Chapter 2

79 2 0
                                    


RYLE'S POV

Naglalakad ako papunta kila Bry at Leo nang may bumanga sa akin si.... Kee

Si Keegan Haven Nicolas, my girl bestfriend pero dati lang yun. We're classmates before pero ngayon hindi na.

"Aray!" Sabi ko ng maalala ko na mainit nga pala yung kapeng natapon sa uniform ko.

"OMAGAHSHSHSH! Sorry sorry, sorry talaga." Sabi niya habang kinukuha yung tissue sa bulsa niya. Cute niya parin! Gusto ko ulit kurutin yung mataba niyang pisngi.

"It's ok, thanks!" sabi ko sabay kuha ng tissue na binigay niya. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Kunwari nalang hindi ko siya kilala, siya rin naman yung unang umiwas kaya iiwas nalang rin ako.

_________________________

KEEGAN'S POV

Pagkatapos ko mabigay kay Ryle yung tissue umalis na din siya kaya nagpatuloy kami sa pagtakbo. Tumatakbo na parang baliw. Pwede namang hindi tumakbo eh.

"Sino yun?" Tanong ni Elle pagkadating namin sa classroom wala pa naman yung Math teacher namin kaya eto kami nagdadaldalan.

"Parang may something sa inyo ah!" Asar ni Camille or should i say 'Cams' yun daw nickname niya eh.

"Uhmmm... wala ah di ko yun kilala" Bat ba kasi sa dinami dami ng students dito siya pa nabangga ko hayssttt.

"Girl! Loading muna bago sumagot ha?!" Hayyy sumali pa tong si Elle.

"Anong meron sa inyo? Halata kaya na kilala niyo yung isa't isa." Sabi ni Cams. Kulit mo ghorrlll.

"Crush ko siya dati, okay?" Ang kulit nila eh kaya yan.
"Yieeeeeeeeee!" Sigaw nilang dalawa. Kaya napatingin yung classmates namin sa amin. Hayyy! Napasapo nalang ako sa noo ko.

"Dati lang, past is past. Okayyy?" Sabi ko.
"Eh paano ku....... Aray! Ano ba?!" Kinurot ko sa bewang si Cams ang kulit kulit kaseeee my goshhshhhs. Tawang tawa naman si Elle sa amin. Crush lang naman, paghanga ganon. Wala na talaga sa akin yun.

"Good Afternoon class!" Sabi ng teacher namin kaya napatayo at tumahimik na ang lahat.

*classes

Uwian na ngayon, umuwi na rin sila Elle at Cams kaya ako nalang magisa. Awww i feel so lonely na tuloy!

"Omagashshsh! Erase erase." Sigaw ko ng masabi ko yun sa utak ko nahawa na ata ako kay Elle goshshhs. Naglakad lakad muna ako wala na masyadong students and teachers kasi it's already 4:30pm. Sa second trip ako ngayon sasabay ibig sabihin kasabay ko sa service yung mga taga preschools, ang kukulit kaya nun.

Ohh may classmate pa pala ako na nandito eh kaso di ko makilala nakatalikod kasi at naka hoodie pero naka uniform din siya eh. Sino kaya to?

"Kausapin ko kaya? Hmmm..... ay wag nalang baka sabihin niya feeling close ako." bulong ko sa sarili ko.

"Ha? Ako ba kausap mo?" ........

_____________________________________________________________________

Note: There are grammatical errors and typos. Hope you understand. Love ya!♡

Seatmates (ON-HOLD)Where stories live. Discover now