Kabanata 5

331 41 10
                                    

Falls

"NANANG DITO po muna ang sasakyan nung kaklase ko sa inyo. Pakiingatan na lang po. Salamat po." Bilin ni Sola sa caretaker ng resort.

Nagbabalak silang pumunta sa isang falls na malapit sa resort. Nagdecide silang mag outing kahit isang araw lang para naman sulit ang pagpunta nila Caleb sa Mindoro.

"Magbabangka tayo para mas mabilis pag kasi naglakad tayo matatagalan tayo." Paliwanag ni Sola sa mga kasamahan.

Pagkatapos ng sagutan nila Caleb at Sola ay di sila nagpapansinan.

Hindi alam ni Sola kung papano sya mag sosorry kay Caleb dahil alam nyang may naging mali sya sa kanilang pagtatalo. Napasobra sya.

Si Caleb naman ay binibigyan ng oras si Sola upang makapagisip dahil pakiramdam nya ay hindi pa din ito handang makinig sa kanya.

Samantalang ang mga kasamahan naman nila ay pinawalang bahala lang ang dalawa dahil busy sa kani-kanilang kasama.

"Wag kayong magalala maganda dun." Masayang sabi ni Bernice ang babaeng nasa tabi ni Xavier. Dito din ito nakatira sa Mindoro at ito din ang dahilan kaya walang pagaalinlangang sumama si Xavier.

"Oh, dahan dahan sa pagsampa." Sabi ni Armani habang inaalalayan si Juvida na sumakay sa bangka.

"Langya kung alam ko lang na may mga kasama kayong jowa di sana nagsama din ako!" Maktol ni Vanessa habang magisang nasampa sa bangka.

"Una ka na." Tipid na sabi ni Sola kay Caleb.

Tiningnan naman ito ni Caleb na para bang tinatanong kung seryoso ba ito.

"No, you go first." Sabi nito at inalalayan si Sola habang umaakyat sa tungtungan ng biglang humpas ang isang medyo mataas na alon.

"Careful." Napaayos naman si Sola nung naalalayan agad ni Caleb ang kanyang bewang upang hindi sya mahulog.

Pagkasakay nilang lahat ay agad ng nagsagwan ang driver palayo sa pangpang bago pinaandar ang motor ng bangka.

D R I V E R
Xavier — Bernice
Armani — Juvida
Vanessa
Sola — Caleb

Medyo may kalakihan ang bangkang kanilang sinasakyan kaya maluwag pa ito. Habang nasa byahe kapansin pansin ang ganda ng lugar. Ang linaw ng tubig dagat at ang malalagong puno sa bundok ay matatanaw din.

Makikita din ang ilang mga tao na nasa dalampasigan na nagkakatuwaan.

"Sola anong ginagawa nila?" Tanong ni Vanessa noong nadaanan nila ang isang lugar na may mga naghuhukay sa dampasigan at may buhat buhat na timba na may lamang pinaghalong buhangin at bato.

Malapit dito ay may nagaabang na nag sasala ng bato sa buhangin.

"Ah pinagkakabuhayan nila yan kung di ako nakakamali pebbles yung kanilang kinukuha. Yung mga bato na nilalagay sa mga aquarium ba. Pinagbebenta nila yan." Tugon ni Sola sa tanong ni Vanessa.

Dun lang naputol ang tingin ni Caleb kay Sola upang tanawin ang sinasabi nito. Kanina pa itong nakatingin kay Sola.

"Hindi ba parang delikado yan?" Tanong ni Armani.

"Oo kakahukay kasi nila nalapit ang dagat sa bahayan nila."

Agad naman nilang napansin na kakaunti na nga lang ang agwat ng mga bahay mula sa dagat.

"Wala tayong magagawa yan lang pangkabuhayan nila."

Ilang minuto pa ay nakarating na sila. Pagkababa nila sa bangka ay umakyat sila at bumungad sa kanila ang maliit na dampa na tigilan ng nagbabantay sa lugar na ito.

"Manong pito po kami." Sabi ni Sola

"140 ineng."

"Ako na." Pigil ni Caleb kay Sola nung iaabot na nito ang bayad. Hinayaan na lang naman ito ni Sola.

Bago sumapit sa falls ay maglalakad sila ng dalawang minuto.

Nahuling pumasok ang dalawa dahil sila nga ang nag ayos ng entrance fee nila.

Nauuna si Sola kay Caleb. Nakatingin lang ito sa paggalaw nila. Napabuntong hininga ito nung naisip na hindi pa nga pala sila okay.

Nararamdaman naman ni Sola ang mga titig ni Caleb. Kaya hindi nya napansin ang nakausling bato sa kanyang daraanan. Napapikit sya sa pag aakalang sya ay madadapa ngunit naramdaman nyang may brasong yumakap sa kanyang bewang upang hindi sya tuluyang magdagasa.

"Sola! Magingat ka nga!" Tumaas ng konti ang boses ni Caleb dahil sa kaba at pag aalala dahil medyo mataas ang babagsakan nito kung nag deretso ito.

"Sorry.."

Napabuntong hininga si Caleb at tiningnan kung nasugat ba ito sa paa ngunit wala naman. Hinawakan nito ang kamay ni Sola.

"Ako uuna sunod ka lang." Sabi nito at nauna na habang inaalalayan si Sola mula sa kakahawak sa kamay nito.

Pagkarating nila ay nakita nila ang tinatawag na Agbalala Falls.

May kataasan ang Falls na ito at malakas din ang tubig na bumabagsak mula sa taas. Habang ang baba naman na niti ay may kulay luntiang tubig. Malawak ito at nagsisilbing liguan. Malalim ang pinaka gitna nito. Ang mga bata ay maaari lang sa tabi.

"CALEB!" Hiyaw ni Armani na ngayon ay parang tuko na nakatayo sa pader malapit sa mismong bagsakan ng tubig ng talon.

Nagtawanan naman ang mga kasamahan nilang naglalangoy sa gitna.

"Sige na ligo ka na dito lang ako." Sabi ni Sola habang tinatanggal ang pagkakakapit ng kamay ni Caleb sa kamay nya.

Tiningnan ito ni Caleb. "No, we will talk."

"Caleb.."

"Baby please hear me out.." Pagsusumamo ni Caleb. Hinila nya si Sola sa may gilid kung saan may isang flat na bato na maaaring upuan.

"Wala lang talaga yun nakita mo. Pinagbigyan ko lang sila kasi di sila titigil. Pagkatapos nun itinulak ko si Vaughn at umalis na din doon. Nagsisisi ako na nagpunta pa ako di sana hindi tayo nagkaganito."

Tiningnan ni Caleb sa mga mata si Sola. "Nagsisimula pa lang ako Sola kaya sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon na patunay ang sarili ko na seryoso ako sayo."

"Ang hirap lang kasi nasanay akong ako lang ang nagmamahal na higit pa sa pagiging kaibigan tas bigla biglang ganito na tayo. Gusto mo na din ako. Hindi mo naman masisisi kung magduda ako." Yumuko si Sola pagkasabi nito.

Hinawakan ni Caleb ang baba nito upang iangat ang kanyang nakayukong mukha.

"Hey, I know. I understand you. Alam ko kung san ang pinanggagalingan ng mga sinasabi mo pero baby give me a chance. I know certified selfproclaimed gay ako pero hindi ko din maintindihan kung paano nangyari na nagising na lang ako na gusto na din pala kita." Saglit na tumigil si Caleb upang ilagay sa tenga ang mga takas na buhok ni Sola.

"Pag iniisip ko na magkagusto sa ibang babae pakiramdam ko masusuka ako kaya hindi ko din alam kung bakit kapag sayo okay lang. Okay lang na magkagusto ako. Hindi ako nakakaramdam ng pagka disgusto. I feel wonderful na para bang ang saya na ewan lalo na nung nalaman ko na gusto mo din ako. Oo alam ko nagulat ako nung mga panahon na yun. Halo halong nataramdaman.

Kaya please Sola..

Baby let me court you."

A/N: Nasa media po yung mismong itchura nung Agbalala Falls

MINDORO SERIES #1: I'm Inlove with My Gay FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon