Chapter 3: First day

4.8K 186 4
                                    

Zecchea's POV

Maaga akong nagising dahil ngayon ang unang araw namin sa academy naligo na ako at ginawa Ang morning routines ko. Pagkatapos ay bumaba na agad ako para magluto di pa kasi bumababa yung dalawa. Omelette lang ang niluto ko at kaldereta gumawa din ako ng mango juice. Ng matapos na akong magluto ay hinanda ko na ang mesa para sa agahan.

" Hmm ang bango naman nyan "-sabi ni Chez na kakababa lang
" Wahhhhh thanks Zecch siguro masarap to "-sabi naman ni Vian
" Halina kayo mag breakfast na tayo malapit na mag 7:30 "-saad ko sa kanila at umupo na

Tahimik lang kaming kumain at pagkatapos ay si Vian na ang nagpresenta na maghugas ng pinggan. Pagkatapos nya maghugas ay lumabas na kami ng dorm at pumunta sa room namin.

In the other side

Odette's POV

Hi I'm Odette Hierarchy princess of Water kingdom I'm 17. So naghanda na kami para sa first day excited na kaming mameet yung new enrollees. Sabi kasi ni hm imbis na 50 yung makuha 45 lang ang nadala nila nasa beginner's section silang lahat

" Hoy! Bilisan nyo jan napakabagal nyo "-sigaw ni Zaidy
" Excited much? Psh "-pagsusungit ni Marian
" Tara na nasa labas na ang boys "-singit ko sa kanila

Agad na kaming lumabas ng dorm at nakita namin ang apat na ulupong naghihintay

" Tara na "-aya ni Gio

Habang naglalakad kami di namin maiwasan ang bulungan ng mga students dito kesyo daw magaganda, gwapo psh parang hindi na sila nasanay kung umusta parang ngaun lang kami nakita amp! Ng nasa labas na kami ng room namin subrang ingay pa pero nong pagpasok namin natahimik lahat bwahahaha

Back to Zecchea's POV

While walking may biglang nagtakip ng mata ko at amoy palang kilala ko na kung sino ang nayupak na to. Hinawakan ko ang kamay nya at dahan dahan binaba

" Denden hindi na uubra sakin yan duhhh!!! "-pagsusungit ko
" Pft good morning Chea, and good morning ladies "-baling nya kina chez and vian

At ang dalawang gaga nagblush HAHAHAHA

" Good morning too "-unison na sagot ng dalawa
" Tara na baka maunahan tayo ng prof lagot tayo "-aya ko sa tatlo

Nakaakbay sakin si Denver hanggang sa makapasok kami sa room at talagang tumabi pa sakin. Parang glue ang nayupak na to kung makadikit parang wala nang bukas.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad ang magandang babae

" Good morning Class I am Niña Sanchez, and I am your adviser "-sabi ni Prof

Tumayo kaming lahat at nagbigay galang sakanya alangan namang sa pader try nyo kaya magbigay galang sa pader duhhh!!!!

" Since first day nyo ngayon. About history lang ang ituturo ko sainyo "-saad nya at binuklat ang libro

Naging curious ako kaya umupo ako ng maayos para makinig ganun din ang mga kaklase ko

" There are 11 kingdom's. The Ignis Kingdom ( fire kingdom ) ikalawang pinakamalakas na kaharian pinamumunuan nina King Dreven and Queen Ericka at may isa silang anak na si Pierre Flame. Tenebris kingdom ( Earth kingdom ) ikatlong pinakamalakas
pinamumunuan nina King Lemuel and Queen Lyla at may anak sila na si Leo Beau. Fulgur kingdom ( Lightning kingdom ) ikapaapat na malakas pinamumunuan nina King Jake at Queen Mia may isa silang anak na si Gio Fugushi. Next is the Aqua Kingdom ( Water kingdom ) ikalimang malakas pinamumunuan nina king Thaddeus and Queen Zyla may isa silang anak na si Zaidy Aquiline. Naturae Kingdom ( Nature Kingdom ) ikaanim na malakas pinamumunuan nina king Gerald and Queen Gweyn at may isa silang anak na si Marian Nadalu. Glacies Kingdom ( Ice Kingdom ) ikapitong kaharian pinamumunuan nina king Gustav and Queen Drea at may anak sila na si Odette Hierarchy. And lastly the most powerful kingdom who rule the whole magic world Magicae Kingdom pinamumunuan nina King Ark and Queen Annaliese may kambal sila na sina Zocchoe Blue and Zecchea Blue pero sa kasamaang palad hanggang ngaun hindi parin nahahanap ang mahal na prinsesa nawala sya nong may isang traydor ang nagtangka sa buhay ng Royal family and the other four kingdoms are Fairy kingdom, Wolves kingdom, Mermaids kingdom, and vampire kingdom "-mahabang sabi ni prof

Kringgggggggggg

" That's all for today, class dismiss "

Agad na lumabas si Prof at sumunod naman ang mga kaklase namin

" Tara sa cafeteria "-aya ni Chez

Nag ayos na kami ng gamit at pumuntang cafeteria

End of chapter 3

note

Wag kayong silent reader kay? Comment and vote din minsan hehe

Enchant Academy: School of magic and abilities ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon