ENTRY #03: First Time Mag-Commute Ng Donya
HAAAY!!! As in haaay!!!
Hindi maganda ang day ko ngayon. Nakahiga ako ngayon sa elegante kong kama dahil pagod na pagod ako. Kakagaling ko lang kasi sa Australia para personal na pakainin ang mga alaga kong kangaroo there at kakauwi ko lang ngayon.
Smooth naman ang trip ko sa aking private plane pero ang nakakainis lang talaga ay kung bakit biglang nasira ang aking kotse na Zenvo ST1 worth 1.2 million dollars na gagamitin ko na sasakyan pauwi dito sa aking mansion!
Nakakainis, 'di ba? Wala pa naman iyong driver ko kasi I want to... I want to ano... Gusto kong ipag-drive ang sarili ko. Ganern! Tapos sira lang pala ang aking Zenvo ST1 Ayun, wala akong choice kundi ipahila sa tow truck ang sira kong kotse para ipadala sa junk shop at ipatimbang.
Siyempre, gusto ko nang makauwi that time kaya pinara ko agad ang taxi na nakita ko. No choice but kailangan ko munang mag-commute pauwi. Nagpahatid ako sa kanya hanggang Makati. At napa-wow ako kasi from airport to Makati ay siningil ako ng driver ng... Hulaan niyo kung magkano? Five thousand pesos! Ang mura lang pala. Dahil sa kasiyahan ko dahil sa murang singil niya ay binigyan ko siya ng tip na one thousand. Pangkape man lang niya! Naawa nga ako sa kanya kasi baka lugi pa siya. Sana lahat ng taxi drivers ganoon. Hindi nananamantala...
Tapos, sumakay ako sa jeep. 'Yan na nga. Dito na ako nabwisit. Dito na talaga uminit ang ulo ko. Nakaaway ko kasi ang ibang pasahero at yung driver ng jeep. Paano ba naman, yung jeep na nasakyan ko ay puno na ng pasahero. I told them to... I told them to ano... Sinabihan ko sila na bumaba kasi sasakay si Donya Beki. Aba! Hindi ako pinakinggan! Hindi ba nila ako kilala?
So, no choice na naman kundi ang tumabi sa mga maralitang mamamayan. Kainis, 'di ba?
Tapos ganito ang naging eksena kaya uminit talaga ang ulo ko sa driver na iyon:
Kumuha ako sa aking wallet na may diamonds design ng one thousand bill.
GLAMOROSA: Bayad po, Mister Jeepney Driver! Diyan lang po sa malapit...
DRIVER: (Binalik ang one thousand.) Wala po ba kayong smaller bill?
GLAMOROSA: Ha? Wala na po, eh. Puro ganyan lang ang size ng pera ko. Pare-parehas lang.
Ang tanga lang, 'di ba? Smaller bill daw, eh puro ganoon naman ang size ng pera dito sa Pilipinas!
DRIVER: Smaller bill po. Mas maliit na pera.
Ah, kuha ko na. Hindi naman niya agad sinabi. Tinupi ko ang one thousand bill at inabot sa driver...
GLAMOROSA: Oh, 'yan! Tinupi ko na. Mas maliit na 'yan!
Tapos walang anu-ano ay pinababa ako ng bwisit na driver! Buti sana kung nakatigil yung jeep pero pinababa niya ako habang umaandar. Nagkasugat tuloy ako sa siko nang tumalon ako.
I know, naaawa kayo sa akin sa first experience ko sa aking pagko-commute. Hindi na talaga ito mauulit! Haaay... Makaidlip nga muna pero before that... magbibilang muna ako ng diamonds ko.
One... Two... Three...

BINABASA MO ANG
GLAMOROSA: Ang Donya Beki
HumorKilalanin ang pinakamayamang beki na si GLAMOROSA! Basahin ang maiikli at walang latoy niyang adventure at pang-iinggit niya sa kanyang mga diamonds!