Chapter 1

0 2 0
                                    

Naalala ko na naman ang nangyayari kanina. Ugh! gagu ka talaga Mr.Nobody...

Kapag may pagkakataon akong makita kang hinayupak ka, malilintikan ka talaga sa akin.

Maghintay kalang dahil mararanasan mo ang bangis na si Gwen.

So ayun nga, gaya nga ng sinabi ko, pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa labas ng eroplano ay bumungad sa aking harapan ang dalawang tao.

Isang babaeng pangmodelo ang ganda at isang lalaking sobrang kisig pero mas kisig pa si Mr. Nobody syempre, mukhang sosyal kaya yun, hindi ko siya kino-compliment ha? Nagsasabi lang ako ng totoo. Kaya wag kayong mag-isip ng kung ano-ano.

Makisig ang lalaki na akala mo'y sasali na sa isang International Pageant, UROR!

Hmm, palagay ko magshota tong dalawa, aba! Eh kung ganun, sa harapan ko pa talaga mismo sila maghaharutan? Pwede naman sa ibang lugar 'no? Sa labas pa talaga ng eroplano? Eh kung batukan ko kaya tong dalawa at titigil na sa paglalandian. Hindi Naman siguro ako bitter 'no?

Siguro, isa lang naman babatukan ko sa kanila, yung lalaki syempre, alangan naman kung yung babae, eh babae ako eh! Ipaglaban ko ang karapatan bilang babae 'no!

Baka bigla nalang iiwanan tong babae na to katulad ko? Edi, naloka na! Dalawa na kami, sino pa? Kayong mga nagbabasa dyan? Meron?

Ayokong may matulad kasi sa naranasan ko noon, yung niloko ako nung mukong na iyun? Gabi-gabi ako umiiyak, letche siya!

Hay naku kaloka! Ba't ba nasa kanya umabot ang topic? Eh yung pinagtuonan ko lang naman ng pansin, itong dalawang mga mahaharot na to na sa harapan ko ang tinutukoy ko.

Hindi ko siya bini-BRING UP 'no! Ashumero lang siya. Kaya kayong mga nagbabasa dyan, huwag kayong mga chismoso at chismosa! Di, biro lang! Mahal ko kayo eh, hehe...magpakabait kayo ha? Hintayin niyo palagi ang mga updates ni Ate Author....na di naman maganda....sorry Ate Author, napag-utosan lang. hehe.

(Author: Aba! Huwag mo kong ilaglag at isali sa mga kagagahan mo ha! Baka nakalimutan mo, sangay tayo, magkakapangalan. Kaya umayos ka, kung  di mo gustong e-remove kita bigla dito sa Twinny Inlove at ilipat kita sa Indenial Woman. Sigurado akong don ka magtino.)

Syempre naman joke lang Ate Author! Ito naman di mabiro. Napaka-sensitive naman, sorry Ate Author di na mauulit.

(Author: Siguraduhin mo lang.)

Hihi. So ayun nga, lumapit sa akin ang dalawa habang magkahawak ang...kamay? Eww Yuck! Kaloka naman tong dalawa, seryuso? Hindi nalang nahiya.

Hawak-hawak ko ang malaki at pinakamamahal kong maleta sa likuran. Ni ready ko na yung kamay ko para batukan sana yung lalaki nang bigla nalang akong yakapin ng babae at nagpatuloy ang lalaki sa aking likuran.

"INSAN!" tili ng babae na akala mo'y parang biik na kinakatay. Tinawag akong Insan? Eh hindi naman Insan pangalan ko. Gwen uyy! Saksak mo sa baga mo! Wag kang boba!

"INSAN!" ulit niya, pero di ako sumagot dahil sa gulat at naguguluhan. Sinong hindi magugulat at maguguluhan? Eh una pa lang, hindi ko naman talaga kilala tong gaga nato? At isa pa, tinawag pa niya akong Insan, eh hindi nga yun ang pangalan ko!

Napakalaking-Tssk! Boba na, Gaga pa! Anong kasunod?

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa kumaway siya sa harapan ng mukha ko, at don ko napagtanto na ang kapal ng fes ko dahil don.

"Huy?! Insan? Kumusta ka na? Buti na lang nakauwi ka na dito sa Pinas." aniya.

Ngiti lang ang naging tangi kong sagot. Na-speechless ako kunwari, kunwari lang, pero sa totoo hindi.

Hinalungkat ko talaga ang lahat ng laman ng utak ko kung may pinsan ba talaga akong boba na, gaga pa. Pero wala akong mahanap. Baka kampon siya ni Satanas na kahit kailan nito gusto siya ipadala sa lupa.

"Sigurado ka bang pinsan kita? Baka FC ka lang talaga at sadyang makapal lang talaga ang fes mo?" sa wakas, nakapagsalita na rin ako, hindi dahil matagal na akong pipi, kundi natahimik lang talaga ako at ngayo'y nagpapasalamat na sa mga salitang lumabas sa bibig ko.

"Oo Insan, sige ha, maiwan na muna kita, susundan ko na Boyfriend ko sige bye." aniya na parang nagmamadali.

"Bakit? Saan ba pumunta Boyfriend mo? Eh kanina nandito lang yun ah, ang bilis nawala, parang kidlat lang ang peg? Ganun?" tanong ko sa kanya, pero parang hindi siya mapakali. Ayy ayun, iniwan na! Galing ng Boyfriend mo te! Bilis manlinlang!

"Basta dyan ka lang." aniya.

Naguguluhan man ay hinayaan ko nalang siyang umalis patungo sa pupuntahan niya.

May na-realize ako na masyado lang akong judgmental. Aba! Mabait din naman pala tong si gaga kahit papaano, sinalubong pa talaga ako dito sa labas ng eroplano. Hay! Ang bait!

'Teka may nakalimutan ako'. Nilingon ko ang gawi niya pero wala na siya doon.

Sinubukan kong ipinalibot ang aking paningin hanggang sa di ko na nakayanan dahil sa labis na pagkahilo, tumigil nalang ako.

At doon ko napagtanto na nawawala na pala ang malaki at pinakamamahal kong maleta sa likuran.

"Sabi ko na nga ba, mga kampon ni Satanas." bulong ko sa sarili.

Tinignan ko ulit ang gawi nila tsaka sumigaw. "Huy?! Bumalik kayo rito mga kampon ni Satanas! Kundi ibabalik ko kayo sa impyerno sa ayaw at sa gusto niyo." pananakot ko pa, pero wala talaga akong maaninag ni katiting nung dalawa na iyun.

Pinagtitinginan tuloy ako ng mga taong dumadaan, pero wala akong pakialam. Gusto ko lang naman na mabalik yung malaki at pinakamamahal kong maleta, kasi... kasi... kasi ano, uhmmm...regalo iyun ng ex ko.

Speaking of which, hindi ko siya bini-BRING UP, pinapaalala ko lang. At isa pa, nandon lahat ng mga pasalubong ko sa nakababata kong kapatid. Naku! Panigurado, iiyak yun kapag wala akong bitbit ni isa.

Pinuntahan ko ang gawi ng dalawa at sinubukang hagilapin ng mga mata ang mga kampon ni Satanas, pero hindi ko na talaga sila nahanap. Nagsimula ng magtubig ang aking mga mata, hindi dahil napuwing ako, kundi dahil ninakaw nila ang malaki at pinakamamahal kong maleta.

Lumabas nalang ako ng Airport, nagbabakasakaling mahahanap ko sila, pero wala na talaga. Napaupo nalang ako sa gilid ng daan.

"Kung ganun, tatanggapin ko nalang talaga na iniwan na nila ako, huhuhu." nagsimula na akong humikbi dahil sa labis na pag-aalala.

Nagugutom tuloy ako sa kabila ng pag-mo-moment ko. Teka!

Kinalikut ko ang laman ng bulsa ko at doon ko nakompirma na hindi pala ako nag-iisa. Sa wakas ay nasa akin ang wallet ko. Napa-sigh nalang ako. At napatili sa saya. Tumayo ako.

"Kyahhhh!!!" tili ko.

Pinagtitinginan tuloy ako ng mga driver ng sasakyan at sa mga dumadaan.

"Bleee! Who you kayo ngayun! HAHA! Naisahan ko kayo!" sigaw ko sabay itinaas ang wallet ko.

Dahil sa labis na excitement ay binuksan ko ang laman ng wallet ko...at doon ako parang pinagbagsakan ng langit at lupa sa nakita.

"Huh?... Bente pesos?" walang ganang bulong ko sabay kuha sa benteng papel.

Nagsimula na naman akong umiyak....



~ipagpatuloy...

***

~B.L

Twinny inLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon