Picture
'DAHIL GUSTO naman na talaga kita....."
Paulit ulit yang nga katagang yan sa utak ko. Shete! Hindi pa din talaga ako makapaniwala na sinabi yan ni Caleb.
Gusto nya ako! As in G-U-S-T-O!
Kinurot ko uli ang aking braso para malanan kung panaginip ba yun or what."Hoy! Kanina ka pang tulala dyan kumain ka na."
Napatingin ako sa nagsalita at walang iba kundi ang gumugulo sa isip ko. Naandito pa din sila kumakain ng mga pagkaing sila din ang nagdala.
"M-mamaya na." At tumulala uli ako sa letrang H-B-D sa ding-ding. Iniisip kung totoo ba talaga yung nangyari kanina.
Mayamaya lang e may naglahad ng platong may laman ng pagkain sa aking harapan.
"Kumain ka na anong oras na." At inabot nya to sakin. Tiningnan ko sya at ang plato nyang hawak.
"Subuan pa ba kita?" Sabi nito habang nakakunot ang noo.
"A-ah akin na." Kinuha ko na yung platong may lamang pagkain at nagsimula ng kumain.
Makalipas lang ang ilang oras ay utay-utay ng nagpaalam ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Caleb.
"Sola, bukas na lang ah? Nandyan na sundo ko e. Happy birthday uli." Pagpapaalam ni Vanessa. Niyakap nito ako at kinindatat bago umalis.
Dun ko lang na realize na kami na lang palang dala ni Caleb ang natira.
"Um.. ako na ang magliligpit. Pwede ka na ding umuwi Caleb." Sabi ko ng di tumitingin sa kanyang kinauupuan.
Tumayo ito at pumunta sa tapat ko.
"Don't you dare avoid me Sola. Kilala na kita." Sabi nito na ikinayuko ko.
Habang nakayuko upang maiwasan ang mga mata ni Caleb at pinaglaruan ko ang aking mga kuko habang nagiintay sa sasabihin nya.
Narinig ko itong bumuntong hininga.
"Sola.." Tawag nito saakin.
"Bakit?" Tanong ko ng di pa din inaangat ang tingin.
He held my chin for me to met his gaze.
"Seryoso ako, gusto kita kaya please don't be like this. Ayaw kong pag sisihan na umamin ako." May pagsusumamong sabi nito.
Dahil sa kawalan ng masasabi ay tumango lang ako.
"Kainis! Magsalita ka nga. Napipi ka na ba?"
"Ano bang dapat sabihin e di ka naman nagtanong?" Sabi ko na natatawa na.
"Sige magtatanong ako sagutin mo ah?" Ngumisi ito na para pang may binabalak na kung ano.
"Sige."
"Pwede ba akong manligaw?"
Pakiramdam ko ay tumigil ang oras. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang pagiinit ng aking pisngi. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya.
And there, the almighty Caleb is already laughing!
Gagi!
"Langya, sarap picturan ng mukha mo!" At tumawa uli ang loko.
Pinaghahampas ko naman ito sa sobrang inis.
"Hey..... hey... stop... hahaha." Sabi nito habang hinuhuli ang aking dalawang kamay.
"Nakakainis ka!" Asar na sabi ko at sinamaan ito ng tingin
Tumigil naman na ito at sumeryoso na ang mukha.
BINABASA MO ANG
MINDORO SERIES #1: I'm Inlove with My Gay Friend
Ficción GeneralSolem Lareign Andaya fall inlove with her gay friend Caleb Perseus Cleamer. Ano ang kanyang gagawin? Ipagpapatuloy ba nya ang pagkagusto nya kay Caleb sa kabila ng pagiging hindi straight nito? o pipigilan nya alang-alang sa pagkakaibigan nila at p...