KEEGAN'S POV
Pagkatapos namin kumain sa cafeteria bumalik na rin kami sa class at yung buong araw ko ay naging normal lang. Ngayon nandito kami sa benches para mag chikahan bago kami umuwi, nagiisip kami nang magandang way para makapag paalam kami nang maayos at payagan kami sa
pa-sleepover ni Elle."Hmmmm.....maghugas, magwalis, at magluto kayo pagdating nyo sa bahay ninyo ha?" Paalala ni Elle.
"Eh! Tamad ako ngayon at bulok na yang style na yan Elle." Reklamo naman ni Cams.
"Hmmmm...... Elle?" Tawag ko kay Elle. Tumingin naman siya sa akin.
"Sa tingin ko talaga hindi ako papayagan eh. Malayo yung bahay nyo at isa pa walang maghahatid sa akin dahil wala sila mommy at ate. Meron pang isa ngayon mo lang sinabi kaya through chat or call lang ako makakapag paalam." Sabi ko. Hindi ko na rin alam kung paano ko sasabihin eh. Totoo naman na hindi talaga ako papayagan kahit anong gawin ko.
"Oh, okay kung hindi ka na namin mapipilit. Ikaw naman Cams?" Sabi ni Elle.
"Fine! Sasama ako, wala naman akong gagawin eh sadyang tamad lang ako dahilan lang yung kanina okay? Sorna." Sabi ni Cams.
"Yey! Chat ko nalang yung ibang girls. Dahilan dahilan ka pa magchi-chilax lang tayo dun kaya wag kang tamad diyan." Sabi ni Elle.
"Oh! Elle yung driver mo yun diba?" Sabi ni Cams sabay turo sa kuyang pababa na nang kotse.
"Yup! Bye girls, see youuu later Cams! Ikaw naman vc nalang tayo pag nabored ka sa inyo, chat mo lang kami." Sabi ni Elle sa amin at tumakbo na sa car nila.
"Una na rin ako Kee. Bibili pa ako ng snacks ko for later eh. Byeee." Paalam ni Cams.
"O-okay. Byeeee ingats!" Sabi ko. Hayyy bakit ba kasi ako na iwan nila manong? Hindi naman ako late bumaba ah. Yes ako nanaman mag isa at 5pm nanaman ako uuwi dahil second trip na ako.
~~~~~~~"Haven!" May tumatawag sa akin? Hayyyy yung unggoy na baliw nanaman siguro yun. Pupunta nalang ako sa parking lot bahala siya diyan.
"Haven! Teka lang huy!" Sigaw niya habang tumatakbo. Ang layo ko kasi HAHAHAHA buti nga.
"Huyy! Ilalagay ko pangalan mo sa listahan ng mga cleaners bukas, sige ka!" Pananakot pa niya. Lumingon ako at huminto dahil mas okay na ngayon lang ako maging second trip para hindi ko na rin siya makita at para hindi na rin ako guluhin bukas.
"Takot ka pala sa second trip ha!" Pangaasar niya nang makalapit siya.
"Ano kailangan mo?!" Tanong ko. Wala ako sa mood makipagbiruan sa kanya noh.
"Ang sungit mo naman magtatanong lang ako." Sabi niya. Ahh akala ko kukulitin nanaman ako or aasarin eh.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Anong oras na?" Tanong niya.
"4:15 pm." Sabi ko habang nakatingin sa relo ko.
"Ahh okay, thanks." sabi niya.___
Ang awkward naman! Wala kasing nagsasalita sa amin at nakatingin lang kami sa parking lot or sa mga kotse, andito kami ngayon nakaupo sa waiting area.
"Mahilig ka sa bracelets?" Tanong niya sabay turo sa wrist ko na may bracelets pero dalawa lang naman yun kaya hindi kikay tignan at simple lang at may kasama rin yung relo.
"Ahh oo, hindi kasi ako sanay na walang something sa wrist ko eh." Sabi ko. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kaya 'something' nalang yung sinabi ko.
"Bakit ka late naka enroll?" Tanong niya.
"Ahh, nasa summer vacation pa kasi ako eh.""Saan kayo nag vacation?" Tanong niya.
"Sa Bataan" sabi ko. "Eh, ikaw?" Tanong ko.
"U.S for christmas." Sabi niya."Saan kayo nag new year?" Tanong ko. Para hindi kami maubusan ng paguusapan medyo nahihiya na rin kasi ako eh. Ang babaw kasi nung dahilan kung bakit ako naasar kung titignan pero ahh basta yun na yun.
"Sa house malamang." Sabi niya at tumawa nang kaunti.
"Hahahahhaha oo nga naman." Sabi ko."Bibili lang ako ha?" Sabi ko pero patanong yung tono.
"Sa Cafeteria?" Tanong niya. I nodded as a response at tumayo naman siya sa pagkaka upo."Tara! Sama ako" sabi niya. At nag lakad na kami papunta sa cafeteria. Mukhang magpapalibre pa itong isang to.
"Ate, isa nga pong zesto at bread pan." Sabi ko sabay abot ng bayad.
"Ako din po" sabi ni Vince._____________________________________________________________♡
Note: There will be grammatical errors and typos. I hope you understand. Should make a twitter account? and i'm curious if someone is reading my story so drop your names on the comments:) Love ya!
YOU ARE READING
Seatmates (ON-HOLD)
RomanceA girl who dosen't know what true love means, But a boy comes to her life. They become bestfriends, they're comfortable with each other, they bond, everything is fine and fun. One day everything changed, the boy changed. Keegan Haven Nicolas || Vi...