Kabanata 16

2 1 0
                                    

Lilith's POV

Panay ang titig ko sa salamin habang suot ko ang kulay pulang gown na binigay sa'kin ni tita Everett. Nakalugay ang buhok ko at may isang ipit na diamond ang design. Dalawang linggo na simula makalabas ako ng hospoyal. May paparty kasi ang Crimson Family, birthday daw kuno ni tito Lazarus.

"You're so beautiful Celeste" papuri ni ate Lucinda habang tinitignan ang repleksiyon ko sa salamin.

Binali ko ulit ang tingin ko sa salamin at napasinghap. Kulay pula ang lipstick na nilagay sa'kin ni ate Lucinda. Malungkot kong tinignan si ate Lucinda, hindi kase ganito ang gusto kong gown at make-up gusto ko yong swan na custome at yong peak mask.

"Oh.. Hindi mo ba nagustohan ang make-up ko Celeste?" Dismayado niyang tanong.

Mabilis akong umiling sa kanya. Ayaw kong saktan ang damdamin ni ate Lucinda.

"Really? I'm sure maagaw mo ang atensiyon ng iba mamaya sa ibaba. Lang ganda ganda mo ngayon super"

Mabilis umangat ang kilay ko sa simabi niya. So ngayon lang ako gumanda? Matagal nakong maganda oy!

"Here's your mask Celeste. Don't forget to use that on the ball" sabay abot niya sa isang maroon na maskara.

Sinuot niya ang kulay itim niyang mask. Kulay itim ang gown na suot niya, nagmumukha siyang kontabida sa kulay itim niyang lipstick. Para siyang biyudang mangkukulam.

"Bagay ba sa'kin?" Aniya saka umikot.

Oo. Bagay sayong maging kontrabida sa isang teleserye, at ikaw yong kabet. Sing itim ng lipstick mo ang budhi mo sa palabas.

"Hahahaha!" Hindi ko namalayan na tumawa na pala  ako na siyang mabilis kong tinakpan.

Biglang bumasangot ang mukha ni ate Lucinda.

"Hindi ba bagay sa'kin?" Aniya.

Mabilis ako umiling. "Hindi!... Ano ibig kong sabihin hindi ikaw ang tinawanan ko, saka bagay sayo yang damit mo" na agad din naman niyang kinangiti.

"Talaga?"aniya.

Tumango lang ako at pilit na ngimiti.

Naagaw ang atensiyon ko nang may bumukas sa pinto at niluwa nito ang mag-asawa na ngayon ay nakaawang ang mga labi habang nakatitig sa'kin. Problems ng mga to?

Sabi ko na eh. Di talaga bagay sa'kin tong gown na, mas maganda talaga yong swan na costume.

"You're so pretty Celeste" ani ni tita Everett. Nakakadalawa na tong mag-inang to sa'kin ah. Panget ba talaga ako sa paningin nila magmula noon at ngayon lang nila napansin ang mala dyosa kong kagandahan?

"Luther must see his fiancee right now. Now I knew why our son loves this human" ani ni tito Lazarus.

Naunsa mani sila oy!

"Matagal na po akong maganda. Ngayon niyo lang nalaman?" Mataray kong sabi.

"Hahahaha!" Sabat nilang tatlong tawa. Natural na nga ata sa mga baliw na tulad nila ang tumawa ng walang matinong dahilan.

"Alam mo Celeste, ang ganda mo noon ay parang password no lang" nangunot ang noo ko dahil hindi ko gets ang sinabi ni tito Lazarus. "Ikaw lang nakakaalam hahahaha!" Aniya kasunod ng pagtawa ng tatlong kigwa.

Last mo na sanang birthday to'ng amawa ka.

"Ha-ha-ha-ha" sarcastic kong tawa na mas kinatawa ng mga baliw na nasa harapan ko. Mabulan sana kayo ng sarili niyong mga laway.

"Faster huma-" isang boses ang narinig ko mula sa harap ng pinto at ngayon ay seryosong nakatingin sa'kin ang may nagmamay-ari ng boses at tila ay di makapaniwala sa nakita.

Nagbubulongan ang mga kigwa sa gilid habang dahan dahang lumalapit sa'kin si duck prince, habanero nananatili pa rin ang tingin sa'kin.

Sinasabi ko na nga ba. Mali talaga ang desisyon kong sakyan ang pakulo ng babaeng yun'.

"Nae salang... You're so gorgeous tonight" aniya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa'kin.

"Botbot?! Pagsure ba?" Sabi ko saka malakas na sinuntok ang braso niya.

Matigas... Ang braso.

"Tsk. You just change physically but your still have that attitude. We need to go down stairs, they're waiting for you" aniya saka ako tinalikuran at lumabas ng silid.




Mabilis kong sinuot ang maskarang binugay sa'kin kanina ni ate Lucinda. Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan nang dahan dahan na akong pababa nang hagdan. Kain lang naman habol ko party party na'to. Dagdag pa ang tingin nila na sa'kin lahat at seryoso akong tinitignan.

Nakaabang sa dulo ng hagdan si Luther at hindi inaalis ang tingin sa'kin. Ng umabot na ko sa dulo ay nilahad sa'kin ang kamay niya. Manghihinge ata ng barya. Mabilis ko siyang binulungan.

"Sorry duck prince. Wala kasing bulsa to'ng gown na pinasuot sa'kin ni ate Lucinda kaya wala akong pera. Mamaya bigyan kita ng bente pramis"

Natawa ng mahina at halatang nagpipigil nang tawa si tito Lazarus na nakatayo sa tabi ni tita Everett. Chismoso talaga.

Matalim akong tinignan ni duck prince at kinuha ang kamay ko at nilagay sa braso niya. Galit ata kase wala akong binigay. Kasalanan to ni ate Lucinda.

Pumunta kami sa gitna ng mga nagkukumpolang mga bampira. Napansin ko na sa bawat bampirang nadadaanan namin ay yumuyuko.

May balak ata silang maglaro ng luksong kabayo.

Tinignan ako ni duck prince bago siya nag-umpisang magsalita.

"To all vampires who came here and witness the introduction of the future queen of vampire and for celebrating my father's born day. I would like to say thank you. And for those vampires who's spying right now. You better leaves before I catch you" aniya saka kumuha ng isang wine glass sa lamesa.

Nilibot ko ang paningin ko at nagbabakasakaling mahanap ang lamesang may pagkain. Naagaw ang atensiyon ko ng biglang tumunog ang piano at nasimulang sumayaw ang mga bampirang nasa paligid.

"Duck prince?" Tawag ko kanya. Nilingon niya ako habang nakataas ang isang kilay. Maldita.

"Asan yong mga handa?" Nilibot ko ang patingin ko sa iba't ibang sulok ng mansion kung saan sinecelebrate ang ball na'to.

"Really human? Do you think that vampires will prepares those human foods for vampire?"

Mataray ko siyang tinignan. "Aba malay ko bang may ibang tao dito bukod sa'kin na umattend sa ball na'to"

"Tsk"

Tinalikuran ko siya saka nagkrus ng kamay. Akala mo susuyuin kitang kulukoy ka. Hindi to marupok oy!

Isang kamay ang naglahad na naman ng kamay sa harap ko. Wala nga sabe akong barya. Inangat ko ang tingin ko sa nagmamay-ari ng kamay at napag-alaman kong si Blade pala ang nagmamay-ari no'n. Sasabihin ko na sanang wala akong barya pero agad siyang nagsalita.

"Hindi ako manghihinge ng barya. But can I have this dance" sabay alok niya ulit sa kamay niya.

Akmang tatanggapin ko na ang alok ni blade ay isang mabilis na paghila ang naramdaman ko at napagtanto kong nasa likod nako ng malditang bampira at walang kundi si duck prince ang may gawa no'n.

"H'wag mong subukan idikit ni isang daliri mo kay Lilith, Corliss. Dahil buong angkan mo ang pahihirapan ko"

The Immortal LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon