Okay lang na pagtawanan niya ako, atleast napasaya ko siya!  

“Oh siya, you can use tagalog.”

“Hay salamat! Well, para po sa akin, ang love po ay. . . “

Tuminhin ako kay James. Siya kasi ang love ko. Ang iniibig ko.     

“. . . iyong kahit masakit, hindi mo sinusuko nararamdaman mo sa kanya. Hindi ka mapapagod na magmahal kahit nasasaktan ka dahil titigil ka lang kung napapagod na rin siyang saktan ka. Gagawin mo lahat ng pwedeng gawin. Kahit kakalabanin mo pa ang tadhana maipaglaban mo lang ang nararamdaman mo sa taong mahal mo. “

Sinong nagsabing Ingles lang ang nakakadugo ng ilong? well nagdugo rin ilong nila sa explanation ko! As in bumaha ng dugo!

Uy joke lang. Speechless lang naman sila. haha! Nagpalakpakan. At si James, ewan ko, nailang siguro. Siya lang ang hindi na amazed sa sagot ko. Kailan ba siya namnagha sa akin?

Miss Suitress: Ang Manliligaw Kong BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon