_chapter2_Nakaupo lang ako sa gilid habang si Shawn na man ay abala sa harap na kanyang cellphone. Kanina pa ako iniiwasan ni Shawn dahil ayaw niya daw na mapagsalitaan niya ako ng masama. Hindi ko masisisi si Shawn kung bakit ganun nalang siya kagalit sa akin I just killed someone. Kanina lang din pumasok sa isip ko ang ginawa ko kanina. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis at galit na nararamdaman ko sa sarili ko.
' bakit ka naiinis? don't tell me your feeling guilty' Tanong ko sa sarili ko.
'Na gi-guilty nga ba ako? Ba't naman ako ma gi-guilty? I just did it,napatay ko ang taong pumatay sa pamilya ko. Ito yung gusto ko simula nung una diba?. So why do I need to feel guilty?'
"Tama lang ang ginawa ko. Dahil walang lugar ang isang katulad niya sa kulungan. Ang dapat sa kaniya ay ang mamatay para dumeretso na siya sa impyerno. " Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
"What are you murmuring?
Agad akong nag-angat ng tingin kay Shawn na nasa harapan ko na ngayon, nakatayo ito at inuumang ang kaniyang cellphone sa mukha ko.Hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip ako ang nagtanong sa kaniya.
"Ano yan?"
Tanong ko sa kaniya na nakataas ang isang kilay.
"Si Dennis,gusto ka raw niya kausapin. Alam na niya kung anong nangyari,at kung ano ang ginawa mo. So get your self ready for a very long speach."
Agad kong kinuha ang cellphone at inilapit sa tenga ko.
"Hello. Sino ang makakausap ko si Chief Dennis o yung normal na Dennis?"
Tanong ko sa kabilang linya. Ilang minuto ang lumipas bago nag-salita ang nasa kabilang linya.
"Jaez ba't mo yun ginawa?"
Tanong ni Dennis gamit ang kalma niyang boses pero alam kong kagaya ni Shawn galit din Ito sa akin.
"I just did what I think is the best thing to do. At isa pa Dennis hindi na ako bata alam ko kung ano ang ginagawa ko at hin-"
Nabitin sa ere ang mga salitang nais kong sabihin nang biglang sumigaw si Dennis sa kabilang linya.
"The fuck Jaez!!! You just did what you think is the best?!!! Jaez hindi mo alam kung ano ang ginagawa mo! You just killed someone for peat's sake!!! Tapos sasabihin mo sa akin that you just did what you think is the fucking best to do!!!! Jaez your a Lieutenant dapat iniisip mo ang mga ginagawa mo. Pano kung may makaalam na pumatay ka anong gaga-"
"I don't care.Kung may nakita man sa akin na pumatay ako then they better hide well, because I will hunt them down at si-siguraduhin kong mananatiling tikom ang kanilang mga bibig."
Sagot ko kay Dennis na puno ng galit ang boses. Ilang minuto natahimik si Dennis bago siya nagsalitang muli.
"Jaez naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Hindi ganito magsalita ang Jaez na nakilala ko. The Jaez I knew is a good person. Ang Jaez na kilala ko ay hindi kayang pumatay at hindi kayang manakit ng tao."
Inalis ko lahat ng emosyon na mayroon ako,bago nagsalita.
"Patay na yung Jaez na nakilala mo Dennis. Matagal ng wala si Jaez na mabait. Si Jaez na matulungin. Si Jaez na di kayang manakit. At si Jaez na naging matalik mong kaibigan. Ito na ang bagong Jaez Dennis, you just have to accept it. "
Sabi ko sa malamig na boses. Akmang papatayin ko na ang tawag nang biglang nagsalita si Dennis.
"I don't believe you Jaez. I know the Jaez I knew nine years ago is still there inside of you. Alam kong nandyan parin siya."
YOU ARE READING
When Revenge Turn's to Love
Action_ -When Revenge Turn's to Love-_ Si Jaez yung tipo ng babae na walang panahon para sa pag-ibig. Maraming sumubok na siya ay ligawan kaso walang lalake na nakamit ang matamis niyang oo. Ang tanging laman lang ng isip ni Jaez ay ang paghigiganti at...