Lilith's POV
Kanina pa ako pabalik balik sa dinadaanan ko dahil hindi matahimik ang maganda kong utak sa pag-iisip kung saan ko nalagay ang pagkain dinala ko dito sa kwarto namin ni Duck Prince kagabi. Binuksan ko ulit ang aparador namin ni Duck Prince kahit na makailang beses ko nang tinignan ito kanina, ngunit wala pa rin. Hindi ko pa rin kita ang paa ng piniritong manok na itinabi ko para sa'kin. Bumaling ako sa higaan ng bruhang genie pig pero wala sa mga gamit niya ang minamahal ko paa ng manok. Wala ito ngayon sa silid namin kasi sumama sa tatay niyang pato na bumababa kanina.
"Asan na kase yu'n napunta?" Kamot ulo kong tanong sa sarili ko.
Yumuko ako para tignan ang ilalim ng lamesa bakasakaling nabuhay ang paa ng manok at naisipan niyang magtago sa ilalim ng lamesa. Pero dismayado akong tumayo ng matuwid dahil wala do'n ang paa ng pritong manok.
"Pag ikaw nakita kong manok ka dudurugin ko itlog mo, tandaan mo yan" may banta kong sabe saka binaling ang tingin ko sa ibang parte ng silid namin.
Naglakad ako nang dahan dahan palapit sa kama namin ni Duck Prince. Lumuhod ako saka ko dinapa ang sarili ko para tignan ang ilalim ng kama pero wala pa rin ang pritong manok ko.
"Yaah!" Sigaw ko.
Padabog akong tumayo ng wala akong makita sa ilalim ng kama kundi ang kadiliman. Hindi pwedeng mawala ang paa ng manok na yu'n pang midnight snack ko yu'n.
"What are you doing?" Ani ng isang boses mula sa aking likod dahilan para magulat ako.
"Ay! Impakto ka" Wala sa sarili kong sigaw habang sapo sapo ang dibdib ko.
Bakit ba ang hilig na hilig ng lalakeng 'to ang manggulat parati. Gusto ko tuloy bigwasan ang isang 'to?
Kumunot ang noo niya pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko dahilan para manlaki ang mata ko.
"Are you saying that i'm impakto?" naningkit ang mata niyang tanong habang nakatingin sa'kin.
Paktay.
"Syempre oo- hindi! Hindi yung ano... yung paa ng manok impakto siya, oo ganon yu'n siya yung impakto" pilit ngiti kong sabe habang patango tango pa at pinipilit na kumbisin ang prinsipe ng mga pato.
Blanko niya lang akong tinignan habang ako di makatingin ng diretso sa mga mata niya.
"May aasikasuhin ako this week" aniya habang nakatingin sa'kin.
Tumango lang ako sa kanya bilang sagot saka bumalik sa paghahanap sa nawawala kong pritong paa ng manok.
"Aldready throw it away" Aniya.
Nanlaki ang mga butas ng ilong ko dahil sa sinabi ng prinsipe ng mga pato. Mag-uumpisa na sana akong magalit ng bigla nitong dinugtungan ang kanyang sinabi na siyang napangiti sa'kin ng abot tenga.
"Nagpaluto ako ng maraminf fried chicken, kaya bumaba kana" aniya saka ako tinalikuran.
"Celeste magdahan dahan ka baka ka mabulunan diyan sa ginagawa mo" nag-aalalang sabi ni tita Everett sabay salin niya ng juice sa baso.
Halos wala na kasi akong mapaglagyan sa bunganga ko kasi kakasubo ko palang ng isang buong manok ay isusunod ko naman ang panibagong manok sa bibig ko dahilan para mamasid ako. Ngumiti lang ako kay tita Everett pero patuloy pa rin ako sa ginagawa ko samantalang si Duck Prince naman ay blanko lang akong tinitignan. Nasanay na siya siguro.
"Celeste wala ka namang kaagaw diyan sa foods mo, sayo naman lahat yan" natatawang sambit ni Ate Lucinda habang prenteng nakaupo sa hapag.
Masisi ko ba ang sarili ko ng malakas akong kumain. Hindi ko kasalanan na may bayawak ako sa tiyan? Nakaupo lang ang pamilyang Crimson habang tinitignan akong kumakain. Minsan tuloy napapaisip ako na sobrang lungkot ng buhay nila kasi kahit madami silang pera ay balewala lang lahat ng iyon dahil hindi sila nakakain ng mga pagkain tao. Hindi tuloy nila alam kung gaano kasarap ang mga pagkain na palagi nilang nakikita sa hapag na ako lang ang chumichibog.
"Celeste maiiwan ka muna kasama sina tita Everett mo at Lucinda, sapagkat may aayusin kaming bagay ni Kieran para sa darating niyong kasal" mahabang sabi ni tito Lazaruz.
Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa narinig ko kay tito Lazaruz. Sila ang magpreprepare para sa kasal namin ni Duck Prince?
"Hindi pwede yu'n! Paano ko masisiguradong maganda at mala princess ang kasal namin ni Duck Prince tito? Alam mo po ba ang favorite color ko? Favorite fairy tale ko? Kung anong theme ang gusto? " Protesta ko saka binalikan ang pagkain habang nanatili ang paningin ko kay tito Lazarus.
Napatawa si tito Lazaruz ganon den sina tita Everett at ate Lucinda. Wala si Blade kasi may pinag-utos si tito Lazaruz sa kanya kaya wala siya sa hapag kasama ang pamilyang Crimson para tignan ako habang kumakain.
"Celeste, hindi pwedeng ganon ang kasal na gaganapin sainyo ni Kieran kasi may susundin kayong tradisyon ng pagkasal sa bawat maharlikang mga pambira" natatawang paliwanag ni ate Lucinda habang umiiling iling pa.
Tradisyon? Kaloka naman tong mga 'to. Anong mangyayare sa kasal namin ni Duck Prince paramihan kami ng kagat sa leeg?
OMG!
Paano kung ganon nga?! Edi namanatay ako. Paano na si nalang si Manang Linda? Paano nalang ang bruhang genie pig? Kahit naman maldita yu'n ay mahal ko pa rin ang anak ko.
"Kakagatin namin ni Duck Prince ang isa't isa?! Paano kung namatay ako? Paano kung may rabies si Duck Prince? Edi na ulol ako" Agad kong protesta sa sinabi ni ate Lucinda habang malakas na iniiling ang ulo ko. Ayaw ko pang madeads.
"HAHAHAHA!" malakas nilang tawa habang si tito Lazaruz ay sapo sapo ang sariling tiyan. Pero syempre blanko lang mukha ni Duck Prince. Ano pang aasahan, eh parang laging may dalaw.
"Oh! Bakit nanaman?" Kunot noo kong tanong sa kanila na ngayon ay patuloy pa rin sila sa pagtawa.
"I can't believe you Celeste, HAHAHAHA"
Aba! Ako pa talaga ang di kapani-paniwala ngayon. Minsan talaga gustong gusto ko silang isuplong para matukhang. Mukhang iba na ang nangyayari sa pamilya 'to eh. Walang nakakatawa sinabi ko, buhay ko ang nakataya kaya seseryosohin ko ang ganoong mga bagay.
"Patingin na kaya kayo sa doctor?"
***
Don't forget to comment and vote
BINABASA MO ANG
The Immortal Love
VampiriDugo ang bumubuhay sa tulad niyang bampira. Ang pambirang si Kieran Luther Crimson ay isa sa pinakatatakotan at nirerespeto ng kalahi niya. For him, his reputation is the most important thing in his life. Pinakamalakas at tinitingala siya ng mga kap...