"SOLA!!!!" NAPAILING na lang ako habang pinakikinggan ang pagmamaktol na aking kaibigan.Kasalukuyang nakaobob ito habang yakap ko.
"Binigay ko naman lahat pero bakit ganun pa din?" Tanong nya sakin habang pinipigilang tumulo ang mga luha nya. Pinaglalaruan ko ng ear piercing nya.
"How many times do I have to tell you to be careful in choosing your partner Caleb?" Sermon ko sa kanya. Yes dude, he's a gay.
"Pano kasi ang gwapo malay ko bang tarantado?" At nag pout na nga ang loko.
"Hirap kasi sayo basta gwapo bigay agad. Hindi ka na natuto." Umiiling na paalala ko. Lagi na lang kasi.
"Tara na nga lang mag mall." Aya nito sabay hawak sa kanang kamay ko at iginaya ako sa kanyang sasakyan.
Napatingin ako sa kamay naming dalawa. How I wish you'll see me.
"Samahan mo ko mag dadate tayo pasayahin mo ako." Ngumisi ito at pinaandar na ang kanyang sasakyan.
Habang nasa byahe hindi ko maiwasang pagmasdan ang kanyang mukha.
Napakaamo nito.
Ang kanyang abong mata na binabagayan ng malalantik na pilik at makapal na kilay. Mapupulang labi at may pagkamorenong kulay ng balat. Magugulong buhok na para bang hindi nagsusuklay ngunit bagay pa din sa kanya.
He's wearing a white long sleeve. Naka tupi ang manggas nito hanggang sa kanyang siko. Bukas ang unang dalawang butones nito na binagayan ng isang plain long gold chain necklace.
Kamay na mauugat na akala mo'y gumagawa ng gawaing bahay. Brasong halatang alaga sa gym at ang nagtatagong abs sa manipis niyang damit.
"Hoy! Bruha kinakausap kita tuliro ka nanaman" Natauhan ako nung narinig ko ang boses nyang malalim ngunit malumanay.
Pano ba di magnasa sa baklang to?
"Sabi ko san tayo kakain? Jollibee ba o McDo?" Sumulyap ito sakin kaya nagiwas ako ng tingin bago sumagot.
"Jollibee." Tumango ito.
Naka denim jeans ito na fitted sa kanya with matching white sneakers.
Trust me. Kung makita mo to hindi mo aakalaing bading basta wag umimik.
"Kuya pwede po bang pa picture?" May lumapit saming babae habang kami ay naglalakad papuntang Jollibee.
Napailing naman ako.
Ngumiti ito at nag pose sa tabi nung babae. Sanay na ako sa gwapo ba naman nito. Actually sikat yan sa school kaya nga lang alam din nilang bakla sya pero no effect, bet pa din nila ang loko! Sino ba namang hindi? kahit naman ako.
"Hanap ka na ng upuan natin Sola ako na ang oorder. Yung dati ba?" Tanong nito saakin. Tumango naman ako at naghanap na ng upuan.
Oh, right! He's also a gentleman. Sanay na ako sa kanyang mga ganyang kilos. Kaya nga di ba.
Napabuntong hininga ako. Bakit ba kasi lalaki din gusto nun?
"Miss may nakaupo ba?" Napatunghay ako sa lalaking nagtatanong. Nginitian ako nito.
"Meron dude ako." Bigla namang sumulpot si Caleb sa likod ng lalaki.
Nilapag nito ang order namin at tiningnan yung lalaki.
"Pasensya na meron pa dun sa may kanan na upuan." Sabi ko na lang.
"Salamat" Tumango ito at ngumiti sakin bago umalis.
Naramdaman ko naman ang tingin ni Caleb sakin. "What?"
"Nothing. Eat."
Napakunot ang noo ko pero pinagpatuloy ko na ang pagkain.
"SOLA DALI late na tayo!" Rinig kong hiyaw ni Caleb mula sa baba.
Nagmamadali naman akong nagayos ng gamit ko at lumabas ng kwarto. Inilock ko ang pinto at lumabas na.
"Bakit kasi di ka pa lumipat ng apartment? Yung sa mas safe at mas malapit."
Nakakunot-noo ito habang nagsstart ng sasakyan.
"O di kaya e sa condo ko na lang ikaw para naman alam kong maayos ka."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito.
"At bakit naman dun? Okay lang naman ako dyan sa apartment saka matagal naman na ako dyan." Paliwanag ko.
"Tsk"
Kunot-noong binalingan ko ito. Anong problema at agang aga e may sapi na agad ito.
"May problema ba Caleb?"
Umiling lang ito.
This past few days parang naging weird ito. Ewan ko ba parang iba.
"Hanggang 7pm klase mo diba?" Tumango ako sa tanong nito.
"Intayin kita sa parking lot mamaya."
"Wag na baka may lakad ka. Baka matagalan ako ng labas gawa ng may laboratory kami mamaya."
Tiningnan ako nito.
"No, I can wait." Sabi nito saka binuksan ang pinto para makalabas na kami.
Habang naglalakad ay tuliro ako sa kakaisip. May kakaiba talaga.
"Shit! Sola tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" Naramdaman ko ang paghila nya sakin at dun ko lang narealize na bubunggo na pala ako sa isang haligi.
Pag di ba naman lutang.
"Lutang lang girl?" May inis nitong sabi.
"Sorry na agad."
Umiling lang ito at inalalayan ako sa paglakad di nya tinanggal ang kamay nya sa may bewang ko.
Agad na akong namula. Seryoso?
"Uh..yung kamay mo Caleb."
Tiningnan ako nito. "Let it be baka mamaya matuluyan ka ng mabunggo."
Shit! matutuluyan talaga ako.
Matutuluyang mainlove sayo. Geezz
"Hi, Caleb."
Yeah right, even though bading ang isang to kinahuhumalingan pa din ng mga babae lalo na sa department namin.
Kaya wala din akong kaibigan kasi akala nila kaming dalawa. Ayaw nilang maniwalang bading ang loko.
Di pa man nakakalayo si Caleb ay may bumunggo na sa akin.
Napapikit ako sa pagaakalang mag lalanding ako sa sahig ngunit may mga brasong sumalo sakin.
"Shit!" rinig kong mura nito.
Dahan dahan ako nitong itinayo at nanlilisik ang matang bumaling sa bumangga sakin.
"Are you blind or what!?"
Natauhan naman ako sa aking pagkakatulala at pinigilan ito.
"Tama na Caleb. I'm okay."
"Okay!? Kung di kita nasalo di nahulog ka na sa hagdan!" Napakagat ako sa labi ko.
Tama naman sya kung din nya ako nasalo hindi lang sa sahig ako babagsak baka nagpagulong gulong pa ko sa hagdan.
"A-ano sorry di ko sinasadya yun Caleb?" Sabi nung babaeng nakabunggo sakin.
"Bakit sakin ka nag sosorry? Ako ba ang nabunggo mo?" Sabi nito sa madiing tono.
"Okay na Caleb tara na. Hayaan mo na." Hinila ko ito.
"Per--"
"Shhh"
Natahimik na ito at sinamahan na lang ako sa room ko.
"Intayin kita mamaya sa parking lot."
Hindi na ako nito binigyan ng pagkakataon na sumagot. Umalis na ito.
Napailing naman ako. Minsan talaga ang hirap tantsahin ang ugali nun.
I'M NOT like this before. What happened? Should I be alarmed?
BINABASA MO ANG
MINDORO SERIES #1: I'm Inlove with My Gay Friend
General FictionSolem Lareign Andaya fall inlove with her gay friend Caleb Perseus Cleamer. Ano ang kanyang gagawin? Ipagpapatuloy ba nya ang pagkagusto nya kay Caleb sa kabila ng pagiging hindi straight nito? o pipigilan nya alang-alang sa pagkakaibigan nila at p...