PROLOGUE

17 4 7
                                    

_prologue_

"Hayyy...sawakas nakarating rin" sabi ko bago bumaba sa bus.Kakarating ko lang dito sa aming bayan,doon kasi ako nag-aaral sa kabilang bayan.Dahil bakasyon naman ngayon umuwi muna ako sa amin.Tamang tama rin birthday ngayon ng mama ko,balak ko silang surpresahin kaya wala akong sinabihan na uuwi ako ngayon.Kahit kuya ko di ko sinabihan na darating ako ngayon.

Habang naglalakad ako palabas sa stasyon ng bus,di mapuknat ang mga ngiti sa aking labi.Nang makalabas na ako agad akong pumara ng trycicle at sinabi ko sa driver ang address ng bahay namin. Malayo-layo pa ang bahay namin sa bayan kaya medyo natagalan pa ako,pero kahit ganun masaya parin ako.Ang daming pumapasok sa isip ko,kung anong magiging reaksyon nila kapag nakita ako 'iiyak kaya si mama?' tanong ko sa sarili ko.Matagal narin kasi akong hindi nakakauwi,dahil busy na kasi ako.Lalo na ngayong malapit na akong mag graduate.

"Dito lang po manong" Sabi ko sa driver at nagbigay ng bayad.Habang naglalakad ako papunta sa bahay may naramdaman akong kakaiba.

"Bakit ang tahimik?sa pagkakaalala ko maingay tong lugar namin" Sabi ko sa sarili ko. Ito kasing lugar namin halos lahat ng kapitbahay namin ay kapatid ng papa ko.Para bang isang compound na ang nakatira lang ay mga Rizon.

"Hala!baka nag outing sila.." Saad ko sa sarili ko kaya dali-dali akong pumunta sa bahay namin.Pagdating ko sa harap ng bahay namin huminga muna ako ng malalim,bago  pinihit pabukas ang pinto.Handa na sana akong surpresahin sila mama at papa pati na ang kuya at bunso kong kapatid,pero ako ang na surpresa dahil sa nadatnan ko.

Nabitawan ko ang mga dala ko at napatakip sa aking bibig.

"H-hindi to totoo,p-panaginip lang to"

Dahan-dahan akong lumapit sa mama ko na nakahandusay sa sahig,duguan at walang saplot.

"M-mama,a-nong nangyari ba't..."

Hindi ko naituloy ang mga sinabi ko at napahagulhol nalang ako,umiyak ako ng umiyak.Tumayo ako para hanapin ang kuya at ang papa ko,pero pagpunta ko sa kusina tumambad sa harapan ko ang katawan nila kuya at papa na maraming saksak,tama ng baril at mga pasa.

"Kuyaaa!!!Papaaa!!"

Tumakbo ako palapit sa kanila at niyakap silang dalawa at umiyak,kung sino man ang gumawa nito mga hayop sila!.Gamit ang lahat ng natitira kung lakas binuhat ko isa-isa sila kuya at papa at itinabi kay mama.Wala na akong paki kung magkadugo man ang damit ko.Habang tinatakpan ko ang hubad na katawan ni mama bigla kung naalala na may kulang.

"Si Michaela!" Sabi ko at agad na hinanap ito 'baka nakatakas ito o baka nakatago' saad ko sa sarili ko.Sana lang nakaligtas ang bunso kong kapatid dahil kung hindi,hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Hinalughog ko na ang buong bahay pero di ko pa rin nakita ang kapatid ko.Pinasok ko na lahat ng kwarto.

"Teka,hindi ko pa napuntahan ang kwarto ko"

Agad akong nagpunta sa kwarto ko at binuksan ang pinto.Parang hinigop lahat ng natitira kong lakas dahil sa nakita ko.

"M-michaela..." Napako ako sa kinatatayuan ko,hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko.Akala ko nakaligtas siya pero mali pala ako,nakabitin siya sa kisame at kagaya ng mama ko,wala rin siyang saplot at puno ng pasa ang kanyang katawan.May mga saksak siya sa tagiliran at may tama ng baril sa kanyang hita.Kahit medyo nanghihina na ako pinahid ko ang mga luha kong kanina pa tumutulo at nilapitan ang kapatid ko.Dahan-dahan ko siyang ibinaba at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Bakit!bakit! Anong nagawa naming mali! Bakitttt!!!!.."

Sigaw ko at napahagulhol.Dahan-dahan kung binuhat ang kapatid ko at lumabas sa kwarto.Tinabi ko ang kapatid ko sa kuya ko.Napaupo nalang ako at umiyak sa harap ng pamilya kong wala ng buhay.

When Revenge Turn's to LoveWhere stories live. Discover now