chapter 4

317 213 2
                                    

Unang araw niya sa Paris nagsuot siya ng silk dress fitted dress na spaghetti strap at white shoes. Tanging shoulder bag lang ang dala niya kasi balak niya maglibot sa Paris, nauna niyang pinuntahan ang Louvre Museum. Dahil sa mag-isa lang siya medyo nahihirapan siyang kumuha ng mga litrato niya at habang pilit niyang sinasama ang mukha niya sa litrato ay may biglang humablot ng telepono niya.

"Shit!"

Pagharap ng lalaki si Kiel ito na naka kulay itim na long-sleeves at slacks. "Picture tayo Mon Amour." Anito at tinapat ang telepono niya sa kanilang dalawa at mas lalong lumapit si Leigh sa kaniya at agad naman na pinindot nito ang capture button. Natuwa naman sila pareho sa kinalabasan ng litrato parehas silang nakangiti. "Thank you so much Leigh ha." Saad ni Kiel sa kaniya at humarap ito sa gawi niya. Hinawakan nito ang mga kamay niya at hinalikan ang kamay niya. Di niya mapigilan na mapangiti dahil kahit na aminin niya nasaktan siya sa sinabi nito hinahanap-hanap pa din niya ang binata.

"Pag Binitawan mo pa ulit yan Mr. Daux wala na talaga." Turan ni Leigh. "Opo Honey" Sagot ng binata at hinawakan na ng mahigpit ang kamay niya. "I'll bring you somewhere Honey." Di na niya magawang maglibot dahil bigla nalang siya hinila ni Kiel papunta sa labasan at tumawid sila. Nakita ang isang Gray and Black Lamborghini pinagbuksan siya ni Kiel ng pinto at sumakay naman ang dalaga. Umikot si Kiel sa driver's side at biglang pinaharurot ang sasakyan kung saan. Di niya alam saan sila pumunta dahil mukhang malayo na sila sa sentro ng Paris.

Tumigil sila sa isang magarang bahay mala mansion ito sa laki at ganda nito. Sa tingin niya ay kasing laki na ito ng Museo hindi lang ito isang bahay kundi parang isa itong kalye na kung saan lahat ng magarang bahay nakatayo. Bumaba si Kiel para pagbuksan siya ng pinto. "Welcome to my Manoir." Anito sabay iginaya ang kamay nito sa mala-museo na bahay na may katapat na swimming pool. Bumaba siya sa sasakyan at pumasok sila sa loob, sa tingin niya ay kung dito siya nakatira ay baka maligaw siya sa sobrang laki at lawak nito kaya di rin siya humihiwalay kay Kiel.

"Bienvenue au manoir madame." Turan ng isang bantay sa bahay na nakasuot ng matingkad na pulang uniporme. Nginitian lang ito ng dalaga at pumunta sila sa silid ni Kiel na napakalaki. Nauna si Kiel sa teresa at sumunod naman si Leigh.

Nagulat si Kiel ng biglang pagkurot ni Leigh sa pang upo niya. "Tambok naman." Saad nito at tumabi sa kaniya at pinatong ang mga braso nito sa railings ng teresa. Napatingin siya kay Leigh at sa mga trabahador sa ibaba ng teresa nakatingin ito sa kanila kaya pinandilatan niya ang mga ito at agad naman umiwas ng tingin sa kanila. "Manyak ah" Aniya sa dalaga pero wala itong imik.

"Pag ikaw okay lang kumurot tas pag ako susungitan mo ko? Di balanse yon bossing." Saad ni Leigh at tumalikod sa binata pumunta naman si Kiel sa harapan niya at kinuha ang mga kamay niya at niyakap ito sa katawan ng binata. "Honey pwede tayo mag sex dun sa pool gusto mo?" Tanong ni Kiel na may pilyong ngiti sa mga labi nito.

"It's suppose to be a sweet moment, tapos sex nasa utak mo" Saad ni Leigh sabay inirapan ang binata. "Kunyari ka pa di wild, pero nakipag sex ka sa boss mo." pang aasar ni Kiel sa kaniya.

"Sino nagsabi you want to forget?ha? Sino nagdala sa akin sa hotel? Sino una nanghalik h-" Di na natapos ni Leigh ang sinasabi niya ng bigla siya siilin ni Kiel ng halik at tumigil ito matapos ang ilang minuto. "Daming satsat eh di na lang ako mahalin eh." Saad ni Kiel at hinubad ang coat niya at pinatong sa braso ni Leigh dahil malakas ang hangin sa teresa ng silid niya.

"Umm Honey bakit ka pala nagalit? Bukod doon sa isa?" Kabadong tanong ni Kiel. Huminga ng malalim si Leigh bago magsalita tiningnan niya ang binata sa mga mata nito. "Ayaw mo pa ba magpakasal?" Tanong ni Leigh ng deretsahan.

Nagulat si Kiel sa sinabi ng dalaga pero nilakasan niya ang loob niya para masagot ang tanong nito. "Dati ayoko pa magpatali pero ngayon sa tingin wala ng rason para di gawin yon." Saad ni Kiel habang nakatingin sa tanawin sa harap nilang dalawa. Napangiti naman si Leigh sa sagot ng binata. Gusto naman pala eh.

LANGUAGE OF LOVE:Je t'aimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon