Chapter 24: The Last Sunset Moment

125 3 0
                                    

Kyle's POV

"Uy ba't ang tahimik mo ngayon? Miss mo na agad si  Maddi?" Pangungulit sa'kin ni Dale.

Napabuntong hininga nalang ako at napahalumbaba habang tinitingnan ang mga customers na papasok ng restaurant. Nandito na kami sa Manila ngayon, kahapon kami umuwi. Kailangan din kasi naming pumasok sa trabaho. Babalik nalang kami sa Cebu sa araw ng kasal at next week na yun.

"Uy Kyle para kang timang, hindi ako sanay na tahimik ka eh. May problema ka ba?" Aish. Hindi talaga ako titigilan nito hangga't hindi ako magsasalita. Asan ba kasi yong mga kaibigan nito at ako ang ginugulo niya?

"Wala ka bang trabaho at nangugugulo ka dito?"

"Grabe siya, bakit bawal ba akong tumambay dito? "

"Tss. Ewan ko sa'yo Dale."

"Anyare sa'yo?"

Napahinga ako ng malalim. Hindi kasi mawala sa isip ko yong mga napapansin ko nitong nakaraang araw eh. Hindi ko alam kong napa-praning lang ba ako o kung ano.. Pero ang weird lang kasi nong fiance ni Maddi, and even Maddi and that girl named Lucy. Ang weird nilang tatlo sa totoo lang.

Hindi ko masabi eh pero parang may tinatago sila.

"Dale, may napapansin ka ba sa fiance ni Maddi?" Tanong ko kay Dale.

"Kay Clark? Hmm. Wala naman bukod sa pagka-isip bata niya. Bakit?" Ako lang ba talaga ang napa-praning?

"Eh don kay Lucy?" Tanong ko ulit.

"Ewan. Sa tingin ko sobrang close talaga sila ni Maddi."

"Bakit ba?"

"Wala. Wala lang."

Napa-praning nga lang siguro ako. Hindi naman magpapakasal si Mad kung hindi siya sigurado.

Jared's POV

Hindi ko maiwasang mapaluha kapag naaalala ko ang huling pag-u-usap namin ni Maddi. Isang buwan na ang lumipas ng huli ko siyang makita at nagpaalam siya sa'kin.  Isang buwan na mula ng iniwan niya ako at piniling makasama ang lalaking papakasalan niya.

Alam kong isang linggo nalang at ikakasal na siya at habang papalapit ng papalapit ang araw na yun ay mas lalo akong nasasaktan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, pakiramdam ko bangungot lang ang nangyayareng 'to. Pinipilit kong gisingin ang sarili ko sakaling magising na ako sa bangungot na 'to pero kahit anong gawin ko hindi ako makawala sa pagkakabangungot.

Ang hirap hirap tanggapin na tuluyan nang mawawala sa'kin si Maddi. Wala akong magawa para ako ang piliin niya, wala akong magawa para ako nalang ang mahalin niya.

Hindi ko kayang makita siyang ikasal sa iba.

Siguro nga hindi talaga ako ang lalaking para sa kanya. Hindi siguro talaga ako ang lalaking nakatadhana para sa kanya. Siguro ito na ang kabayaran sa lahat ng sakit na pinaranas ko sa kanya noon, nasaktan ko si Maddi, binalewala ko siya, kinamuhian ko siya, pinahiya ko siya, iniwan ko siya sa ere noon at mas piniling pakasalan si Cassy. Ang sama sama ko. Sinaktan ko siya. Kung hindi inatake si Cassy ng sakit niya noon malamang nabaliw na ako ngayon sa mga padalos dalos kong desisyon.

Inaamin ko, kelanman hindi nawala ang pagmamahal ko kay Maddi. Kahit pa noong nakilala ko si Cassy at maging kami.. Hindi nagbago ang pagmamahal ko kay Maddi, sadyang tinabunan ko lang ang pagmamahal ko sa kanya ng lungkot, sakit at galit. Kaya nong malaman ko na blinackmail lang pala siya ni Mommy ay sobra akong nagsisi sa lahat ng inisip ko kay Maddi at sa lahat ng mga masasakit na salitang nasabi ko sa kanya. Pero wala eh, hinding hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. Hindi ko na mababago ang lahat ng nangyare. Kaya naman hindi ko masisisi si Maddi ngayong may iba na siyang mahal at masaya na siya sa iba. I think all I need to do is to support her happiness. Kailangan ko ng tanggapin na hindi talaga kami para sa isa't isa. Hindi ako ang lalaking makapagpapasaya sa kanya at sasama sa kanya hanggang pagtanda. Malabo ng maging ako yun dahil hindi na ako ang mahal niya.

Still You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon