We hear their muffled voices as they fight trying to keep quiet so that we wouldn't hear.
Di nila alam na nasa labas kami at nakikinig sa mga away nila. Mga away na hindi na matigil-tigil.
Napansin ko nalang na naiiyak na si Lilith na kanina pa naririnig ang iyak ni mommy. Dun ko na sila hinila palayo sa pintuan ng kwarto ng mga magulang namin.
Si Louise naman ay blanko lang na nakatitig kay Lilith habang ako ay pilit siyang pinapakalma. Ayaw ko na atakihin siya bigla ng seizures nya.
"CHEATER!" malakas na sigaw ni mommy nang buksan ni daddy ang pintuan upang umalis.
'Iinom na naman siya'
Ang hirap naman ng ganito. Kelan nga ba naging ganito? I tried to reminisce the good times we had ngayong malalaki na kami ngunit wala akong matandaan.
Ganoon na ba talaga katagal na hindi kami nagsasama nang hindi nag-aaway sila mommy?
"Ba't kaya lagi silang nag-aaway ate?" Tanong sa akin ni Lilith. She was too young to understand.
"Diba dapat pag love mo, hindi mo sinasaktan?" Nagkatinginan kami ni Louise. "Dahil ba sakin?"
"No, Lili! Di dahil sayo yun!" Agad kong sabi. Bakit naman niya sisisihin ang sarili niya? Nakita kong naka-titig lang si Louise sa mukha ng kapatid niya. Nakita ko ring kumuyom ang kanyang kamao habang matalim ang tingin sa kung saan.
"Di dahil sayo yun oy! Baliw lang talaga mga magulang natin!" Louise broke into a smile
I know something's bothering him pero di ko na tinanong. Pinakalma nalang namin si Lilith upang tumahan na.
Maya-maya ay tahimik na ulit ang bahay. Narinig ko nalang ang pagbukas at sara ng pinta at ang mga magagaang yapak ni mommy.
"Tangina ang bata bata ko pa tatay na ako" narinig kong sabi ni Louise bago kargahin palabas ng kwarto si Lilith dahil nakatulog.
Bano talaga 'to ang hilig magmura.
"Ayaw mo nun? May training ka na sa pagiging tatay?" He glared at me. "Para sa future!"
"Tsk kung ako magiging tatay sisiguraduhin kong di ako katulad ni dad." Napalingon ako sa kanya.
"Naks naman best daddy ka na kaagad tol" kung sino yung dapat tinutularan namin siya pa yung ayaw namin maging katulad.
"Ikaw! Wag kang tutulad kay mommy ha! Pag may gumaganyan sayo? Pag may nanakit? Sipain mo tutal kabayo ka naman"
"Aba gago ka ha" tinawanan naman niya ako at kinumutan nalang si Lilith. Abnormal talaga 'to. Seryosong usapan tapos biglang manggaganyan.
Pagka-labas namin, saktong dumating si mommy. Halatang pagod siya at kagagaling lang sa pag-iyak. Mugto ang kanyang mata at may dala-dala siyang groceries.
Tinulungan namin siyang dalhin ang mga ito sa kusina. Wala sa aming nagsasalita at tahimik lang kami habang tinutulungan si mommy.
"Si Lili?", Mom asked at itinuro naman ni Louise ang kwarto. "Sorry mga anak ha?"
Napatingin kami sa kanya. Her eyes were still swollen. She was about to cry again.
![](https://img.wattpad.com/cover/241250084-288-k763959.jpg)
BINABASA MO ANG
Why the Stars Shine [ON-HOLD]
Fiksi RemajaWhere a girl believes that when the stars shine, they are welcoming someone to join them.