CHAPTER 4

13 3 2
                                    

_chapter4_

Lumabas ako sa kwarto nang maramdaman ko na kumakalam na ang tiyan ko. Kakagising ko lang din dahil sa sobra kong pagiisip kanina tungkol sa sinabi ni Dennis sa akin nakatulog ako.

"Kailangan kong makausap si Shawn tungkol sa sinabi ni Dennis para mapanatag na ang isip ko"
Pagkausap ko sa sarili ko.

Pagkababa ko sa hagdan agad akong nagtungo sa kusina. Hindi na ako baguhan dito sa bahay ni Shawn dahil minsan dito ako kumakain kaya madali lang sa akin na mahanap ang kusina.

Pagkadating ko sa kusina naabutan ko si Manang Lena na naglilinis sa lababo. Naramdaman siguro ni Manang Lena ang presensya ko kaya nilingon niya ako.

"Ma'am Jaez. Andyan pala kayo. Anong pong gusto niyo ma'am Jaez? "

Sabi ni Manang Lena sa akin na may ngiti. Nginitian ko rin si Manang Lena bago nag-salita.

"Okay lang ako Manang Lena ipagpapatuloy niyo lang po yang ginagawa niyo. Ayoko pong disturbihin kayo. Nandito lang po ako para kumuha ng pagkain"

Saad ko kay Manang Lena habang tinutungo ko ang refrigerator. Habang si Manang Lena naman ay nagpatuloy na sa kaniyang paglilinis.

Pagbukas ko sa ref wala akong nakitang luto na pagkain,tanging mga karne lang na hindi pa luto at mga beer. Kaya tinungo ko ang cup board at nakakita ako ng isang noodle cup.

'Ito nalang muna ang kakainin ko magpapaluto nalang ako kah Nay Clara pag-uwi ko mamaya' Saad ko sa sarili ko.

Agad kong tinungo ang heather at nilagyan ng tubig ang noodles ko. Ilang oras muna ako naghintay bago ito naluto. Agad akong kumain ng buksan ko ito.

"Hmmmm... "

"Parang nagugutom po talaga kayo ma'am Jaez ha. Gusto niyo po lutuan ko kayo ng ulam at kanin?"

"Naku... Wag na Manang Lena ayos lang ako dito sa cup noodles nato. Ayoko ko pong makadisturbo sa ginagawa niyo"

"Segi po ma'am. Pag may gusto kayong ipagawa ma'am sabihin niyo lang sa akin"

Tinanguan ko lang si Manang Lena at bumalik na sa pagkain ng noodles. Ilang oras din akong nanatili sa kusina bago ko matapos kainin ang noodles ko. Tapos na rin si Manang Lena sa paglilinis. Napansin kong tahimik ang bahay ni Shawn kaya magtanong ako kay Manang Lena.

"Manang nasaan po si Shawn?" Tanong ko kay Manang Lena.

"Ehhh ....ma'am umalis po si sir. Kanina pa po siya umalis kasama si sir Dennis."

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nagtanong pa ako.

"Sa'n sila nagpunta Manang?"

"Hindi ko po alam ma'am. Pero ma'am narinig ko po sila sir na naguusap kanina ni sir Dennis. Aksidente ko lang pong narinig yun hindi ko po yun sinasadya sana po wag niyo po akong panghinalaan"

Binigyan ko ng isang matamis na ngiti si Manang Lena.

"Ano ka ba Manang alam kong hindi ka ganong klase na tao. So anong narinig mo sa usapan nila Manang?"

"Narinig ko po na sinabi ni sir Dennis kay sir na bumalik na po daw ang asawa ni sir Shawn. Si ma'am Maica po bumalik na po daw siya"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Manang Lena.
'Si Maica. Ang asawa ni Shawn!!' Kaya pala umalis sila. May bagong problema na naman si Shawn siguro sa susunod nalang ako magtatanong sa mga sinabi niya kanina at sa mga sinabi ni Dennis.

"Ma'am ayos Lang kayo?"

"Uhmmm.. ayos lang ako Manang. Sadyang nagulat lang talaga ako. Narinig mo talaga yun Manang?"

When Revenge Turn's to LoveWhere stories live. Discover now