Kabanata 2

331 44 11
                                    

Surprise

"TRIXIE KANINO galing to?" Tanong ko sa kaklase ko pagkatapos ko magkita ng tatlong malaking Dairy Milk sa ibaba ng aking upuan pagkatapos ko mag CR.

"Hindi ko alam e. Di ko napansin kung sinong naglagay." Sabi nito at bumalik na pagcecellphone.

Napakunot-noo naman ako.

Kanino naman kaya ito galing baka di to akin ah.

"Guys! Kaninong Dairy Milk to?" Napunta ang atensyon ng mga kaklase ko saakin.

"Sayo Sola nasa table mo e. Ayaw mo ba? Amin na." Sabi ng lokong kaklase ko sabay tawa kasabay ng kanyang mga kabarkada.

Sinamaan ko naman ito ng tingin. Pagkatapos nun ay tumahimik na.

"Kay Caleb ata yan galing Sola. Galing kasi sya dito kanina." Marahan na sabi ni Vanessa.

"Ah sige salamat."

Para saan naman ito? Peace offering?

Hindi naman ako galit sa kanya e. Gusto ko lang talaga ng space para makapagisip ng ayos.

Inilagay ko ang mga ito sa aking bag.

Wala kaming klase. Walang professor. Kaya bago mag 7:00pm ay nagsisimula ng magalisan ang mga kaklase ko pagkatapos dumating nung attendance na kinuha ng President namin sa Dean's Office.

Pagkapirma ko sa attendance ay nag ayos na din ako ng aking gamit.

Pagkalabas ko ng classroom ay agad na tumapat ang aking mata sa may bench ng corridor.

Ano ba Sola!? Di ba sinabihan mo nga na wag munang magpakita sayo bakit umaasa kang nagaabang dyan?

Napabuntong-hininga ako at nagderetso na sa paglabas.

Makalipas ang ilang araw, paulit ulit lang ang aking ginagawa. Bahay, school at library minsan sa canteen.

Sa ilang araw din na lumipas ko napagtanto na wala na talagang remedyo ang aking nararamdaman kay Caleb. Ang baklang yun kasi masyadong pafall kumilos.

Napatunayan ko din na di na pala 'gusto lang' ang nararamdaman ko sa kanya.

Nung isang araw kasi nakita ko syang may kasamang lalaki. As usual gwapo matangkad ganun basta yung mga tipo nya.

"Diba Sola si Caleb yun?" Turo ni Vanessa malapit sa may fountain.

Nakita kong nakaupo sa damuhan ang barkada ni Caleb at may katabi itong isang lalaki.

"Si Armani yung katabi nya ah yung vocalist ng band ng school natin?" Sabi ni Vanessa habang nakamasid sa kanila.

Nakita kong tumatawa si Caleb tapos bigla nyang hinampas si Armani sa braso. Hampas ba yun o haplos!?

Ang talanding bakla! Kahit kailan talaga!

Inaya ko na ni Vanessa na pumuntang room. Kung nagtataka kayo kung bakit ko sya kasama, naging magkaibigan kami simula nung di na ako nalapit kay Caleb.

Pagkatapos ng araw na yun palagi ko ng napapansin na laging magkasama si Caleb at si Armani.

At simula din nung unang araw na nakita ko sila, palagi na akong masama ang timpla pag nakikita ko silang magkasama.

Dun ko na realize na di na nga lang gusto ito. Mahal ko na talaga sya. Ang bakla kong kaibigan jusme! Sa lahat ng mamahalin isa pang bakla.

Umabot ng isang buwan ang hindi namin pagpapansinan kahit minsan ay tinitingnan ko sya mula sa malayo tapos naalis na ako. Di ko alam kung napapansin nya ako pero tumatago ako minsan.

MINDORO SERIES #1: I'm Inlove with My Gay FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon