Chapter 4

15 2 1
                                    


Friday came. Sa loob ng dalawang araw bago mag-Friday, tinapos ko lang ang ibang trabaho na hindi ko natapos dahil sa pag-oorganize ko ng Gala ng mga Salvador. Hindi ako ulit pumasok sa company ngayon dahil magpapaayos pa ako. After lunch pa ang dating ng make up artist at hair stylist ko kaya napagdesisyunan kong mag-gym muna ngayong umaga. Nag-elevator ako pababa, dahil nasa ground floor naman ang gym ng condo na tinutuluyan ko. I did my usual routine na hindi ko nagawa ng dalawang linggo dahil sa Gala na inayos ko. Pagkatapos kong mag-gym. Bumalik ulit ako sa unit ko at nagluto ng agahan. Naisipan kong manood muna ng kung ano ano sa Youtube about designing bago maligo dahil mayroon pa naman akong oras bago dumating 'yong stylists. Nang wala na kong makitang mapanood, doon ko na napagdesisyunan na maligo. Pagkatapos maligo, nasuot na lang ako ng robe para hindi mahirap mamaya pag inayusan ako. 

Tinatawagan ko si Rai ngayon para kamustahin ang ganap sa company.

"Hi sis! Kamusta ang beauty rest mo, madam?" Masiglang bati sa kaniya ni Rai pagkasagot nito sa kaniyang tawag. "Gaga. Anong beauty rest ka d'yan? 'Di ko na kailangan no'n! Maganda na ko kahit walang pang rest rest na 'yan. Hahahaha." Confident na sagot ko kay Rai. Narinig ko ang naging reaksyon niya. Para bang nabibilaukan siya. Iba din talaga tama nitong babaeng 'to. "Grabe sa confidence ha. I like that. Pero kailangan maganda ka do'n. For sure, madaming bachelors ang pupunta do'n. Kaya kailangan magandang maganda ka para may mabingwit ka nang isdang napakalaki, sis. Ilang taon ka ng tigang oh!" Bwisit na babaeng 'to. "Hoy! 'Yang bunganga mo wala talagang preno. Napakahalay mo naman masyado. Nakakahiya ka, mamaya may makarinig sa'yo d'yan. Isipin nila, ayun lang hanap ko." Tawa ng tawa si Rai. Bwisit talaga 'to!  "Hahahaha. Eh, sa totoo namang tigang ka talaga sis. Simula naman kasi ng iwan ka nung Berkshire na 'yon. Hindi ka na tumingin pa sa ibang lalaki. Sabi ko sa'yo, loosen up. Gusto ko ng magkaroon ng pamangkin. Bigyan mo na ko. Hahahaha." For sure na rinig na rinig ang tawa ni Rai ng iba pang employees. Ang ingay talaga ng babaeng 'to. Napakalakas ng boses. "Ang ingay mo talaga! Sige na, tapusin mo na trabaho mo d'yan, gaga. At pumunta ka na dito alam ko namang 'di ka papayag na 'di mo ko makita bago pumunta sa event. Hays. Tsaka pakihinaan 'yang boses mo ha? Baka isipin nila kaya mo ding mag-ingay sa ibang bagay, ikaw din. Hahahaha." Rinig na rinig ko ang pagkagulat ni Rai. Nakabawi din sa wakas Hahahaha. "Hoy, loka ka. Ikaw ba talaga nagsabi no'n? Kailan ka pa natuto. Oh my God, Cine! Dalaga ka na! Namulat ka na din sa mundo. Hahahaha. Pero yes, I'll go there. Number one supporter mo ko e. Bye, sissy! See you later. Mwah!" Ang ingay talaga ng babaeng 'yon.

Pagkababa ng tawag. Tumawag naman ako sa isang kilalang fast food chain para umorder ng kakainin namin mamaya ng mga stylist pati na si Rai habang inaayusan ako. Mas pinilli ko na lang na umorder kaysa magluto. Ayaw ko ng magpawis pa ulit dahil nakaligo na 'ko. Pagkatapos kong ma-confirm ang time of delivery ng order, napagdesisyunan kong magbasa muna ng novel na hindi ko pa natatapos dahil sa sobrang busy ko nitong mga nakaraang mga araw. 

Habang busy ako sa pagbabasa narinig ko ang tunog ng doorbell. Tatayo na sana ako ng bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto. Nand'yan na ata si Rai. Bilis ah. At tama nga. Narinig ko agad malakas na boses niya habang tinatawag ako. "Sissy! Yoohoo. Where are you? Dito na me!" Masiglang sabi niya. "Ang ingay mo, Rai! Andito ako sa balcony!" Sagot ko. "Okay!" Pagkatapos, narinig ko na lang ang mga yabag ni Rai at ang pagbukas ng ref. Hindi ko na kailangang asikasuhin si Rai dahil kabisado naman na niya kung saan nakalagay ang mga gamit ko sa unit. Binigyan ko din siya ng spare key para hindi ko na siya pagbubuksan pa ng pinto. Magkapatid naman na ang turingan naming dalawa. Kaya nga nagtaka ako kung bakit pinindot pa nito ang doorbell kanina, siguro malakas na naman ang trip ni Rai. Palagi namang malakas ang trip ni Rai. Kaya himala talaga pag naging tahimik siya. Maya maya pa ay nasa balcony na rin si Rai at may hawak siyang wine glass. "Hoy babae, tanghaling tapat, wine talaga? Nag-lunch ka na ba?" Panenermon ko. "Eh, sa ito lang 'yong may lasa mong inumin. Ayoko namang ng tubig, boring" Aba ang arte talaga. "Nag-lunch ka na nga?" Pag-uulit ko ng tanong sa kaniya. "Nope." I knew it. Itong babae na talaga 'to. "Okay, padating naman na din 'yong inorder kong foods para sa'tin." Sakto at tumunog na ang doorbell. Agad akong tumayo at iniwan muna si Rai sa balcony. Bago buksan ang pinto, kinuha ko muna ang pambayad. Pagkakuha ng order ko, nilapag ko ito sa kitchen island. Pagkatapos ay kumuha na 'ko ng para sa amin ni Rai dahil alam kong gutom na din 'yon, hindi nga lang nagsasabi. Pagkalapag ko ng pagkain, muli akong bumalik sa kusina at kumuha din ng dalawang softdrinks. Pagbalik ko sa balcony, naabutan kong nauna ng kumain si Rai . Gutom na nga ang gaga. Hindi ko na sinuway pa  si Rai, naupo na lang din ako at sinamahang kumain si Rai. Kung ano ano lang ang pinag-kukwentuhan namin, tungkol sa trabaho o kaya naman mga sikat na issue o balita ngayon sa industriya. 

Burning AshesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon