Chapter 6

17 2 0
                                    


Isang linggo na ang nakakalipas nang matapos ang Gala. Hanggang ngayon hindi pa din mawala sa isip ko 'yong nangyari no'ng gabing 'yon. Patuloy pa ding ginugulo ng lalaking 'yon at ng ginawa niya ang utak ko. Fuck, dapat hindi ako magpa-apekto sa kaniya. Ba't ko ba hinayaan na gano'n ganoin lang? Argh! Ba't pagdating sa lalaking 'yon hindi ako makapalag? I have to strengthen the walls that I built. Hindi pwedeng hayaan ko na naman siya na masaktan niya na 'ko. Sobra na 'yong sakit na naramdaman ko nang dahil sa kaniya noon. Ayoko na ng gano'n. Baka this time, hindi ko na kayanin pa 'yong sakit. Argh! Ayoko na! Hindi ako makapagfocus sa trabaho nang dahil sa'yo. Umalis ka na please! Francine, gather yourself. Huwag kang magpaapekto sa lalaking-

"Hoy, Cine! Tulala ka na naman d'yan! Simula ng matapos 'yong Gala naging ganiyan ka na. Umamin ka nga, may nangyari ba sa event na 'yon na hindi ko alam, ha?" Pag-uusisa sa'kin ni Rai. Hindi ko namalayan na pumasok siya dito sa office ko. Hays. "Ah, wala lang 'to. Pagod lang 'to. Medyo tambak din kasi trabaho ko ngayon." Pag-iiba ko ng topic para hindi na naman ako kulitin ni Rai tungkol sa Gala. Hindi ko sinabi sa kaniya 'yong naging pag-uusap namin ni Ash nung Gala kasi for sure hindi ako titigilan ni Rai.

"Safiya Francine, hindi mo sinagot 'yong tanong ko." Shit. Akala ko nakatakas na ako. "Rai, ilang ulit ko bang sasabihin na wala naman talagang nangyari sa Gala." Sana maniwala siya. "'Yong totoo? Alam kong nandoon si Ash, Cine. Hindi man lang kayo nagkita? Nakita ka ba niya? Ni hindi man siya lumapit sa'yo?" Isang linggo niya na 'tong paulit ulit na tinatanong, nagsasawa na kong sagutin ang mga 'yon. "Rai, isang linggo ko ng sinasagot 'yan. At gano'n pa din ang sagot ko. Nakita ko siya, oo pero hindi niya ko nakita. Hindi din kami nag-usap. Tama na please?" Napatango tango na lang si Rai sa sagot ko at alam kong hindi pa din 'to naniniwala. Hays. "Fine fine. Hindi na 'ko magtatanong ulit." Buti na lang.

Pinag-usapan lang namin ni Rai 'yong about sa bagong client namin. Next week na pala 'yon. Magiging busy na naman kami for that event. Mabilis lang na lumipas ang isa pang linggo. Siguro dahil naging busy din ako sa mga dapat kong trabahuhin sa company dahil mawawala na naman ako ng ilang linggo. Debut naman ng anak ng isang senator ang i-oorganize namin.

Naging madali para sa amin ang debut na kakatapos lang namin i-organize dahil planado na lahat ng debutant ang mga gusto niyang makita at mangyari sa mismong debut niya. Seeing her knowing what she really wants makes me happy. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. Gano'n din ako nung debut ko, ako nag-plano lahat. Mula sa design ng event hall, design ng gown ko, foods na i-seserve sa guests, the flowers, etc.

Isang buwan din ang tinagal namin sa pag-oorganize dahil full package ang kinuha nila sa amin so pati ang catering and photoshoot ng debutant ay kami din ang naging abala. Andito ako ngayon sa event hall for her debut, inaantay ko siya para ipakita na sa kaniya ang final look ng hall. Ngayon niya pa lang makikita ang buong itsura ng hall dahil busy din siya sa school. Sabi niya sa'kin may kasama daw siya ngayon na magtitingin nitong hall.

Maya maya pa ay dumating na siya. Pagkababa niya sa kotse na naghatid sa kaniya agad siyang tumakbo palapit sa akin. "Ate Francine!" Excited na sigaw niya. Napangiti ako habang pinapanood ko siyang tumatakbo palapit sa'kin.

"Hi, ate. I'm excited to see what the hall looks like but I don't need to worry na kasi for sure it's pretty kasi ikaw 'yong nag-organize." Masigla na sabi niya sa'kin.

Ate na ang tawag niya sa'kin dahil napaka-formal naman daw kung Ms. Buenavidez pa ang itatawag niya sa akin. Hindi na ko tumutol do'n dahil natutuwa ako sa kaniya. Hindi siya maarteng bata, not like the other kids of some rich people. Hirap pakisamahan ng mga gano'n.

"Hi, Mich. How are you? Sana magustuhan mo 'yong ginawa namin sa hall." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Niyakap niya 'ko habang nakangiti din sa akin.

Burning AshesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon