CHAPTER SIX: FIRST TASTE
NEA’S POV
It’s been a week. But it felt like a year.
I’ve been living with the Villaverde quintuplets for straight seven days. Going to school with them, eating meals with them, and going home with them.
And the hardest part is, trying to make them study!
Today is Saturday. Dapat ay maghapon ang aming tutorial session. Pero ang walang hiyang si Primo, nagpa-pool party bigla! Pagkagising na pagkagising ko ay ibinalita sa akin ni Ate na maraming bisita.
Pagkasilip ko sa salas ay agad akong napabalik sa aking kwarto.
Naroon ang karamihan sa mga kaklase ng lima at meron pa na galing sa klase ko. At ang napakalupet, ay naroon din ang tropa ni Ronica!
Wala tuloy akong nagawa kundi ang magmukmok sa sariling kwarto at mag-aral mag-isa.
Pinuntahan ako ni Saitel para yayaing makisalo sa umagahan kasama ang mga bisita. Pero tinanggihan ko iyon. Sa huli ay nagpadala na lang sya ng pagkain sa silid ko.
Magtatanghalian na ngayon at hindi pa rin ako lumalabas. Bakit?
Unang-una sa lahat ay hindi alam ng mga taong iyon na dito ako nakikitira! Ang alam lang nila ay kaibigan ako ng pamilya Villaverde. Paano na lang kung kumalat ito sa buong school?
Edi lalo na akong magiging sentro ng tsismis?
Hindi ko alam kung anong pumasok sa mahanging utak ni Primo at nagawa nyang mag-imbita na hindi man lang ako binabalaan. Kung alam ko lang, edi sana gumising ako ng mas maaga para umalis muna sa mansion na ito.
O planado na ba ito para hindi matuloy ang study session namin?
“Natalie…” I heard behind the door.
It’s Mayo, of course.
Tumayo ako sa pagkaka-upo sa kama at lumapit sa pintuan. Binuksan ko ito at nakangiting sumalubong kay Mayo. Ang nag-aalala naman nyang mukha ang bumungad sa akin.
“I’m sorry, Natalie. I didn’t know about Primo’s plan.” He uttered worriedly.
I gritted my teeth while thinking of Primo.
“Ayos lang. Bahay nyo naman ito.” I smiled at him.
Sa kanilang lima, si Mayo lang ang kinakikitaan ko ng pake sa akin. Hindi naman sa hinihingi ko iyon sa kanila. I am just thankful to Mayo. He’s so kind to me.
“No. It’s rude to invite our schoolmates here without informing you. Lalo na at alam nya ang sitwasyon mo.” He said seriously.
Wala naman akong masabi kaya ngumiti na lang ako sa kanya. I stared at him as I gave him my best smile. Pansin ko agad ang pamumula ng tenga nya nang nagtagal ang titig ko.
“W-Why?” He asked.
“Wala lang. I’m just thankful that there’s at least one among all of you who’s thinking about my situation. Thank you, Mayo.” I sincerely uttered.
Nag-iwas sya ng tingin sa akin at tumikhim. In his side view, the redness of his ear is very obvious. Namumula siguro iyon kapag napa-flattered sya?
How cute.
“That’s nothing.” He said when he faced me again. “Can we study together? Kahit tayong dalawa lang.” Dagdag nya.
“Dito na lang tayo sa kwarto ko, o sa study room?” I asked.
BINABASA MO ANG
Tutor Of Five
Fiksi RemajaInspired by the anime/manga "The Quintessential Quintuplets" (ON-GOING, SLOW UPDATE)