Chapter 4

58 2 1
                                    

KEEGAN'S POV

"Haven!" Tawag sa akin. Lilingon na sana ako ng pumasok sa isip ko yung tinawag niya sa akin 'Haven' Ha? Bakit Haven? Second name ko yun, ahh baka naman iba yung tinatawag.

Bakit kasi sa 3rd floor yung classroom namin, hayyyyy pagod na ako eh ewan ko nalang baka dito ako atakihin ng hika ko. Ahh basta! aakyat nalang ako, hindi naman siguro yun mangyayari noh.

"Keegan Haven!" Sigaw nung boses na tumatawag kanina doon sa Haven ,ako pala yung tinatawag kaya lumingon ako.

"Ohh ikaw pala yan Mr. Crush ng bayan. Bakit?" Sabi ko.
"Ito naman oh sabay na tayo, Vince pangalan ko hindi 'Mr. Crush ng bayan' tara na!" Sabi niya sabay hatak sa akin paakyat.

"Hayysst....." sabi ko pagkadating namin ng 3rd floor.
"Ok ka lang?" Tanong niya.

"Oo, napagod lang."
Hindi ko sinasabi kahit kanino na may hika ako syempre bukod kay mommy at ate sila alam nila,  baka hindi ko kasi magawa yung mga masasayang bagay basta yun ayoko ng may special treatment.

"Ahh, sabihin mo lang kung masama pakiramdam mo ah." Sabi niya. Luh? Concern siya boi asarin ko kaya? Gege.

"Crush mo ba ako? Ikaw ha masyado kang concern umakyat lang ng hagdan eh! Yieee crush mo ko noh?" Asar ko.

"Ha?! Hindi kaya noh, tignan mo itsura mo mukhang mahihimatay na. Concern lang ako syempre ayoko magbuhat pagnahimatay ka diyan." Sabi niya daming sinabi noh?

"HAHAHAHAHA eto naman nangaasar lang ako noh! At tsaka hindi mo ko bubuhatin pagnahimatay ako dito?! Hayyy sabagay baka di mo ako kaya." Sabi ko na nangaasar pa din.

"Hoy! Kaya ko noh may muscles kaya ako." Pagyayabang niya sabay pakita ng 'muscle daw niya' Kulit!

"Oo na, tara na!" Sabi ko kasi andito pa rin kami sa may hagdan.

Habang nalalakad kami sa hallway papunta sa room nakatingin lang ako sa mga buildings na umiilaw at sa sky ang ganda kasi.

"Hoy!" Sigaw niya.
"Ay loleng! Ano ba?!" Angal ko, nagulat ako doon ah.

"Wala ka sa music video or teleserye noh" sabi niya. Ha? Ahhh loko to ah!

"At ikaw naman wala ka sa horror movie para mangulat at magsuot ng mask!" Asar ko pabalik.

"Ahh gusto mo ng ganyanan ah! Hindi kaya ako multo ,hindi ako nang goghost" sabi niya. Aba! Sumosobra na to ah natamaan ako. Remember nung hindi ko nalang basta pinansin si Ryle yun doon tumama.

"Ayy natamaan hindi makasagot? HAHAHAHAH" pangaasar niya. Aba aba?!

"Balakajan!" Sabi ko sabay lakad ng mabilis papunta sa classroom. Akala niya ha! Mag-isa ka diyan.

"Huy Haven!" Tawag niya. Haven? Nanaman!

"Hindi Haven pangalan ko! Keegan K-E-E-G-A-N Keegan!" Sigaw ko. Kahit second name ko yung 'Haven'. Nakakainis na kasi ang kulit eh!

"Second name mo yun noh? Pangalan mo pa rin yun!" Sigaw niya. Hayyy mukha kaming ewan dito kakasigaw ang aga aga eh! Well siya naman may kasalanan sa lahat ng sasabihin o ipangaasar niya yun pa?!

"Haven!" Sigaw niya ng makapasok na ako ng classroom, buti andito na si Cams. Di ko papansinin yung Mr. Baliw na yun akala niya Ha!? Baliw talaga siya yun na yun.

"Aga ah!" Sigaw ko kay Cams sabay upo sa tabi niya.
"Yup! As always." Pagmamalaki niya

"Good morning!" Bati niya.
"Morning Cams!" Bati ko pabalik

"Hav........ ahh wala Good Morning!" Bati niya sa amin. Nagsmile naman ako at bumati naman pabalik si Cams.

Akala niya ah! Naisahan ko siya WAHAHAHA!
Unti-unti na dumadating yung classmates namin kaya umiingay na rin kaso wala pa si Elle lagi daw late yun sabi ni Cams at ayun si Mr. Baliw kausap na rin yung friends niya, buti naman haysst.

"Cams! Kee!" Sigaw ni Elle pagkadating na pagkadating niya. Kaya nagsitinginan yung classmates namin kay Elle.

"Camskie?" Tanong ni Cams para matawa ako.
"HAHAHAHAH Cams at Kee kase yun." Sabi ko.

"Ahh, sorna lutang ako ngayong araw eh" sabi niya. Pansin ko din parang wala siya sa mood ngayon.

"Guysss i have a good news!" Excited na sabi ni Elle.

"Ano nanaman yun Elle?" Tanong ni Cams. Pagod na siguro si Cams sa pagiging ganito ni Elle, hindi naman siguro baka wala lang talaga sa mood tong si Cams.

_____________________________________________________________________♡

Note: There will be grammatical errors and typos, I hope you understand. Love ya!♡

Fangirl me✌: Ohhh btw happy 23rd monthsary KyCine famm! Ilysm all♡

Seatmates (ON-HOLD)Where stories live. Discover now