Chapter 5

52 3 0
                                    

"Pumayag sila mommy na magsleepover kayo sa house namin like omaygashshhshs for the first time!" Sigaw ni Elle. Ganito talaga to wala na kaming magagawa conyo na talaga siya.

"Hindi ako papayagan." Sagot ko agad. Gusto ko naman kaso sure ako di papayag si mommy at wala ring maghahatid sa akin malayo kasi yung bahay nila Elle.

"Ako din di ako papayagan." Sabi ni Cams. Parang biglang nawala yung saya ni Elle dahil sa sagot namin.

"Ha? But why? Gosh kung kailan ako pinayagan tsaka naman walang sasama." Malungkot na sabi ni Elle.  Wala na rin ako magagawa pero try ko magpaalam.

"I'll try, ano okay ka na?" Sabi ko kay Elle.

"Yey! How about you Cams?" Tanong ni Elle
"Sige sige try ko din pero hindi ako nangangako ah?" Sagot ni Cams.

"Same, hindi rin ako nangangako ah" sabi ko.

"It's okay kapag hindi i'll invite others nalang kasi super excited na sila mommy eh, ayoko namang sirain yumg excitement nila." Sabi ni Elle.

"Good Morning class." Bati ni Ms. Kim pagkapasok niya.
"Good Morning Ms. Kim!" Energetic na bati ng class.

"Elections!" Sigaw ni Ms. Kim sabay sulat ng 'President' sa board.

"I nominate Sofie!" sigaw ng isa classmates namin.
'Sofie' sulat ni Ms. Kim sa board.

"I nominate Tin!" sigaw naman ng isa pa naming classmate.
'Tin' sulat naman ni Ms. Kim sa board.

"Anyone else?.........okay" sabi ni Ms. Kim.

"For Sofie?" Tanong ni Ms. Kim sabay taas naman ng kamay ng classmates ko na gusto bumoto kay Sofie. Mukahang maraming may gusto na siya yung maging pres. Iboboto ko nalang si Tin mas gusto kong muse si Sofie eh.

"For Tin?" Tanong ni Ms. Kim. Nagtaas naman ako ng kamay at yung ibang classmates ko.

'Sofie - 15' ●
'Tin - 11'

Nagsulat ulit si Ms. Kim sa board.

'Vice president'

"I nominate Kean!" sabi ng isa sa mga classmate namin.
"I nominate Vince!"sabi pa ng isa naming classmate. Aba! Tiningnan pa ako na parang msy sinasabi 'vote mo ako ha! Naku sana hindi siya manalo, baliw yan noh! Di mo ako madadaan sa ganyang tingin mo baliw

"Ms. Kim! I nominate Tin." Habol pa ng isa naming classmate. At yun sinulat na nga ni Ms. Kim yung names nila. Hayyy sana si Tin naman manalo kesa yung unggoy na yun.

"Okay, For Kean?" Tanong ni Ms. Kim. Nagtaas ng kamay yung classmates ko pero unti lang.

"For Vince?" Tanong ulit ni Ms. Kim. Ayy maraming nagvote pero kasi gwapo lang naman kaya maraming nagvote diyan. Hindi ko siya i-vovote noh! Ano siya sinuswerte? Kay Tin na vote ko.

"For Tin?" Tanong ni Ms. Kim. Nagtaas naman ako ng kamay, siya talaga i-vovote ko kahit hindi ko pa siya nakakausap bahala si baliw diyan di ko siya ivovote. Yung Kean naman mukhang napagtripan lang ng tropa nito.

'Kean - 5'
'Vince - 12'
'Tin - 9'

Ayun nanalo nga yung baliw na unggoy! Binigyan pa ako ng 'humanda ka!' Look. Grrrrrr bat kase nila yun binoto. After nun nagpatuloy lang yung class.

'KRINGGG! KRINGGG!'

"Okay, you may take your break." Sabi ni Ms. Kim sa klase.

"Let's go na! Gutom na ako eh" sabi ni Elle sabay hila sa amin patayo. Gutom na rin ako pero wala ako sa mood eh.
At yun lumabas na kami ng classroom at bumaba sa cafeteria.

"Kwek kwek lang sa akin." Sabi ko kay Elle, ako kasi bibili ng drinks, si Elle sa mga foods and si Cams naman para maghanap ng table marami kasing students ang bumibili kaya puno yung mga tables.

"Akin din." Sabi ni Cams kay Elle. Lahat naman kami favorite yung iced tea kaya alam ko na yung bibilhin ko.

Pumila na ako sa drinks mahaba kasi pila dito eh kaya kailangan hati-hati kami ng gagawin kung hindi namin yun gagawin baka maabutan kami ng bell at hindi makakain.

"Ohh" sabay abot ko ng drinks. Nakaupo na kami dito, buti nalang may nahanap na kaagad si Cams na table.

"Bat may bawas yung kwek kwek ko?!" Tanong ko sa kanila. Nako nako! nang buraot pa eh.

"Hindi ako ah! Baka si Elle." Sabi ni Cams sabay taas ng kamay na parang sumusuko.

"Hindi rin ako. Baka naman nakalimutan na nung tindera kung paano magbilang HAHAHAHAHAH." Sabi ni Elle. Nako nako palusot pa eh alam ko nanaman. Itong si Elle din kasi iba ang ugali pag kami kasama, loko loko at kalog rin si ate mo.

______________________________________________________________________♡

Note:
There will be grammatical errors and typos, i hope you understand. Let me know what do you think about this chapter by leaving a comment. Love ya!

Seatmates (ON-HOLD)Where stories live. Discover now