Chapter 3

23 2 0
                                    

Hindi ako dumiretso sa company. Sa boutique muna ako mananatili hangga't may event pa akong inaasikaso. Ganito naman palagi kapag may event akong ino-organize, dito ako sa boutique nag-sstay at pumupunta lang ako sa company pag kailangan ako doon. Inaantay ko na lang si Rai para sa pag-alis namin patungo sa event place na napili ng mag-asawang Salvador.

Habang nag-aantay, nag-scroll lang ako sa aking social media accounts at nagtitingin ng mga inspiration para sa mga bagong design na puwede kong ma-i-offer sa mga client. Busy akong namimili ng iba't ibang design kaya hindi ko napansin ang pagpasok ni Rai sa office ko dito sa boutique.

"Anong pinagkaka-abalahan mo sa cellphone mo, Cine?" Nagtatakang tanong ni Rai sa akin. Agad naman akong napatingin sa kaniya at pinakita ang nasa screen ng cellphone ko. "Ayan oh. Naghahanap ako ng inspiration para makagawa ng bagong designs and concept." Napatango lang si Rai, sabay sabing, "Ah akala ko binabasa mo yung article about sa balita kagabi tungkol sa ex mo. Nakakunot kasi 'yang noo mo." May pang-aasar sa tono ni Rai. Agad ko itong inirapan dahil sa nasabi. "Ba't ko naman babasahin 'yon? Paki ko naman do'n?" Pataray kong tanong sa kaniya. Ba't naman kasi sa lahat ng puwedeng isipin ng babaeng to eh tungkol pa sa ex kong 'yon? As if I care about that man? You do not care about him? Talaga ba, Francine? "Oh, chill lang, Cine. Alam kong naka-move ka na sa lalaking 'yon. Inaasar lang naman kita." Natatawang tugon ni Rai. Inirapan ko na lang siya. Ayaw ko ng makipagtalo kasi alam kong hindi din ako mananalo sa kaniya. "Tara na nga. Tignan na natin 'yong place para sa Business Gala nila Mr. Salvador. Dami mo pang sinasabi d'yan eh." Pagkatapos ay kinuha ko na ang aking bag at journal na susulatan ko ng mga details na kailangan naming gawin sa lugar. Mahina pa ding tumatawa si Rai habang naglalakad na kami palabas ng boutique.

Tahimik lang akong nagmamaneho habang nakikinig sa music na pinatutugtog ni Rai. Nagtataka ako kung bakit puro pang broken hearted na kanta ang pinapatugtog niya at maramdamin pa niyang sinasabaya ang bawat kanta. Ano na naman kayang trip nito? Broken ba 'to? Pero wala namang siyang sinasabi sa akin. Napailing na lang si Francine sa naisip. Baka nga trip niya lang ang malulungkot na kanta. Baka trip niya lang mag-emote. Nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho ng maya maya ang nagsalita si Rai. "Cine, 'yong about sa invitation card sabi nina Kelly tapos na daw nilang i-outline 'yon. I-foforward ko sa'yo mamaya 'yong copy para ma-check mo na din at ma-isend kala Mr. Salavador para ma-approve na nila at magawan na ng copies lahat ng guests nila." Napatango na lang ako sa sinasabi ni Rai.

Napangiti ako sa aking isip dahil alam kong hindi ako nagkamali sa mga taong hinire ko para magtrabaho sa'kin. Tuwing may event kasi kaming aasikasuhin nagagawa agad nila ang mga trabahong binibigay ko sa kanila. I am so proud of my employees. Kahit pa marami at sabay-sabay ang events na ino-organize namin minsan, nagagawa pa din nila ng maayos ang kanilang trabaho. Kaya hindi din ako nagkakaroon ng problema tuwing may event kaming ino-organize.

Naging tahimik ulit ang byahe namin at tanging ang pinapatugtog na lang ni Rai ang naririnig sa sasakyan. Naging ganoon lang ang byahe namin hanggang sa makarating kami sa address na binigay sa akin ni Mrs. Salvador. At tulad nga ng sinabi, may nag-aabang na sa amin na tauhan nila na magpapakita sa amin nung hall. Maganda ang itsura ng labas ng hall. Simple but elegant. Tamang tama sa piniling concept and design ng mag-asawa. Hindi ako mahihirapan na lagyan din ng design ang labas ng hall para sa gaganaping event. Pagkatapos ay ang loob naman ng hall ang aming tinignan. Malawak ito at tamang tama lang din ang laki nito para sa guests na mayroon ang mag-asawa.

Pagkatapos naming magsukat at planuhin ang gagawin sa hall ay bumalik din agad kami sa boutique para mapag-usapan na namin kasama ng iba pang mag-dedesign ng place ang buong plano namin for the event.

Burning AshesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon