Chapter 9

7 0 0
                                    


As much as I hate to see him, wala akong magagawa ngayon dahil kliyente ko siya. Sa pagkakaalam ko ay napakabusy niyang tao dahil sa ngayon, maraming nag-aalok sa kaniya para mag-invest sa company nila or for partnership. Lalo na nung nalaman nila na business partners na ang company namin at company nila. Karamihan doon ay 'yong mga company na ni-reject nina daddy. Nagbabakasakaling pumayag 'yong asungot na 'yon. Tss, habol lang naman nila ang pangalan namin para mas makilala.

Naputol ang pag-iisip ko ng kung anu-ano dahil sa tunog ng phone ko. Alam ko na kung sino 'to. Kinuha ko ang phone ko at nakasimangot na sinagot ang tawag. "What is it this time, Mr. Berkshire?" Walang gana kong tanong. "Where are you right now?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. "And why do you care?" Mataray kong tanong.

I heard him chuckle. Tss. Ano namang nakakatawa doon? Napa-irap ako kahit alam kong hindi niya naman makikita 'yon. I truly hate his guts right now.

"I just want to accompany you to the event place, pupunta ka doon ngayon 'di ba?" Ito na naman tayo. Tsk. "Mr. Berkshire, you don't have to come with me every time I'll go to the place. Everything is going well there." Pagtanggi ko na naman sa kaniya. Last week pa siya ganito. Buntot ng buntot. Pero alam kong pipilitin niya na naman at wala akong magagawa. Hays.

"But Ms. Buenavidez, as the host of this event I want to be involved in every step hanggang sa matapos ito." Oh 'di ba, daming dahilan. Bahala siya, napaka kulit niya. "Fine. Bahala ka sa buhay mo!" Pagdabog kong ibinaba ang tawag. Wala naman siyang pake kahit magmaldita ako sa kaniya. Subukan niya lang, hindi ko tatapusin 'yong event na 'yon.

Napatingin ulit ako sa phone ko ng tumunog ito. At napa-irap na naman ako nang makita ko kung sino ang nagtext sa akin.

From: Mr. Asungot

Hey, let's meet at the event place and let's have dinner together.

Mr. Asungot talaga nilagay kong name niya dahil asungot naman talaga siya sa buhay ko. Hindi ko nireplayan dahil wala din akong mapapala tsaka swerte niya naman kung rereplayan ko siya.

After kong maglunch kasama si Rai, dumiretso na agad ako sa event place para i-check kung kamusta na 'yong mga pinapagawa ko sa kanila.

Nang makita nilang akong bumaba mula sa sasakyan ko, agad namin silang nagsibati. Ngumiti na lang ako sa kanila at dire-diretsong pumasok sa loob. Agad akong napangiti ng makita ang itsura ng loob. Simple lang pero ang sarap sa mata titigan. The details of every corner of this hall shouts simplicity but still a pretty type of simplicity.

Habang nag-iikot ako sa loob at kinakamusta ang workers sa kanilang trabaho. Narinig kong may humintong sasakyan sa labas pati na din ang mga bati ng iba na nasa labas. Andito na siya. Mawawala na ang kapayapaan ko ngayon dito. Gusto ko na lang umalis but I do have responsibilities here. Tsaka natutuwa talaga ako sa kinalabasan ng hall na ito. Ang sarap titigan, walang masyadong kaartehan. Simple pero classic ang dating.

"Hi, Safiya. You look happy right now." Tumango lang ako sa kaniya bilang acknowledgement ko na andito na siya.

"Natuwa lang ako sa kanilabasan ng design nitong hall. Ang sarap sa mata, 'no?" Mas pinili ko na lang na saguting 'yong tanong niya dahil ayokong masira ang mood ko sa pag-appreciate ng kagandahan ng designs dito.

"Yes, it looks simple but stunning. Stunning like you, Ms. Buenavidez." Pabulong niyang sinabi 'yong huli pero rinig ko pa din. Agad naman akong napatingin sa kaniya ng nakakunot ang noo.

"Ako ba ay niloloko mo, Mr. Berkshire?" Agad naman siyang natawa sa tanong ko. "Why would I even make fun of you, Ms. Buenavidez? I'm just stating a fact here. Nothing less, nothing more." Napaiwas ako sa tingin niya at tumingin na lang ulit sa paligid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Burning AshesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon