Chapter 3

2 1 0
                                    

"Rin Rin Gu Awiy, Kam Agin Anader diy, litel dugyot wanz tu pliy." baliw kong kanta dito mag-isa.

Kahit na pinagtitinginan na ako ng mga taong dumadaan dito, wala pa rin akong pakialam. Kanta lang ako ng kanta at bigla na lang ding tatawa-tawa kahit wala namang nakakatawa.

Ewan ko ba, kung bakit ako nagkakaganito. Dahil ba ito sa gutom ko na kagabi pang hindi kumakain? O sa mga kampon ni Satanas na boba na, gaga pa at iyong boyfriend niya na rin, na walangyang nagnakaw ng malaki at pinakamamahal kong maleta na iniregalo sa akin nung boyfriend ko noon na ex ko na ngayon.

Paulit-ulit lang ang pagkanta ko dito habang naglalakad na para bang woking deed alam niyo iyon? Yung JOMBI sa isang movy sa holywud? Ayy hindi niyo alam! Mga Bobo at Boba pala kayo no? Muntik ko ng makalimutan.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta at kung saan ako dadalhin ng mga dugyot kong mga paa.

Hanggang sa may nakasabay ako sa paglalakad na mag-ina.

"Mama." sambit nung batang lalaki sa ina.

"Oh, anak? Bakit?" sunod-sunod ding tanong ng kaniyang mama.

Pasukyap-sulyap sa gawi ko ang batang lalaki na nakakunot ang noo kaya naguguluhan din ako.

"Is she a beggar?" mura nung batang lalaki sa kaniyang ina. Aba'y nagmurahan pa talaga ang dalawa, samantalang ang ina parang wala lang. Hindi ba niya naiintindihan ang sinambit ng anak? Kasi ako, sobrang naiintindihan ko. Tumingin din ang kaniyang gagang ina sa gawi ko tsaka siya sinagot.

"Yes, sort of. I don't think so, anak." sagot na mura naman nung ina.

"Ahhh, did the beggars, studying?" mura na naman nung anak. Naku! Buti nalang makakapagpigil pa ako, kung hindi matagal ko ng sinakal iyang batang iyan para maturuan ng leksyon. Ito namang si gaga niyang ina, eh parang wala lang.

"I don't know, anak. It depends upon the situation. Kung nahihirapang pag-aaralin ng kaniyang mga magulang, kaya ayan, palaboy-laboy sa daan." mura din niya. Aba! Marunong naman palang magtagalog, pinapahirapan pa ako.

"She smells bad." nguso ng bata na may patakip-takip pa sa ilong niyang pango. ANAK NG!

"Yes, that's beggars are." sagot ni gaga.

Pagkatapos non, hindi ko na sila naabutan, dahil parang nagmamadali ang dalawa.

Pwede pala iyun? Yung magkamurahan kayong mag-ina? Eh ang Nanay din nung batang yun, parang wala lang. Gaga ba siya? Nakuu! Dalawa na sila nung magnanakaw na iyun!

Naglalakad na naman akong mag-isa dito sa sidewalk. Hayyy! Buhay! Ganito na ba talaga kasaklap?

Pinagtitinginan na naman! na naman! Nakuuuu! Naiirita na talaga ako sa mga hampas lupang mga taong ito. Baka sakaling hindi ko na mapigilan ang sarili ko at hinding-hindi magdadalawang-isip na kulikutin ang kanilang mga matang EXTRA LARGE. Naku lang! Naku lang talaga! Nanggigigil na talaga ako.

Kahit sa mga mata na EXTRA LARGE ng mga hampas lupang mga tao dito na ang dugyot ko na, wala akong pakialam sa kanila basta, peeling ko ang pres pres ko pa. Yun bang, bagong ligo lang? Nuh? Ang galing ng imahinasyon ko! HEHE! Wala din akong pakialam kung hindi ako nagsusuklay na parang ilang buwan na ang nakakalipas at sabayan pa ng isang masangsang na amoy ng bunganga ko na para bang may namatay na hindi binabalsamo.

Kung kompitisyon lamang ito, wala na, nanalo na ako bilang si Corazon, ang unang aswang. RAWR!

Sa kabila ng pag- wo-woking on da rod ko... ano nga yun? Ang boba ko talaga kahit kailan, kahit doon ako naninirahan sa States? Akala niyo magaling na akong magsalita ng Englis? Hindi uyy! Baka mura!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twinny inLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon