Chapter 2

0 1 0
                                    

Gabi na, at ngayo'y gutom na gutom na ako. Gusto ko ng umuwi, gusto ko ng kumain, pero paano? Gayong wala naman akong perang pamasahi, wala rin akong perang pangkain.

Gaya nga ng sinabi ko, bente pesos nalang ang laman ng wallet ko.

Letcheng buhay to oh, kung kailan kailangan tsaka pa wala dyan.

Ang saklap naman nito Lord, di ko na kaya.

May plano ako, kapag nagkataon na magkakita-kita kami nung mga kampon ni Satanas na boba na, gaga pa at yung boyfriend niya na walang hiyang nagnakaw ng malaki at pinakamamahal kong maleta, ikakaladkad ko talaga ang mga pagmumukha nila at itatapon sa kanal at babalik na sila sa wakas sa lupa. Nang magsaya na sila! KALOKA! Isasama pa talaga ako sa mga binibiktima nila.

Huy! Mga Hakdog kayo! Wag ako! Hindi ako madali mapabagsak! Malakas kaya to' ako pa? Si Gwenny Jane Ragosta na renigalohan ng tinatawag niyang malaki at pinakamamahal niyang maleta ng boyfriend niya noon na ex na niya ngayon, ay hinding-hindi magpapaisa sa mga kampon ni Satanas na boba na, gaga pa at yung boyfriend nung babae na rin.

Basta yung dalawa, naku! wala akong pakialam sa kanila no? Galit ako sa kanila. Aba'y! Sinong hindi magagalit at maiirita sa dalawang pinadala ni Satanas na yun? Eh niloko ako, kinausap pa ako nung boba na at gaga pa na pinsan ko daw siya? At ang pinakamasaklap ay ang tinawag akong Insan, eh hindi nga yun ang pangalan ko! Gwen nga uyy! Nagsisimula sa letter G, W, E, N. Gwen! Ano bang mahirap don na di maiintindihan ng boba na at gaga pa na yun?

Nakuuuu!!! Nanggigigil na talaga ako sa kanila. Gusto ko ng kunin ang mga bituka nila isa-isa at itapon na rin para mapagkamalan talaga silang mga halimaw na pinadala ni Satanas dito sa lupa!

Hayyy! Na-estrizz na tuloy ako, alam nyo yun? Yung hindi niyo na kinaya sa sobrang galit at gigil niyo? Ay hindi niyo maiintindihan. Ang Bobo at Boba niyo naman! Katulad din kayo ni Author, na boba----.

(Author: Oh, ano na naman ba ang ginawa ko at ang bilis mong manghusga? At isa pa, STRESS yun uyy! Hindi estrizz! Ikaw ang Boba. Aba! Tandaan mo ang gagawin ko sayo kapag hinuhusgahan mo na naman ako. Nanahimik nga ako dito eh)

Sorry na Ate Author, ito na naman di mabiro.. Syempre joke lang lahat yun, maganda ka kaya at matalino. HEHE!

(Author: Ayan! Mabuti nang magkaliwanagan.)

Oo nga. HEHE! So mga readers heto na ako.

Narito ako ngayon sa labas ng isang mamahaling restaurant dito sa Cebu. Nakaupo ako habang nakamasid sa mga pagkain na nasa lamesa na mismong inorder ng mga customer. Nagbabakasakaling mayroong taong hulog ng langit na maawa sa akin at bigyan ako ng kaunting pagkain.

Para akong tanga ditong naglalaway sa pagkain sa tuwing susubo na ang mga tao, kaya umiwas nalang ako ng tingin, tsaka pinunasan ang mga laway na kumawala sa bibig ko.

Tumayo ako at naglalakad-lakad.

"T**nang buhay to oh." bulong ko sa sarili.

Habang naglalakad ay biglang kumalam na naman ang sikmura ko. Binaba ko ang paningin sa aking tiyan na kanina pa tumutunog.

"Isa ka pa! T**na ka rin! Kita mo namang naghahanap nga ako ng pagkain dito tapos ang tigas tigas pa ng ulo mo dyan! Kahit wala ka namang ulo. Umayos ka ha?!" pagkausap at pangaral ko sa aking nagugutom na tiyan.

Wala akong nagawa kundi tumigil na sa paglalakad dahil may na-realize ako na kapag pinagpatuloy ko pa ang paglalakad ko, mas lalo lang akong magugutom.

Kaya ang ginawa ko ay naghanap-hanap nalang ako ng Bench sa paligid. At hindi naging mahirap sa akin ang paghahanap dahil nasa sidewalk lang naman malapit sa kinatatayuan ko, tsaka ako nagtungo.

Twinny inLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon