CHAPTER 02

3 0 0
                                    

CHAPTER 02

________

"You look like a panda." Agad na umikot ang mga mata ko sa kumento ng kapit-bahay ko sa akin. Nakangiti pa siya habang ako, ilang araw ng walang maayos na tulog.

"Wow, thank you sa compliment ha." Sarcastic na sagot ko at tinakpan ang bunganga para humikab. Inaantok pa talaga ako. Huhu.

Tumunog ang elevator at agad naman akong pumasok. Pumasok din si Drace. Mukhang may klase din ata.

"Sa NPU ka nag-aaral?" Tanong ko kahit kita ko naman sa ID. Gusto ko lang masigurado ano ba.

Drace Lauderdale Casagrande

BS Architecture

"Yea," sinabayan niya pa ng tango.

Humarap ako sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. His name is familiar. Saan ko ba yun narinig 'yon before?

Taeng utak naman 'yan Casmy. Paki palitan nga.

Bilib din ako sa lalaking 'to e. Dalawang araw siyang nakahiga lang dahil sa lagnat tapos ngayon mag-aaral na. Kahapon 'di pa to makatayo ng maayos a?

"Sure kang hindi ka na nilalagnat? Pwede ka namang umabsent e." Sabi ko. He looks completely fine though. Ang bango pa.

He raised a brow. "Are you concerned about me?" Napatawa ako ng mahina.

"Aba! Malamang. Sino kaya ang may gawa nito sa akin?" Sabay turo sa ilalim ng mata ko.

"No one asked you to take care of me."

"Your sister did."

"She didn't know I was sick."

"Yeah right. Dapat hinayaan nalang kitang mamatay."

"I'm not gonna die of fever, Cassandra."

"You'll never know, Drace."

"Oh, I would. I'm invincible."

I eyed him sharply. Nakataas pa din ang kilay niya at nakangisi. Halatang gusto lang akong inisin. At ang nakakatawa pa ay naiinis talaga ako ngayon. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa pero ang sarap niya talagang ipakain sa mga buwaya. If only may mga ganun dito.

Hindi naman siya ganito ka nakakairita noong una. Siguro sadyang lumalabas lang ang tunay na kulay ng tao kapag kumportable na kayo sa isa't isa. Oh what am I saying? Kumportable? Asa...

Pagkarating sa parking ay nauna akong lumabas at dumiretso sa sasakyan ko. At magkatabi pa talaga kami ng parking space. I rolled my eyes and stared at his expensive car before entering mine.

I quickly drove my way out of the building kita ko pa ang pagsunod ng kanyang sasakyan. Mabuti nalang at hindi traffic kaya mabilis akong nakarating sa school. I parked my car and went out only to see Drace's judging look.

"You drive like an old lady." He teased.

"Edi ikaw na ang pang Fast and Furious. Mabangga ka sana sa susunod." I smiled sarcastically bago siya nilampasan with matching bangga sa kanyang balikat.

At ang bobo kong utak hindi agad na proseso na mas malaki nga pala ang katawan niya sa akin. Mas matangkad pa. The result is me with my butt on the ground and his annoying laugh thundering the area.

I quickly picked everything up maging ang ID ko ay nalaglag ko pala. Sinuot ko iyon at inismiran ang tumatawang bakulaw sa harap ko. My phone beeped. Alam ko na agad na malapit ng magsimula ang klase ko kaya nagmadali akong umalis at pumasok sa unang klase ko.

END GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon