Chapter Two

6 3 0
                                    

Matapos ang kalahating oras na biyahe ay nakarating din kami sa aming destinasyon.
Mabilis ang naging byahe dahil hindi naman trapik.

Nang makarating kami ay nandoon na din ang iba pa naming ka batch. Nagbatian, kumustahan, chikahan.

Since one night and one day ang trip nila kelangan naming mag rent ng tutulugan. Nakakuha na naman sila at ibinigay sa amin ang room number. 139

Nagpunta na kami sa room na naka asign sa amin at natulog sina Tara, El at Isha habang ako ay nag mamasid sa magandang paligid. Kulay asul na tubig dagat, medyo maputing at pinong buhangin, mga cottage na malapit sa dagat. May swimming pool sa kabilang banda ng resort. May tindahan ng souvenir at kung ano ano pa.

Napag pasyahan ko na lumabas muna upang makapag lakad lakad at lalong madama ang ganda ng paligid.

Habang naglalakad ako sa pinong buhangin ay biglang--

"grim" tawag ng isa kong kaklase sa lalaking naglalakad sa aking harapan.
Natigilan ako. Ang pangalang yon. Ang lalaki na nasa harapan ko. Ang kanyang mga ngiti at kanyang pigura. Ang nakaraan.
Unti unting bumabalik na parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Flashback

Third year high school ako that time. Syempre may mga nagtatanong kung pwedeng manligaw pero isang tao, isang lalaki lang ang inentertain ko. Sya. Si Grim.

"so payag kana na manligaw ako?" masayang tanong ni grim.

"ano pa bang magagawa ko eii nagawa mo yung deal natin." saka ako nagbuntong hininga. Kapag nagawa nyang mag post sa Facebook ng picture nya na naka bra. I didn't know na seseryosohin nya ang sinabi kong dare.

Ginawa nga niya at nagkaroon ito ng daan daang reacts at comments. May ilang nagcomment ng" pre hindi tayo talo", "haha... At bumigay na ng tuluyan"... At kung ano ano pa na hindi naman niya pinansin.

"Ang lalim ata ng iniisip mo" antig niya.
"Hindi naman, may naalala lang" sabi ko sabay ngiti.
"siguro iniisip mo magiging future natin" pang iinis nya.
"hindi ahhh... Nanliligaw ka pa nga lang.... Future agad iisipin ko??.. Hindi ko pa nga alam kung sasagutin kita o babastedin na lang." ganti ko.
"basted agad?? Wala pa ngang one day yung panliligaw ko." sabi niya sabay puppy eyes.

Wala akong ibang nagawa kundi titigan ang kanyang mata. Maganda. Mali, sobrang ganda. Itim na mata na parang isang kristal nag s shining shimmering sya..

"pinagnanasahan mo na ata ako ei" naguumpisa na naman sya.
"bala ka jan.... Uwi na ako" paalam ko subalit pinigilan nya ako. Bigla syang sumeryoso sabay sabing "hatid na kita?" tatanggi na sana ako pero inunahan nya ako ng "nanliligaw ako diba?"..... Edi sige hands up na.... Panalo na sya....

Nilakad lang namin ang pagitan ng bahay sa school. Hindi naman sya sobrang layo. Hindi rin sobrang lapit. Pero keri na lakarin.

"Bakit ang cold mo?? I mean kapag tinititigan kita laging blank lang ang expression mo??" pag basag nya sa nakakabinging katahimikan.

"bakit ako ang tinatanong mo.... Eii ikaw nga yung dapat na niraratrat ko ng tanong dahil ikaw yung nanliligaw.... O kaya mag kwento ka na lang.. Para hindi boring. " sagot ko sa kanya.

"ayy.... Oo nga pala.." sabi nya sabay kamot sa batok.
"alam mo madalas akong nakatitig sayo. Kapag kasama mo yung mga kaibigan mo ang bait bakt mo pero pag ibang tao ang nag a approach sayo balik ka sa pagiging cold mo. Nag dalawang isip pa nga ako kung liligawan ba kita o hindi. Pero mas matimbang talagang yung isiniigaw ng puso ko na ligawan ka kesa sa ibinubulong ng isip ko na wag na mag try dahil baka bastedin mo agad ako. Pero nagtataka talaga ako kung bakit nga ba ganon ka. Hindi sa nakikialam o kung ano pa man gusto ko lang malaman. " mahabang litanya ni Grim.

ChainedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon