CHAPTER 1

7 3 4
                                    

_chapter1_

Abala ako sa pagpupunas ng baril ko ng biglang magring ang cellphone ko.Agad ko itong inabot at tiningnan ang caller ID,nang makita ko na si Shawn ang tumatawag agad ko itong sinagot.

"Hello.Shawn ano na?"

"Nandito na ako,at kasama ko na sila.Hihintayin kita dito"

"Okay"

Agad kong pinatay ang tawag at nilagay ang baril ko sa bag at nagtungo sa garahe.Pagdating ko sa garahe sumakay ako sa itim kong ducati at pinaharurot ito papunta sa abandonadong pabrika kung saan naghihintay si Shawn.

Pagdating ko sa pabrika agad kong nilabas ang baril ko at pumasok sa loob.Hindi na ako nag-abala na lagyan ng silencer ang baril ko dahil hindi naman matao ang lugar na kinaroroonan namin.Agad kong nakita si Shawn na nakahilig sa hamba ng pintuan.

"Ang tagal mo naman.Saan ka pa ba nagpunta?.Kanina pa ako dito,nabibingi na ako sa kamumura ng dalawang yun"

Hindi ko pinansin ang mga tanong ni Shawn at nagpatuloy lang sa paglalakad.Naramdaman kong nakasunod lang si Shawn sa'kin kaya hinayaan ko lang siya.Pagdating namin sa likod ng pabrika kung saan may malawak at patag na lupa dun ko lang nilingon si Shawn.

"Nasaan sila?"

Deretsahan kong tanong kay Shawn.

"So nagtatanong ka.Habang ako kanina dinedma mo lang hmmpp.Bahala ka diyan hindi kita sasagutin"

Nainis ako sa tugon ni Shawn 'hindi ba'to nakainom ng gamot?ba't naging isip bata na naman tong lalakeng to?' inis kong tanong sa sarili ko.

"Ano ba Shawn wag ka ngang isip bata.Baka nakakalimutan mo mas matanda ka pa sa akin,tapos kung makaakto ka para kang isang bata."

Pikon kong sagot kay Shawn.Agad itong tumingin sa akin na may nanunumbat na tingin.

"Oo nga't matanda ako sayo pero di mo na man ako nirerespeto.Di mo nga ako tinatawag na kuya!"

Parang bata itong nagpapadyak sa lupa at tinalikuran ako.Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita.

"Shawn seryuso nasaan sila?At wag mo na akong paglokohin ha.Alam mong madali lang ako ma pikon at isa pa hindi talaga kita tatawagin na kuya,dahil isa lang ang kuya ko at walang makakapalit sa kaniya"

Sabi ko kay Shawn na medyo naiinis.Agad itong lumingon sa akin na seryuso na ang mukha 'salamat naman at nawala na ang pagkabaliw nito' Saad ko sa sarili ko.

"Nasa loob sila.Dadalhin ko na ba dito?"

Tiningnan ko ang mga mata ni Shawn nakikita ko ang galit sa mga mata nito,at alam kong kanina pa siya ngatitimpi kaya dinaan niya nalang sa pagiging baliw ang galit niya.

"Isa muna ang dalhin mo dito.Yung puno muna bago yung bunga"

Sabi ko kay Shawn na agad ding pumasok sa loob.Segundo lang ang binilang ko at nakita ko na si Shawn na lumabas na bitbit ang taong kinasusuklaman ko ng siyam na taon.Nang makalapit na sila sa'kin agad itong pinaupo ni Shawn sa upuan at itinali,nang matapos si Shawn sa pagtatali agad kong tinanggal ang panyong nakatakip sa kaniyang mga mata at nginitian.

"Hi Mr.Alejandro.Sa wakas nagkita rin tayo"

Nakita ko ang pagtataka at galit sa mga mata ni Alejandro,pero di ako nagpatinag sa mga titig niya.

"Sino ka!Pakawalan mo ako!di mo kilala binabangga mo pagbabayaran mo'to!"

"Now now Mr.Alejandro wag mo masyadong gamitin ang lakas mo baka wala nang matira mamaya,kawawa ka,segi ka"

When Revenge Turn's to LoveWhere stories live. Discover now