END GAME

25 1 0
                                    

END GAME 00
______

"Behind every introduction, there's a motive."

______

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking ring tone. Ang aga-aga may nambubulabog na agad. Sino ba 'tong panirang 'to?

Nakapikit pa ang mga mata ko nang sinagot ko ang tawag.

"Sino 'to?" Halos bulong pa ang katagang 'yon.

Antok na antok pa talaga ako. Kumikirot din ng konti ang ulo ko. Siguro dahil sa ilang araw na din akong walang maayos na tulog at sinasabayan pa sakit sa katawan dahil sa training at trabaho.

"Casmy, my gosh!" Muntik ko nang matapon ang cellphone ko dahil sa tili ni Nika mula sa kabilang linya. "May kapit-bahay ka na ulit!" Muling sigaw niya kaya hindi ko masyadong naintindihan. Parang kinikilig 'to na ewan.

"Ano ulit?" Sabi ko pero patuloy lang siya sa pagsasalita at hindi aware na hindi ako nakakahabol sa machine gun niyang bunganga. Wala akong naintindihan ni isang sentence sa mahabang sinabi niya. Or it's more like, tili niya.

Nagra-rant ba ang babaeng 'to? O nakahanap na naman ng bagong kalandian kaya nagkukweto.

"Paki-bisita naman ng kapit-bahay mo para sa akin, please?" Kumunot ang noo ko.

Hindi ko gets. Ba't bibisitahin ang kabilang unit? Lilipat na ba ang bagong may-ari? Anong nangyayari?

Marami pa siyang convincing words na sinabi. Kaya napa-'oo' nalang din ako sa huli kahit hindi ko talaga alam kung anong pinagsasabi ng niya bago ako bumalik ako sa aking mahimbing na tulog.

Alas tres ng hapon na ako nagising. Mahigit sampung oras din ang tulog ko kaya tamad na tamad ako pagkabangon.

Nagpatunog ako ng maingay na music para naman mabuhayan ang sistema ko. Nagluto at kumain na din ako bago naligo at nagbihis ng pang-bahay.

Nanood ako ng isang movie bago muling nagpatugtog at sumayaw-sayaw pa. Ang dami kong natanggap na text galing kay Nika nang buksan ko ang phone ko.

Nika:

Ano? Nakapunta ka ba?

Uso replyyy uy

CASMY!!

Update naman diyan!

At sobrang dami pang iba.

Naalala ko ang sinabi niyang bisitahin ang kabilang unit. Ako lang kasi mag-isa sa floor na 'to simula nang umalis si Ate, a year ago. Ang iba namang nakatira rito ay lumipat pagkatapos ng college para makalipat sa mas malapit sa work place nila.

Hindi naman boring tumira sa building na 'to. Magkakilala kaming lahat na nakatira dito at hindi rin nagkakalayo ang mga edad. Mostly, nasa kolehiyo palang pero may ibang nagta-trabaho na.

Ayaw kasi ng mga medyo may edad na sa building ito dahil sa environment na puro 'bata' raw ang nakatira at parte din ang lugar kung saan naka-tayo ang building na ito sa tinatawag nilang 'noisy' district dahil sa buhay na buhay ito tuwing gabi at hindi lang sa umaga. Nagkalat sa area ang mga bars, clubs, cafes, malls, at marami pang establishments. Theme park ng mga 'kabataan' sa gitna ng syudad, ayun pa sa iba.

Tumayo ako pagkatapos ng isang minutong pag-iisip. Sinuklay ko ang maalon na buhok na umaabot sa beywang bago tinali sa isang mataas na ponytail bago kumatok sa kabilang unit dala ang isang box ng cupcake pang welcome gift.

Walang sumagot kaya hindi ko tinantanan ang doorbell.

"Who is it?"

Tanong ng lalaki mula sa intercom. Hindi man lang ako aware na lalaki pala ang naka-bili ng unit ng kapatid ko. Tumulong-tulong pa ako na gibain ang dingding para ma-combine ang dalawang unit na nasa kabilang tabi ng sa kay Ate. Being alone in this floor is making me crazy na literal na excited ako na makilala ang bago kong kapitbahay.

END GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon