"Thank you po"
Ang sakit na ng panga ko kakangiti. May Fan Meet kasi kami ngayon na pakulo ng isang brand na pinopromote namin. Nagkagulo pa kanina actually hanggang ngayon kasi ang daming fan na nabudol, I don't know kung sino ang nagkamali or sino ang nanloko. Ang dami kasing Fan na nagdagsaan dito sa event pero limited lang ang makakapasok 100 person lang
Ang daming umiiyak at nagwawala sa labas. Nakakaawa man pero wala kaming magawa kasi di namin ito event, guest lang kami dito at nagpopromote lang kami nung brand. Para malessen yung galit at disappointment ng Fan ay nag request kami sa organizer na magpapasok ng 100 person para mabigyan namin ng autograph. We thought it will be enough pero mas nagwala yung Fan, may binayaran daw kasi sila, which is di yon ginawa ng brand, ang lahat ng makakapunta lang dito ay dahil nanalo sila sa palaro ng brand
Di ko na alam ang gagawin ko kasi ang dami talaga nila. "Hello po ate" bati saakin nang isang Fan, nginitian ko naman sya pumirma agad ako sa dala nya poster naming pito
"Anong name mo?" nakayuko ako at hindi nakatingin sakanya ng itanong ko ito, isusulat ko kasi name nya. Pero ng hindi nya ako sagutin tiningnan ko kaagad sya, "Ala,,, bakit ka umiiyak?" tanong ko kaagad sakanya na mapansin kong umiiyak sya
"Idol na idol ka po kasi ng bestfriend ko" inabutan ko sya ng tissue, grabe na kasi yung iyak nya "Naiwan naman po sya sa labas kasi po naka wheelchair sya di sya pinapasok. Pwede po bang pangalan na lang po nya ang ilagay nyo"
Napatulala ako ng ilang segundo sakanya, I didn't imagine na may iiyak sakin ng ganito ka grabe, "Ahh sigeh, baka may isa ka pang poster dyan pirmahan ko na rin para saiyo naman"
Habang sinusulat ko name ng bestfriend nya ay bigla syang nawala sa harap ko at ibang tao na ang kaharap ko. Napatayo ako ng makita kong pilit na syang pinapaalis ng mga staff sa harap ko
"Wait lang Miss di pa ako tapos pumirma, wag mo po muna syang paalisin" I said to the staff, pero hindi parin niya ako pinakinggan at pilit ng hinihigit yung babae
"Ma'am, kailangan na po natin mag madali, madami pa po ang nakapila" sagot sakin ng staff at pilit ng hinihigit si ate. Medyo nainis ako sa prosesong ito
At dahil nahihirapan at nasasaktan lang yung babae ay lumapit na ako at inabot sa kanya yung poster, "Wait for me sa may parking, pupuntahan ko kayo" bulong ko at bumalik na sa pwesto ko
Nang matapos kami ay agad kaming dumeretso sa may dressing room,"Hayyysttt kapagod, bakit ang daming tao? Ang pangako lang saatin 100, tsskkk kainis" reklamo ni Cindy habang tinatanggal yung heels nya
"Kaya nga, grabe yung mga tao parang asong ulol kung mag wala eh haha" napalingon ako kay Nicole sa sinabi nya, ulol na aso? Sino? Yung Fan namin? Tatawagin nyang ulol na aso?
Nagpipigil ako sa galit para hindi sya masabunutan eh, di nya ba nauunawaan kung wala yang tinatawag nyang ULOL NA ASO wala rin kami dito sa position na meron kami. Hayssstttt... Ang mga tao nga naman
Lumabas na ako sa dressing room sa sobrang inis ko kina Cindy, nagagalit pa sila sakin kaya daw kasi nag tagal kami ng 2hours dahil daw sakin. Nasa dulo kasi ako na iipon sakin lahat ng Fan kasi pati pangalan nila sinusulat ko kaya natatagalan. Anong masama don, Fan naman namin yon
Nang may nakita akong lamesa sa may Hall way ng dressing room at agad akong pumunta don at inilagay ang mga poster namin. Hiningi ko ito kanina don sa organizer ng event, nang tanungin ko kasi ito kung ano na ang gagawin sa mga ito, ay wala lang daw iimbakin for the next event daw namin kaya hiningi ko na lang
"Aww, ang sakit" daing ko habang minamasahe ko ang sarili kong kamay. 250 posters kasi pinirmahan ko. Balak ko itong ibigay sa mga taong nag-aabang, alam kong nandon pa yung iba
BINABASA MO ANG
A Fan Girl Became An Idol
Teen FictionThis story is all about sa isang normal babae na ang pangarap lang ay makita ang kanyang Idol but little did she know that supporting her idol in one event may lead to her to be an Idol