"Oy, okay ka lang"
Tanong ni Lairene sakin at sabay lapit. Nakaupo kasi ako sa sahig nitong training room. Di pa kami tapos sa heavy training namin
"Ha? Oo okay lang ako"
"Uminom ka ng tubig para ka ng hihimatayin ehhh" abot nya sakin ng tubig nya. May tubig naman ako ang kaso nasa bag ko, wala na akong enerhiya na tumayo at pumunta sa bag ko
"Grabe mamamatay na ata ako" sumandal ako sa sa pader at pumikit
Ilang days pa kaming ganito, kailangan kasi ikondisyon ang katawan namin for our official debut. At sobrang nakakapagod minsan maiisip mo na lang na sumuko sa sobrang hirap
"Okay girls position na" sigaw ni Ms. Barbie. Wahhh Maawa at mahabag, bilang ko na lang hininga ko
Pero wala akong magawa at tumayo nalang, wala eh ginusto rin naman namin ito, "Oy putla ka na mag pahinga ka lang kaya muna ipagpapaalam kita" nag-aalalang suggestion ni Lairene sakin
Umiling lang ako at pumunta na sa position ko. Ayaw kong magpaka special pare parehas naman kami nahihirapan, double nga lang sakin kasi may buwanang dalaw ako kaya sobra yung pagod ko
"Okay, 1...2...3" sumusunod na lang yung katawan ko sa kanta at sa bilang ni Ms. Barbie pero yung isip ko nasa higaan na, "Sef, watch your step mali ang paa mo" sita sakin ni Ms. Barbie, kanina pa ako actually sinisita hindi ko kasi maibuka ng ayos ang hita ko kasi pati legs ko masakit na gawa ng menstruation
"Sef part mo na be ready" panguna sakin ni Ms. Barbie, itong part kasi na ito ako lagi nagkakamali kaya pa ulit-ulit kami. At dahil last practice na ito pinilit ko na hindi na magkamali, gusto ko na rin umuwi and nakakahiya na sa mga kasamahan ko
Nagawa ko naman ng ayos ay wala na naman na nagkamali pa kaya natapos rin kami sa saktong oras na nakalaan. Naupo muna ako sa bench na nasa loob ng training room at pumikit naka ramdam kasi ako ng hilo. Sina Lairene naman nauna na sa cr
"Tired?" napamulat ako at tumingala sa taong nakatayo sa harap ko
"Hindi, trip ko lang kaya ako naka ganito" sarcastic kong sagot kay Ace
"Tskk..." naupo sya sa tabi ko at nag ayos na ng gamit nya, sila siguro ang next namin na gagamit ng training room, same company lang kami kaya hindi impossible
Nang mawala na kahit pa paano ang hilo ko ay pumasok na ako sa cr at naligo ng mabilis pagkatapos ko ay dumeretso na ako sa locker ko naabutan ko don sina Cindy
"Hoy Sef napapano ka?" tanong ni Chloe sakin, hindi ko alam kung bakit nya na tanong pero ngumiti ako sakanila kasi kahit pa paano pala concern sila sakin
Binuksan ko na yung locker ko para kunin yung jacket ko at saka sumagot sa kanya, "Ah red days lang" nginitian ko sila at sinara yung locker ko
"Ahhhh red days mahirap siguro ano" tanong ni Cindy sakin, tumango lang ako at ngumiti sakanya pero agad rin itong nawala ng taasan nya ako ng kilay, "Pero wala kaming pake, kung hindi mo kaya sana di ka na lang umattend para hindi ko kami pinahirapan pa"
Pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis na sila, binangga pa ni Nicole ang balikat ko kaya napa sandal ako sa locker ko. Alam ko naman na mas nakakapagod ang training na ito dahil pa ulit-ulit kami gawa ko, pero sana maintindihan naman nila ako, babae rin sila
Naluluha akong naupo sa monoblock na nasa tapat ko, mas tumindi kasi pagod ko knowing na may galit sakin. Pilit ko man pigilan ang luha ko pero nagderederetso na ito sa pagbagsak
"Pagod na ako" bulong ko sa sarili ko
Alam Kong wala akong karapatan na magreklamo kasi ginusto ko ito at ngayon pa ba ako susuko kung kailan ipapakilala na kami na grupo talaga. Pero sobrang nakakapagod na kasi talaga idagdag pa yung mga nambabash sakin
BINABASA MO ANG
A Fan Girl Became An Idol
Teen FictionThis story is all about sa isang normal babae na ang pangarap lang ay makita ang kanyang Idol but little did she know that supporting her idol in one event may lead to her to be an Idol