Chapter 2

45 12 4
                                    

"Gago!" Dinig naming sigaw ni Mommy. Napa-atras kami nang bumukas ang pintuan at lumabas si papa.


Mabilis na pumasok si Louise upang alalalayan si mommy na nagpupuyos sa galit.


Naramdaman ko naman ang biglang panghihina at pagsakit ng tuhod ko. Please not now, I don't want to be a burden right now.


I closed my eyes and tried to take deep breaths. I looked up to stop the tears.


'Ang sakit putangina'


After a few minutes of just standing there, humupa naman ang sakit. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Louise sa loob


Dahan-dahan at iika-ika akong sumunod sa kanya. Nakakaramdam parin ako ng kirot sa tuhod ko.


"Ate ayos ka lang?" takang tanong ni Louise nang makita niya akong nakasandal sa pintuan.


Gustong-gusto kong sabihin na hindi. Hindi ako okay, inaatake na naman ako ng sakit ko. Sobrang sakit. Pero ang hirap namang sabihin. Napaka-rami na nilang iisipin, dadagdag pa ba ako?


As much as possible ayaw ko munang maging pabigat sa bahay na 'to. Sobrang dami na naming problema, dadagdag pa ako.


Akala nila di ko alam na gabi-gabi silang umiiyak? Louise is getting bullied because of dad. Lilith is scared of everything that's happening.


Awa-awa na ako sa kalagayan ng mga kapatid ko pero wala akong magawa para pagaanin man lang ang nararamdaman nila.



"Okay lang, nahilo lang ako" nakangiti kong sabi kay Louise. I tried so hard to keep that smile while he was just staring at me curiously.


He doubted what I said and went near to check up on me. I tried to stand straight at pinilit na wag pansinin ang kirot sa tuhod ko.


"Sure ka? Namumutla ka?" Tumango nalang ako at hindi na sumagot pa. I tried focusing on keeping me self balanced and not minding the pain.

"Napagod lang ako." Agad naman niya akong linapitan. He looked worried.


"Ulol diba bawal ka mapagod?" He checked up on me quickly, he checked if I have new bruises and placed his hand on my forehead.


Unti nalang matatangkaran na niya ako. Napangiti ako nang ma-realize na kasing tangkad ko siya but I'm two years older. He's growing so fast.



"Ate inom ka na kaagad ng gamot mong pang-regulate ng fever. Ang tanga mo may sinat ka!" He looked pissed and worried at the same time. Napatawa naman ako.


Ang pangit niya letse.



"Oo na boss, pangit mo." Inunahan ko na siyang maglakad. I still wince everytime na iaapak ko yung kaliwang binti ko dahil sa sakit. It's been 3 years since I was diagnosed, months before Lola's death.


I'm still not doing great. I'm tired of having to take a lot of medication. Nakakasuka pa ang iba dito ngunit pinipilit ko nalang. Minsan kinakaligtaan ko pa ang pag-inom ng gamot para madali nakong mawala.


Naaawa na ako ki mommy. Napakarami na niyang ginagastos para sa akin. Hindi pa naman kami gaano ka kulang sa pera pero alam ko dahil sa akin mas mabilis na mauubos ang pera namin.


Kung pwede lang sana sumama na ako ki lola.


Madami beses nang pumasok sa isip kong kunin ang sarili kong buhay. Pero sa tuwing naiisip ko kung anong mararamdaman ni Louise at Lilith napapatigil ako.


Why the Stars Shine [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon