_chapter5_"Nayyyyy!!!"
Nilapitan ko agad si Nanay na nakahandusay sa sahig at dumudugo ang kaniyang noo.
"Nay!nay!nay!!"
Nakita kung unti unti ng pumapasok ang apoy na galing sa labas. Dahan dahan kong binuhat si Nanay at agad na tumakbo palabas. Pagdating ko sa labas nakita ko ang iba kong katulong na umiiyak at may mga takot sa mata.
"Ma'am Jaez!"
Tinulungan ako ng mga ibang katulong na ilagay si Nanay sa bench na siyang nasa labas ng bahay.
"Kompleto ba ang lahat?!" Sigaw ko sa mga katulong ko.
"Ma-maam si ate T-tessa at s-si ate Jessie wala s-sila d-dito"
Kinain ako ng takot sa narinig ko mula kay Mimi.
"Ano! Bakit Hindi niyo sila kasama?! Di bale nalang tumawag na kayo ng ambulansya at bumbero! Bantayan niyo si Nanay Clara. Pagdating ng ambulansya ipahatid niyo siya agad sa hospital. Dito lang kayo babalikan ko sila Tessa at Jessie"
Saad ko sa mga katulong ko at agad tumakbo pabalik sa bahay na kinakain na ng sunog. Naririnig ko ang mga sigaw ng katulong ko pero hindi ako nakinig. Pagkapasok ko sa bahay agad kong tinakpan ang ilong ko at hinanap ang dalawa kong katulong.
"Tessa! Jessie! Nasaan kayo?!!"
"Ma'am Jaez!!!!! Nandito kami!!!! Ma'am tulong!!!"
Narinig ko ang pagsigaw nila Tessa at Jessie. Agad kong sinundan ang pinanggalingan ng boses nito.
"Diyan lang kayo wag kayong aalis diyan!!! Papunta na ako!!" Balik sigaw ko sa kanila.
Agad kong natagpuan ang kinaroroonan nila Tessa at Jessie. Pareho na silang nanghihina kaya inlalayan ko silang dalawa upang makaalis na kami dito. Habang tinatahak namin ang daan palabas bigla nalang nahulog ang isang haligi na nasusunog. Agad kong itinulak si Tessa para hindi siya matamaan ng kahoy, pero hindi ko namalayan na may isa pa palang haligi na nabali at tumama sa likod ko.
"Ma'am Jaez!!"
Nararamdaman ko ang init na galing sa apoy na dahang dahang sinusunog ang likod ko. 'shit' . Pero agad din akong bumangon kahit mahapdi at masakit ang likod ko. Tinulungan ako ni Tessa at Jessie upang nakatayo ng maayos. Agad kaming naglakad ng mabilis,lakad takbo na ang ginagawa naming tatlo ng may mahigip ang mga mata ko.
'Siya yung lalake kanina!!' Saad ko sa sarili ko.
Bumitaw ako sa hawak ni Tessa at Jessie. Nakita ko ang kaguluhan at takot sa mga mata nila.
"Ma'am ano pong ginagawa niyo?! Halika na po!! Umalis na tayo dito" Sabi ni Tessa na puno ng takot at pangngamba ang mga mata.
Nakita ko ulit ang lalake na tumatakbo at may bitbit na bag. Agad kong tinulak sila Tessa at Jessie papunta sa pinto upang makalabas sila agad.
"Go!!go!!! Mauna na kayo may kukunin pa ako!!!"
"Ma'am Jaez!!! Hindi ka po namin iiwan"
"Segi na umalis na kayo!!!" Sigaw ko at agad na sinundan ang nakita kong lalake. Naririnig ko ang pagsigaw nila Tessa at Jessie pero hindi ko sila pinakinggan. Agad kong sinundan ang ang lalake at hinabol ito hanggang sa maabutan ko siya .
"Itaas mo ang kamay mo!" Sigaw ko sa lalake. Habang nakatutok ang baril sa kaniyang direksyion. Tumigil sa pagtakabo ang lalake at dahan dahan itong humarap sa akin. Nasa labas kami ng bahay ko sa may hardin kung saan kitang kita ang nasusunog kong bahay. Hindi ko makita ang kabuuhan ng mukha nito dahil nakasuot Ito ng isang maskara na isang mukha ng kuneho. Tanging mga mata lang nito ang nakikita ko. Mala tsokolate Ang kukay ng mga Mata niya at medyo matangkad siya sa akin.
YOU ARE READING
When Revenge Turn's to Love
Action_ -When Revenge Turn's to Love-_ Si Jaez yung tipo ng babae na walang panahon para sa pag-ibig. Maraming sumubok na siya ay ligawan kaso walang lalake na nakamit ang matamis niyang oo. Ang tanging laman lang ng isip ni Jaez ay ang paghigiganti at...