Chapter 2

3 0 0
                                    

"San ka galing" galit na tanong ni Faye. "Bat ang dumi ng palda mo" tinignan nya ang palda kong may putik. Gawa to nung lokong lalaki kanina.



"Ah wala, nadali lang to" naka ngisi kong sabi.


"Nakipag away kana nanaman ano?" Nakaka rindi talaga ang boses ng isang to si agatha.


"Asan si daven?" Tanong ko.

"Nasa room na nya" sagot ni faye.



Natapos ang klase namin. Wala nanaman akong naintindihan. Ano bang utak to, gusto ko ngang mag doctor. Eh palpak naman ako lagi. Baka albularyo abutin ko dito hindi pediatrician.




"May gala ba kayo mamaya?" Tanong ko at sabay sabay silang lumingon saken. "Sama ako" gusto kong uminom.



"Sige dyan lang tayo sa may kanto, may maliit na bar dyan" pangunguna ni agatha. Ito talaga pambato namin sa kalandian.




"Susss sabihin mo lang sawa kana dun sa kalandian mo nung isang gabi. Amerikanong hilaw" sabay sabay silang tumawa.




"Oo tama ka naman jan faye" turo ni agatha kay faye.




"Sige mag kita kita nalang tayo dun, byeeee" nag paalam na ako at umalis.




Umuwi ako upang maligo. Pumunta ako sa kwarto ko at saglit kong binuksan ang laptop ko. Bumungad saken ang puro shared ng mga kaklase ko or students, na nag aaral sa paaralan na pinapasukan ko. May nag upload ng video ng away namin ni chesca. Sikat nanaman ako. Naligo nalang ako at nag bihis.





"Ano kayang susuotin ko?" At nahagilap ng mga mata ko ang isang skirt na kulay black at tube na red. Ito ang isinuot ko. Then partner ko ang boots ko na kulay black. Nag doble lang ako ng blazer. Upang di makita ang likod ko. Hinayaan kong naka lunggay ang buhok kong maiksi na hanggang balikat. At nag liptint lang ako, then nag maskara konteng blush on. At bumagay naman yung konte kong make up sa maganda kong kilay at mata. Di naman sa pag mamayabang pero mayabang talaga ako.





"Daddy, mommy" sigaw ko pag baba ko ng hagdan.





"Where are you going, baby"? Naka taas kilay na tanong ni daddy. "Tapos ganyan suot mo, may boyfriend kana ba?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daddy.





"Dad wala nga po akong boyfriend, at di po ako mag boboyfriend" irita kong sabi.





"Tomboy ka ba?" Halos galit na sabi ni daddy.



"Hindi po dad" nakaka walang gana naman.



"Mommy, alis na po ako" paalam ko. At tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.




"Napaka ganda naman ng baby ko" nakangiting sabi ni mommy. "So beautiful".





"Mom I know" pabebe kong sabi.





"Hala sige umalis kana, mag iingat ka ha. Umuwi agad" at tuluyan na akong lumabas ng bahay. Nag taxi nalang ako.





Malayo palang ako rinig ko na ang malakas na tugtug na nag mumula sa bar na pupuntahan namin. Mapaparami ang inom ko nito.
Nakarating na ako sa bar, sinalubong ako ng mga kaibigan ko. Bale tatlo lang friends ko. I don't need more friends. Sapat na sila saken kahit tatlo lang sila, Basta ang important saken totoo sila.





"Wow naman, ikaw ba yan reyziel" inikutan ako ni faye, ganda ko ba talaga. "Ang ganda mo, kahit wala ka namang ayos maganda ka pa rin" nakangiting sabi ni faye.




"Tara na sa loob, Alam kong hinihintay na ako ng mga alak dun" Sabi ko at nauna akong mag lakad. Ang daming tao ngayon, ganito kasi ang tao tuwing thursday yung ibang college walang pasok tuwing byernes. Itong bar na to ang pinaka malapit sa school namin. Kaya yung iba naka uniform pa. Todo sayaw ang mga babae may nakikita akong nag hahalikan sa tabi, sa upuan naka kandong na yung babae sa lalaki. Like iwwwww diba nila naisip na bar to at hindi hotel. So diko naman sila masisisi dala na yun ng sobrang kalasingan. Tagal ko ng nag iinom nalalasing ako, pero kahit kailan diko nagawang makipag halikan.
Wala pa akong first kiss, baka talagang tatanda na ako ng virgin...





"Mag saya tayo, iinom tayo ng madami" nag lagay ng isang bucket ng yelo si faye at dala naman ni daven ang mga alak. Sari sari ang inumin na dala ni daven.




"Asan si agatha?" Tanong ko kanina ko pa kasi hindi na kikita ang babaeng yun.



"Ayon oh" turo ni faye. Kita ko kahit madilim andun si agatha at may.... Ka sex.




"Mygod nakakahiya si agatha" umiwas na ako ng tingin kina agatha. Diko sila kayang panuorin, kahit porn nga di ako nanunuod eh.




Nag simula na kaming uminom. Di naman ako masyadong nag paka lasing, baka kasi mamaya walang mag hatid sa mga kaibigan ko. Nasisiguro kong lasing na tong mga to. Si daven nakasubsub na sa table. At si faye nag sasayaw na, di naman yan mag sasayaw si faye kung di lasing.





"Iuuwi ko na kayo" Sabi ko at sumunod naman sila. "May car ba kayong dala?" Tanong ko.



"Yeah meron ako" sagot ni faye. "Here's the keys" iniabot nya saken ang susi. Nasa shotgun seat si daven, at nasa likuran naman si faye at agatha.



Nauna kong inihatid si daven, kasunod si agatha. Medyo malayo yung kay faye.





"Oh andito na tayo faye, ini parked ko na din yung kotse mo" inalalayan ko palabas ng kotse si faye.




"Thanks, beautiful reyziel" nakangisi nyang sabi na talagang lasing.



"Pumasok kana sa loob, uuwi na ako" nag paalam na ako at umalis. Nag taxi nalang ulit ako. At diko namalayan na nakatulog ako. Kanina pa pala ako ginigising ni manong driver.




"Pasensya na po" nakakahiya naabala ko pa tuloy yung tao, magising lang ako.



"Ok lang po ma'am, maganda ka naman po" nahihiyang ani ni manong driver.




"Salamat po" nag bayad na ako at dumiritso na sa loob ng bahay. Tulog na silang lahat. Umakyat na ako sa kwarto ko, nag tanggal ako ng damit at pumasok sa cr. Binabad ko ang sarili ko sa bathtub ng 20 minutes. At napag desisyonan ko ng umahon. Nag panty at sports bra nalang ulit ako. Then nag skin care pinatuyo ko na ang buhok ko at ready nang matulog.

^_^__________________________ Don't forget to vote and follow me.

Take Me To The Ocean (Province Series 1)Where stories live. Discover now