Prologue

85 19 9
                                    

Trigger warning // death, thoughts of self harm


***

Naalala ko pa noong pinatawag kami ng lola ko sa isang kwarto.


Not my biological lola of course.


Oo, biological, ampon kasi ako. 2 years old ako nang ampunin ako nila mommy Lillian. Di kasi nila alam kung magkaka-anak pa sila.


Ako ang panganay dito. Panganay kasi mali ang hula nila, nagka-anak pa sila ng dalawa.

Thankful ako though. Nawalan na ako ng pag-asang aampunin pa ako eh. Sobrang thankful ako na nakaramdam ako ng pagmamahal ng isang pamilya.

3 kaming magkakapit, si Lilith, ang bunso na 3 years old pa lang, si Louise, pangalawa, 12 tapos ako, 14.


Di naman nila ipinaramdam na di nila ako mahal... dati.


Bago nila nalaman na may sakit ako.


Sino nga ba ang gustong magka-anak ng may sakit? Aampon nalang, yung may cancer pa.


"Alam niyo.." panimula ng lola ko nang maupo kami sa gilid ng kama nya. She's been on bed rest for months.


"ang nga bituin daw, nagsisiliwanag sila tuwing mayroong bagong bituin na sasama sa kanila" dahan-dahan at nanghihinang sabi ni lola saamin.


Pilit kong inabot at hinawakan ang kamay nya. Napansin kong medyo mainit ito. Ilinapat ko pa ito sa pisngi ko.

Nakita kong nagtatakang tumititig sa akin si Lilith. Habang di inaalis ni Louise ang tingin sa mukha ni lola.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at napaka-kabado ko sa tuwing pumipikit si lola. Sana wag muna.

"Nakita ko ang... mga bituin kanina, Faith." Nakatingin ng diretso saakin si lola. Di niya inalis ang ngiti niya mula kanina pa.


"Sa tingin ko, naghahanda na silang salubungin ako"


Pinigilan ko ang aking paghinga. Tumigil bigla ang mundo ko at di ako gumalaw. Ayaw ko.


Gustong gusto kong pigilan ang oras.

Ayaw ko muna.

Hanggang sa ang narinig ko nalang ang iyak ni Louise at Lilith habang unti-unting nanlamig ang kamay ni lolang nakalapat parin sa pisngi ko.



It's been 3 years at masakit pa rin.

Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama na lang muna ang hangin.

Sana maraming bituin mamaya... at sana ako naman ang kunin nila...

.

.

.

Why the Stars Shine
by: ajayjayjayajay

This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead, or actual events purely coincidental

All rights reserved. No part of this Story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.

***

This story contains themes that may be too disturbing if you are sensitive in topics such as depression, rape, mental health, seizures, death, and mental illnesses. I will be tackling this topics and it might be triggering for some of you so if these make you uncomfortable then don't continue.

***

I am a beginner at writing so please forgive me for any grammatical errors and misspelled words. I don't edit the chapter that much before publishing because I am thinking of editing it after it's completed.

(I added these here since I forgot to put these warnings dati)

A's corner:

HELLO OMG!! Sana matapos ko 'to!! The ages pala are not what was first written, in the current time plus 3 years na!! kudos to all underrated writers! Kaya natin to!! Dedicated to my fellow tamad writers, may you find inspiration and the urge to write again

Why the Stars Shine [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon