Chapter Four

2 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking balat.

"urgh" pinilit kong bumangon pero nauuwi lang ulit sa pag higa dahil sa sakit ng aking ulo.

Hangover

Dapat kasi sinagot mo na lang yung mga tanong ayan tuloy ang sakit ng ulo mo.

"GUYS WAKE UP!!"

What the! Ansakit na nga ng ulo ko balak pa din atang pasakitin ni El pati teng ko.

"shut up El! Masakit ang ulo ko" pagsasaway ko na parang wala naman siyang narinig.

"Bangon na bangon na" sabi pa niya habang inaalog ako.

Ayyt. Hindi ba sya makaintindi na madakit nga ang ulo ko?

"Bilis na Vela bumangon kana jan" pangungulit pa din niya. "kain na daw tapos volleyball"

Pagkain

Siguro pwede nang bumangon titiisin ko na lang ang sakit ng ulo ko.
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa banyo. Hindi inimda ang pagkirot ng aking ulo.

Pagkalabas ng banyo ay nakita ko agad sila na ready to go na. Ready to eat kamo

Pag dating sa cottage ay ang tatamlay ng itsura ng iba parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"bakit ba ngayon lang kayo? Kaing-kain na ako eii." reklamo ni Dex na umani ng tawanan.

"hahaha pasensya na eto kasing si Lala may hangover. Ayaw pa bumangon." umiiling na sabi ni El.

"grabe ha! Sino ba kasing nagsabi na intayin nyo ko?" sagot ko sa kanya.

"bwahaha tama na yan. Mamaya na ang part 2 kain muna tayo" pag sabat ni Delly

Nag kanya kanya ng kuha ang mga ka batch namin. Inintay muna namin na makakuha sila bago kami sumunod. Ibat-ibang pagkain ang nakahanda may pritong manok, merong lechon kawawa naman sya halos buto na lang ang natira, may dobo, hipon, chapsuy,ang hindi malilimutang Shanghai at kung ano ano pang putahe.

Napag-usapan na mag aambagan at iyon ang ibibili ng pagkain. Oorder na lang wala ng luto luto dahil wala din namang magiintindi dahil busy ang lahat.

Nag kanya kanya ng pwesto kung saan kumportable pero magkakalapit pa din.
Habang kumakain ay hindi mawawala ang tsismisan at kwentuhan. May ilang nag pa throwback, inalala ang buhay junior high.

Matapos ang kainan ay nagligpit muna upang matunawan bago mag laro. This time change of duties ang ganap. Lalaki ang naghugas ng pinggan at babae naman ang nag linis ang iba pang kalat sa cottage.

Tapos na kami sa pag lilinis at nag iintay na lang sa iba upang makapag umpisa na.

Lumipas ang kalahating oras ay hindi pa din dumarating ang mga ito. Napagpasyahan namin na puntahan na sila sa likod.

"hayy paano ba namn kasi hindi magtatagal"

"wala pa sa kalahati nahuhugasan nyo"

"mag madali nga kayo!!"

"gusto na naming maglaro"

Literal na napa face-palm ako ng makita ang kanilang ginagawa at sila namn ay natigilan bago magtawanan. Nagbabatuhan na sila ng bula mula sa dishwashing liquid na ginamit nilang pang sabon. Wla pang kalahati ang nalilinis nila puro na sila bula.

Sa halip na unahin nila yung pag kukuskos ay inuna nila ang pag ganti sa nangbato sa kanila. Kaya ang ending kami din ang gumawa ng gawain nila. Pinag tulong tulungan namin para mabilis matapos.

ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon