SOMNOPHILIA

142 2 0
                                    

03






Ng sumunod na araw, araw ng event ng raket namin ay hindi ko pinansin si Jerome buong araw hanggang sa matapos ang event. Pero tahimik ko lang siyang pinagmamasdan kapag nag tatrabaho. Kapag oras ng break parating naka sunod sa akin. May mga oras na nagkaka-tunginan kami. Halos matunaw ako sa kagwapuhan niya, minsan ngingiti pero madalas nagtatanong ang kaniyang mga mata. Siguro dahil sa madalas ay iniirapan ko siya at iniiwas ko na mag tagal ang tinginan namin. Walang kibuan, pero alam ko na gusto niya akong tanungin. Siya kasi yung tao na ayaw ng deep talks, umiiwas sa kadramahan.

May ibang paraan si Jerome para pansinin ko siya, iyon ay ngingitian ako o di kaya ay pipisilin ang aking ilong at tatawa. Kinikilig naman ako na parang tanga. Ewan ko ba, napaka rupok ko.

"Okay ka na?" Tanong niya ng ako ay kaniyang napangiti.

Hindi ko siya sinagot at inirapan ko ulit. Nangibabaw ang inis ko. Hindi na to pwede, dapat mawala ang nararamdaman ko sa kaniya. May bago na siya.


November, 2017—


Makaraan ng ilang linggo ay may nakilala akong bagong kalandian, si Cyril. 5'5 ang height, presentable, sweet, kaya lang masikreto. May mga oras na kapag kami ay nag vivideocall ay bigla bigla niyang ini-end ang call.

Halos gabi-gabi kami nagkikita ni Cyril. Nag dedate. Alas sais ng gabi ang out niya sa kaniyang trabaho sa isang mall. Pagkalabas niya sa work ay nagkikita kami at sabay na naghahapunan sa labas. Maginoo at maalalahanin din si Cyril.

Ipinakilala ko na din siya sa aming boss na si Jennifer. Mayroon kasi kaming bagong raket sa susunod na araw kaya doon muna ako mananatili sa apartment ng boss ko kaya hinatid niya ako doon matapos namin mag date.

Hindi ko inaasahang nadoon na rin si Jerome.

"Hi," bati ni Jerome sa akin.

"Hello," sagot ko. "Jerome, si Cyril boyfriend ko. Bee —"(tawagan namin ni Cyril)"— si Jerome, kaibigan ko."

Nag shake hands naman ang dalawa. Nag iba bigla ang modo ni Cyril. Naikwento ko pala sa kaniya noong isang araw ang tungkol kay Jerome. Nagtanong kasi siya ng mga pangalan ng mga ex ko. Pero hindi ko naibanggit sa kaniya na kasamahan ko sa trabaho si Jerome. Anak ng pating. Medyo seloso si Cyril kaya medyo kinabahan ako.

"Hahatid ko lang sana yung bag ko, at aalis din naman kami kaagad ni Cyril. Tatambay kasi kami sa 7/11," sabi ko kay Jerome.

"Ganoon ba? Saang 7/11 naman?" Tanong ni Jerome.

"Sa harap ng SM. Sige alis na kami," sabi ko ng maipasok ko sa kwarto ang aking bag.

"Sama ako. Magkikita kasi kami ni Rene at Francis" sabi ni Jerome. Si Francis at Rene ay kasamahan namin dati sa group chat, sila din yung close friends ni Marvin. Actually si Francis ay close friend ko, at si Rene naman ay dati kong pinag seselosan kasi nabanggit sa akin dati ni Jerome na umamin ito sa kaniya na crush siya nito.

"Hindi kayo magkikita ni Marvin?" Tanong ko.

"Siguro," may halong lungkot sa kaniyang nga mata. "Pero sabi naman daw niya ay sasama siya."

"Okay lang ba Bee?" Tanong ko kay Cyril. Tumango lamang siya at lumabas ng apartment. Nagpaalam na lang ako kay Jennifer at sumunod. "Boss, alis muna kami, tatambay"

Sumunod din si Jerome pagkalabas ko. Hindi sumabay sa amin sa paglalakad si Jerome at nauna ng kaunti sa aming dalawa ni Cyril.

"Hindi mo nabanggit na magkasama parin pala kayo ng ex mo?" Banggit ni Cyril habang kami ay naglalakad sa side walk. Malapit lang naman kasi ang 7l11 sa apartment na tinutuluyan ng aming boss.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buhay ng Isang EXHIB: VOLUME II (M2M BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon