ENTRY #01: Meet Glamorosa

15.2K 447 66
                                    

"GLAMOROSA: Ang Donya Beki"

By Soju

ENTRY #01: Meet Glamorosa

HI! Kilala niyo ba ako? Imposibleng hindi niyo ako kilala dahil palagi akong laman ng mga sosyaling fashion magazine na naka-display sa Carine Gilson Boutique. Kung tatanungin niyo ako kung saan ang boutique na iyon, don't dare to ask na lang kasi baka mabigo lang ang pangarap mo na makapagsuot ng mamahaling dress tulad ng suot ko ngayon. Sa Paris lang naman makikita ang boutique na iyon. Oh, ano, pupunta ka? Saka na, kapag may passport ka na! Kuha muna ng passport, ineng!

Just in case na hindi niyo ako kilala, ako nga pala si GLAMORASA. Pronounced as: GLA-MO-RO-SAH. Dapat kapag binabanggit mo ang GLA ay sumasayad ang dulo ng dila mo sa iyong ngala-ngala. Dahil kapag hindi sumayad, ay 'teh, hindi kita lilingunin kahit anong tawag mo sa napakaganda kong pangalan.

I was tagged as the "Donya Beki" dahil sa supeeer yaman ko. As in! Like... yah! I am so rich. So rich na medyo lamang na ako kay Bill Gates. Twenty-eight pa lang ako pero look at me, I am so matagumapay na.

Gusto niyo bang malaman kung paano ako yumaman? Well... Neknek mo! Bakit ko sasabihin sa'yo? Mamaya maungusan mo pa ako, hindi naman ako papayag, 'no! Akin na lang iyon. Basta ikaw, just sit back and relax. Magbasa ka lang diyan ng tungkol sa aking fabulous, glamorous life hanggang sa tumulo ang laway mo sa inggit!

At ano 'yan, ha? Masaya ka na sa iPhone 6 mo? Hah! Ang gamit ko kasi sa pagtatype ng entry na ito ay iPhone 12, eh. Nganga ka, 'di ba? Ako lang ang may phone na ganito. Ipinadesign ko talaga ito sa Apple. Kung magkano? 'Wag mo na ring itanong dahil baka hindi ka pa maniwala. Sabihin mo pa, naka-drugs ako.

Hayaan mo, minsan ay bibigyan kita ng diamonds ko basta ba, mag-promise ka na babasahin mo palagi ang mga adventure ko, ha!

Oh, siya, I have to go na. Kanina pa kasi ako tinetext ni Kumareng Angelina Jolie. Magkape daw kami sa Italy! Ang gaga, napakakulit. Akala niya kasi, bibigyan ko siya ng diamonds ko. Asa pa siya! Inagaw na nga niya sa akin si Papa Brad Pitt ko pati ba naman ang mga diamonds ko? Never!

Sige na! Babush na! Beso na! Mwaaah! Mwaaah! Mwaaah!!!

BWAHAHAHAHA!!!

GLAMOROSA: Ang Donya BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon